KC Concepcion and Piolo Pascual’s relationship destined to be long distance?

IWAS PUSOY SI Raymart Santiago sa mga tanong ng media tungkol sa balitang pagpapa-rehab ni Claudine Barretto. Deadma lang ang actor sa mga negative write-up na naglalabasan sa kanyang asawa, pero aminado siya na pareho silang nasasaktan. Hindi na lang daw nila pinapansin ang ganyang intriga.

Ayon kay Raymart, nag-uumpisa nang magtrabaho si Claudine sa GMA-7. Kung hindi pa may bagong primetime show ang actor na Futbolilits sa Kapuso Network, hindi mo ito personal na makakausap. Hindi pa rin mamatay-matay ang issue sa umano’y pinagdaraanang depression ng kanyang asawa kaya hindi ito makapagtrabaho. May chika nga, ayaw na raw ng ibang staff na makatrabaho ang actress dahil sa kakaibang ugali nito. Pinabulaanan ni Raymart ang intrigang ibinabato kay Claudine. Katunayan nga raw, nag-renew ng kontrata ang asawa sa Kapuso Network. Naka-isang taon na ang actress sa bakuran ng GMA-7.

Kung anu-anong intrigang itinanong pa ng mga writers kay Raymart pero nakatawa lang ito. Ngayon, balik-trabaho uli si Claudine at excited raw ito sa bago niyang project. Para makaiwas daw sa intriga, hindi sila nagbabasa ng mga tabloid at iniiwasang makinig sa mga intrigera’t intrigero. Ganu’n ?

TUMULAK PATUNGONG US sina KC Concepcion at Sam Milby para sa premiere ng Forever and A Day ni Direk Cathy Garcia- Molina. Dinumog ng ating mga kababayan sa abroad ang nasabing pelikula at kumita ito sa takilya. Say nga ni Direk Cathy, “Ang istorya ng pelikula ko ang ibinebenta sa publiko, hindi ang loveteam nina KC at Sam.”

Sa kanilang US trip, may casting go-see si KC sa ABC Channel. Kung sakaling makuha ang dalaga sa nasabing go-see sa US, pansamantalang ti-tigil muna roon ang dalagang anak ni Sharon Cuneta.

Pangarap ni KC na maging international ang beauty niya. I’m sure, very proud si Piolo Pascual kapag nagkataon. Magiging long distance

lover affair ang kanilang relationship. Good luck, KC!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleSam Pinto is FHM’s No. 1 Sexiest Pinay for 2011!
Next articleSick and tired, Claudine Barretto cries over issue of splitting-up with husband Raymart Santiago

No posts to display