KC Concepcion, aminadong hirap hatiin ang atension kina Gabby at Kiko

KAHIT THIRTEEN YEARS na hindi nagkita ang mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion, walang hinanakit ang dalaga sa kanyang nawalay na ama. Bagkus, naging solid pa ang kanilang samahan habang ginagawa nila ang I’ll Be There. Of course, hindi maiiwasang ikumpara si Gabo kay Senator Francis Pangilinan na tumayong tatay rin ni KC noong time na nagkalayo sila.

“Siyempre magkaiba in the sense na 13 years kaming hindi nagkita ni Papa. Nagkakilala na kami before… magkadugo kami. Parang may mga bagay na lagi mong hahanapin ‘yung magulang na nalayo sa ‘yo. Iba ‘yung longing mo sa kanya because ang daming times na memorable moments na wala siya. Eleven years old ako nu’ng dumating siya (Kiko) sa life namin, medyo marami na ring nangyari sa taong ‘yun. Siya ‘yung nagdidisiplina sa akin, masasabing istrikto. Siya ‘yung tumulong sa akin sa school… mga simpleng bagay. Obviously, my Stepdad is also a father figure. Of course, Papa being in my life right now, both of them are in my life. Siyempre, ang hirap ding balansehin. Ayaw mo namang may masaktan or may time ka rito kaysa ro’n sa isa. So, mahirap talagang balansehin ‘yun kasi nasa gitna ako, parang ping-pong. Magkaiba silang tao, parehong busy, parehong may mga responsibilidad. Pero I have my Dad as Dad, Papa is Papa, iba naman ‘yun siyempre,” pagmamalaking sabi ni KC.

Nang magkita muli sina Gabby at KC, wala bang confrontation na naganap sa mag-ama?  ‘Hindi naman kasi siya sinisiraan ni Mama (Sharon Cuneta), maganda naman kasi ‘yung samahan nila ni Mama so, more na nami-miss ko siya. Siyempre, ‘yung mga tanong ko noong nag-aaral ako sa catholic school nu’ng elementary ako rito sa Pilipinas… bawal kasi noon na mag-enroll ang mga bata na hiwalay ang magulang so, tanong ako nang tanong kung bakit? ‘Yung iba may Daddy, ‘yung iba ganito, kung bakit hindi ako kasali kapag Father’s Day? ‘Yung mga ganu’n na tinatanong ng mga bata,” say pa ng dalagang anak nina Gabby at Sharon.

May regrets kaya sa puso ni Gabby na hindi sila nagkita at nagkasama ni KC? “May mga advantage at disadvantage ang lahat nang nangyayari sa buhay natin kasi hindi natin hawak ang kapalaran. May mga bagay sa buhay nating hindi mo inaasahan like ‘yung relationship namin ni KC ngayon. Nagkaroon kami ng time sa isa’t isa para makapag-bonding, may reason kung bakit nagkasama kaming mag-ama sa pelikulang ito, ‘yun. We have chance to fix it, mas maganda nga kapag nagkita kayo, may rebonding, excitement sa isa’t isa as father and daughter,” turan ni Gabo.

Kahit ano’ng iwas ni Gabby sa intriga, patuloy pa rin siyang hinahabol ng mga negative issue. Nand’yang may balitang diumano nakarelasyon niya ang isang beauty queen at may bagong anak sa labas ang guwapong aktor.

“Nagkasama lang kami sa kampanya… huwag na ninyong gawing issue ‘yun. Saan nanggaling ‘yung balita? Gusto ba niyang sumikat? Hindi ko siya kilala nang personal. Noong pumasok ako sa showbiz, nakadikit na sa akin ang intriga, ang middle initial ko nga intriga. Ha-ha-ha! Alam ko naman, hindi maiiwasan ang intriga rito sa showbiz, kasama na ‘yan sa pagkatao mo, tanggap ko na ‘yun! As much as possible, umiiwas na ako sa mga negative issue pero patuloy pa rin akong iniintriga. Para bang walang katapusan… pero nasanay na rin ako.

“Ngayon, basta intriga ayaw ko nang i-entertain, kasi namang walang pupuntahan kung magpapaliwanag ako. Wala akong dapat i-explain, hindi totoo ‘yung babaeng iniuugnay nila sa akin. Sabi ko sa sarili ko, magpapanibagong-buhay ako, iiwasan ko ang mga taong nang-iintriga. Hindi ako napipikon, ang feeling ko lang, it’s unfair! May nagsasabing anak ko raw ‘yun… may anak raw ako. Sinabi ko sa girl na ‘yun, I will accept you if you our really my daughter, magpa-DNA test just to prove na anak ko siya. Alam kong wala, because ni hindi kami naghawakan ng kamay ng babaeng ‘yan. Alam kong walang katuturan ‘yung pinagsasabi niya, bakit lumalabas sa mga diyaryo na anak ko raw? Pero naaawa ako sa batang ‘yun kasi sinabi niyang hindi niya kilala ‘yung tatay niya. Sabi ko, alam mo, iha, I’ll be honest with you, I will never deny if my children are my children,” paliwanag ni Gabby tungkol sa isyung kinasasangkutan niya ngayon.

How do you celebrate Father’s Day ? “Eversince naman simple lang, lumalabas kami, dinner lang with the family pero ngayon lang kami magkakasama ni KC para i-celebrate ang Father’s Day. Last year busy rin kami, ‘yung nangyayari sa akin, nangyayari rin sa kanya. Nang dumating ako two years ago, du’n pa lang nag-uumpisa ‘yung career ko rito, ganu’n din siya. Ang nangyayari, nagiging busy ako, nagiging busy rin siya,” simpleng sagot ni Gabo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “KC Concepcion, aminadong hirap hatiin ang atension kina Gabby at Kiko

  1. kung paano pinasikat si sharon noon kahit na wala naman masyado talent at voice e ganun din ang ginawa kay kc. napakinggan ko kung paano kumanta si kc na dinig na dinig yung paghinga habang kumakanta. maganda lang at sikat ang mga parents bukod dun wala na.

  2. walang ng tatalo sa pag ka OA as in over acting ng bulldog na ito sabagay san pa ba magmamana d sa inang dambuhala feeling malinis sus kung alam lang ng madlang pipol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.