KC Concepcion’s non-obedience to Sharon Cuneta, cause of the mother-daughter feud?!

NAKAGUGULAT SIYEMPRE ANG kumakalat na tsismis, na diumano’y mayroong hindi pagkakaunawaang namamagitan ngayon sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Kasi nga, kung panonoorin mo lang sila bilang mga artista, iisipin mong wala silang problema. Lalo na’t kung si KC ang magsasalita tungkol sa kanyang pamilya, ganu’n na lang bilang anak ang taas ng kanyang respeto sa kanyang mommy. Lalo namang nakaaaliw, na aminado ang Megastar, na daig pa niya ang isang tigre kapag kinakanti na ang kanyang anak, dahil nakahanda siyang sumaklolo at ipagtanggol si KC kapag naiipit na sa intriga.

Bilang mommy siyempre, kung totoong mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-ina, si KC ‘yung unang dapat magpakumbaba dahil siya ang anak. Ang problema diumano ay nag-ugat sa mga ugali at desisyon ni KC na bilang ina, hindi niya nagugustuhan. Noon pa’t umugong na ang balita na nagulat na lang daw ang Megastar, na lumipat na si KC sa kanyang condo. Nasaktan daw noon ang damdamin ni Shawie.

Nauungkat din ngayon, na noon daw ay nagulat din daw ang Megastar, na nakikipag-communicate na pala si KC sa daddy nitong si Gabby Concepcion nang hindi niya nalalaman. Pero nakapagpaliwanag na dati si Mega tungkol d’yan, na hindi naman niya ipagdadamot kay KC ang karapatang makilala ang daddy niya. Marami pang tsika tungkol sa mga hindi pagkakaunawaan nina Sharon at KC, at ang katunayan daw niyan ay inisnab ng wife ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang premiere night ng huling pelikula ng kanyang anak, kapareha si Sam Milby. Samantalang dati nga naman, hindi nawawala ang ex-wife ni Gabby sa importanteng event ng showbiz career ni KC.

BLIND ITEM: PINAGTA-TAKHAN ng maraming taga-showbiz kung hindi pa ba kuntento sa kanyang kasikatan at kinikita sa pag-aartista ang actor na itago na lang natin sa screen name na Christopher Jose. Balitang galing din naman siya sa angkan ng mga may kaya sa buhay, dahil halata naman iyon sa kanyang hitsura at pagdadala ng personalidad. Pero sa simula ng kanyang showbiz career, hindi talaga kaagad siya napansin. Pero dahil sa kasipagan niya ay napansin at sumikat din siya.

Kaya lang, kahit sikat na sikat na siya ay hindi pa rin nawawala ang tsismis na diumano’y may presyo ang kanyang katawan bilang lalaki kapag mayroong mga mayayamang bading na gusto siya makaulayaw sa paraisong parisukat ng kaligayahan. Nagdenay na siya tungkol sa isyung pa-booking siya, kaya lang, maraming bading ang nagpapatunay na kung can afford ka ay mahahada mo talaga si Christopher kung atat na atat ka talaga na siya ay matikman sa kama.

Dahil kalat na kalat ang tsika na sa tamang presyo at pasikretong usapan ay maikakama mo si Christopher, isang kilalang personalidad daw sa bansa ang nag-ambisyon na matikman si Christopher. Ang personalidad ay pa-mhin, na napakaguwapo rin. Nagtanung-tanong na siya kung totoo ang tsikang pa-booking si Christopher, at ipinagtanong na rin kung magkano? May mga bugaling na raw na kumilos para matuloy ang pinapantasyang gabi ng kaligayahan. Hindi pa siguro sanay si pa-mhin na humada ng mga sikat at mahal na lalaki, kaya natameme siya nang malaman niya ang presyo ni Christopher.

One hundred thousand pesos daw, pero madadaan pa sa usapan para mabawasan kung kakasa talaga si pa-mhin na matikman si Christopher. Nagtaka raw ang mga bugaling kung bakit umatras na si bading, kokontak na lang daw ulit.  Hindi man natuloy ang tikiman, nariyan na at may mga nagpapatunay na pumapasada nga, at mataas daw talaga ang presyo ni Christopher sa kama dahil sikat siya. Balitang-balita ‘yan at pabulong na pinag-uusapan. ‘Kalowkah!

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleRichard Gutierrez is the highest-paid Kapuso star at P40-M per year; Heart Evangelista’s talent fee is higher than Marian Rivera’s!
Next articleAndi Eigenmann’s pregnancy issue, talk of the ‘Twitter-town’!

No posts to display