KC and Piolo: Back from Paris

NAKABALIK NA SA ‘Pinas ang ‘Lovers in Paris.’ Matapos makunan ang ilang mahahalagang eksena sa kanilang teleserye, nakabalik na nga sa bansa sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Pero bago iyon, sa kanilang mga libreng oras, naglibot ang dalawang bida ng Pinoy version ng Koreanovelang Lovers in Paris sa ilang paboritong lugar na pasyalan ni KC sa Europa.

Nagawa pa ngang sumaglit ni KC sa main headquarters ng United Nations-World Food Programme sa Rome, Italy kung saan ang magandang anak ni Megastar Sharon Cuneta ang Philippine ambassador against hunger ng UN-WFP.

Hindi rin naman kinaligtaan ni KC na patuloy na bigyan ng updates ang kanyang fans sa kanyang mga ginagawa, kaya nagpadala rin siya ng mga litrato nila ni Piolo, sa pamamagitan ng kanyang manager. At isa nga ang Pinoy Parazzi sa nakatanggap ng mga litratong ito mula kay KC, na siya rin mismo ang naglagay ng mga captions.
Kaya mga KC-natics, enjoy the pics!

PHOTOS COURTESY OF KC CONCEPCION

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.