KBP, hands-off sa media pay-off probe

HANDS OFF muna ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa kaso ng dalawang media personalities na sinasabing dawit sa multi-bilyong PDAF scam.

Ayon kay KBP President Herman Z. Basbaño, bagama’t nakakabahala ang nasabing alegasyon, kanila umanong

ipinauubaya na muna sa mga home network ng nabanggit na mga mamamahayag ang pagsisiyasat.

Sinabi pa ni Basbaño na mahalagang marinig muna ng lahat ang bawat panig sa isyu, kasabay na rin ng panawagan sa publiko na iwasan muna ang mga ispekulasyon.

Muli namang ipinaalala ng opisyal sa lahat ng media practitioners na alagaan ang kredibilidad sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng media industry.

“Credibility should always be intact because this reflects our image to the people,” pahayag ni  Basbaño.

Tiniyak din ni Basbaño na nakahandang tumulong ang KBP sa mga nadadawit na media personalities para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan.

Una rito, sinabi na ng Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na kanilang pag-aaralan ang gagawing pagsisiyasat sa nasabing mga mediamen na sangkot sa National Agribusiness Corporation (Nabcor) payoff scandal.

Nabatid na una nang lumitaw sa sinumpaang salaysay nina dating Nabcor officials Rhodora Mendoza at Victor Cacal na may ibinigay silang tseke kina Erwin Tulfo, TV news anchor, at Carmelo del Prado Magdurulang, isang radio broadcaster mula sa pondo ng ahensiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.