Kaysa masaktan pa ulit ni Chin Chin Gutierrez: Lorna Tolentino, mas mabuti pang ‘patayin’ na lang! – Lolit Solis

HINDI KO PUWEDENG palagpasin ang nangyari sa alaga kong si Lorna Tolentino pagkatapos siyang saktan nang husto ni Chin Chin Gutierrez sa isang eksenang ginawa nila sa Dahil May Isang Ikaw. Pagkatapos magsumbong sa akin ni LT, nagngitngit ako sa galit dahil marami na siyang nagawang eksena na may away, sampalan o sabunutan at alam ng lahat na pinag-uusapan iyan nang mabuti at sinusunod kung ano ang utos ng direktor.

Pero ang magsuot ng malaking singsing at palad ang gamitin sa pagsampal sa isang eksena, hindi naman yata tama ‘yun.

Mabuti sana kung 10K na diamond ring ‘yon, e, costumed jewelry lang naman ‘yung kanyang suot. Kung sakaling nasugatan nang husto si LT at kung natetano pa sa singsing na ‘yun, masasagot ba iyan ni Chin Chin?

Naawa ako sa alaga ko nang nalaman kong hindi sinunod ni Chin Chin ang utos ng direktor sa confrontation at sampalan scene nila.

Matindi ang pagkakasampal, with matching malaking singsing, ang tumama sa mukha ni LT, tama ba iyun?

Kinalmot pa niya ang mukha ni LT kaya nang napanood ko ang eksenang iyon nu’ng isang araw, nairita talaga ako dahil sinadya niya talagang saktan nang husto ang alaga ko.

Kahit na-edit nga ang eksenang ‘yun, kitang-kita talagang nasaktan si LT at nakita kong may galos ito sa ilalim ng mata niya.

Eh, kung tumama ang singsing niya sa mata ni LT at kung mabulag pa ito, magsu-sorry na lang siya dahil sobrang na-carried away raw siya sa eksena?

Hindi nga ito makalapit agad kay LT dahil na-guilty siya sa ginawa niya. Pagkatapos, nag-pray over pa siya kay LT at kung anu-ano pa ang sinasabi. Kaya tigilan ako ng Chin Chin na iyan at siguro mas mabuting ipag-pray over na lang  niya ang mga puno at mga insekto na madalas naman niyang kinakausap.

Naloka nga ang manager niya nang tinawagan ko dahil galit talaga ako at hindi niya puwedeng ganu’n-ganu’nin na lang si LT.

Ang sama nga ng pakiramdam nito dahil parang naawa na naman siya sa sarili niya na porke’t wala na siyang asawang magtatanggol sa kanya, eh, gina-ganu’n-ganu’n na lang siya.

Ang punto rito ni Lorna, sana magpaka-professional na lang sa mga eksenang ginagawa.

Sa mga ganu’ng eksena, dapat maging maingat na walang mapuruhan o masaktan nang husto. Pero ang talagang tinira niya nang husto ay ang mukha ni LT na alam naman niyang para sa mga artista, ang mukha ang talagang priority.

Kaya hindi ko talaga titigilan ang Chin Chin na iyan. Baka hindi ako makapagpigil matalakan ko pa ‘yan pagdating sa Startalk.

Ang alam ko naman, ginagawan ngayon ng paraan ng ABS-CBN 2 na maayos ito dahil sa ngayon, ayaw na talaga ni LT na makaeksena siya. Hindi na siya kumportable na makasama ito sa taping dahil masama talaga ang loob niya.

Okay na nga lang kay LT na patayin na lang siya sa teleseryeng iyan at ibigay na lang ang lahat ng moment kay Chin Chin dahil ‘yun naman yata ang gusto niya.

Alam ko, marami ang magre-react sa mga sinabi ko, pero ginagawa ko lang ang tamang pagtatanggol sa mga alaga ko na hindi naman deserving na ganu’nin ng isang aktres-aktresan na iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

54 thoughts on “Kaysa masaktan pa ulit ni Chin Chin Gutierrez: Lorna Tolentino, mas mabuti pang ‘patayin’ na lang! – Lolit Solis

  1. “we laugh because we know nothing of the truth.”

    kilala na ba natin ang isang tao base lang sa sinasabi ng iba tungkol sa kanila?
    o di kaya’y may taong nagsasalita para sa “ikabubuti” nila?

    ang showbiz ay isang MASQUERADE BALL,
    magulo,
    maingay…

    PURO NAKA-MASKARA..

    iilan lang ang alam kung bakit sila nandun’.
    iilan lang ang alam kung nakakasakit na sila.
    at iilan lang ang alam ang hangganan.

    sa mga nagsasabing may sakit sa pag-iisip si ms Chin Chin, nakasama niyo na ba sya?
    alam niyo ba kung ano ugali niya?

    makapangyarihan ag salita.
    pwede mong buohin ang pagkatao ng iba, pwedeng-pwede ka ding manira.
    sabi ng GMA7 diba, THINK BEFORE YOU CLICK.

    ang mundo, ang tao ay nabuo sa pamamagitan ng Salita.

    kung idolo niyo ang isang tao dahil magaling sya, hahayaan niyo bang magkasala kayo dahil din sa kanya?

    HINDI PERPEKTO ANG BAWAT TAO.
    at ang mga napapanuod natin sa mga teleserye, TAO LANG DIN SILA.

    katulad ng ginawa ng iba dito, pwede din silang MANGGAMIT, MAGPAGAMIT AT MAGAMIT para sa kapakanan ng mas malakas.

    again, THINK BEFORE YOU CLICK..

    and Ms. Lolet Solis, nakakatulog ka pa rin po ba sa gabi pagkatapos mo gumawa ng masama?

    makapangyarihan ang salita, sana matuto ka gumamit ng tama.
    isang beses lang mabubuhay ang tao.

    yung efforts nasasayang, ilaan nalang natin sa pagtulong sa problema ng mundo gaya ng ginagawa ni Ms. Chin Chin.

    yung galit sa puso natin, sanhi din yan ng global warming :)
    stop speaking ill of other people..
    I think that’s one way of mitigating the climate change.
    god bless you Ms. Solis ♥

    I hope this will be the last comment regarding this.
    I’ll pray for those who will post after this.

  2. Si CHIN CHIN GUTIERREZ  ay isang artistang Pilipino. Una siyang lumabas sa seryeng pang-telebisyon na Noli Me Tangere ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) noong 1992 bilang Maria Clara. Siya ay pamangkin ng yumaong artistang si Lita Gutierrez..
    Tumanggap siya ng Gawad Urian bilang Pinakamagaling na Pangalawang Artistang Babae noon 1994 para sa kanyang unang pelikula Maala-ala Mo Kaya (The Movie).
    Nakamit niya ang First Asian Television Award bilang Best Actress para sa “Melinda” noong 1996 at ang Best Supporting Actress para sa timpalak ding yaon noong 1998.

     Noong April 2003, naging pabalat siya ng Time Magazine bilang isa sa mga 2003 Asian Heroes para sa pangangalaga ng kalikasan.  Pangalawang babaeng Filipino naging cover sa TIMES mag. (Cory Aquino was the first one)

     Noong 2004, tumanggap din siya ng The Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) award para din sa pagtatanggol sa kalikasan.  

    Twice awarded as one of the finest actresses in Asia.

    AT MARAMI PA PONG IBANG AWARDS.

    Ang mommy po niya ay isang ex-nun, yes, dating madre ang Mama niya.
    ang Daddy naman po niya ay isang Botanist.

    Vegetarian.
    dun siguro galing yung ganda niya.
    totoong ganda, walang retoke.

    at totoong kagandahan ng kalooban.
    kahit agrabyado na, tahimik pa rin.

    artista.
    singer.
    painter.
    environmentalist.
    composer.

    Marian devotee.

    kaya nyang makisama sa lahat,
    mula sa mga kaparian,
    mga madre,
    mga professional.
    magsasaka,
    ordinaryong tao.

    wag nyo po sya husgahan agad-agad.

    tinalon niya ang hagdan nung masunugan upang mailigtas ang Ina.
    pero nawala din sa kanya, sa sakit na diabetes.
    nawalan ng bahay. 
    pero bumangon ulit.

    bumangon nang hindi nanghihila ng iba pababa.
    – A Marian devotee….

  3. be a person naman kayo,wag kayong magpaka epokrita xiampre alam ko n apag kayo ung nasaktan mag rere act din kayo no mga EPOKRITA kayo! xiempre hindi magsa2lita si ms. LT kase alam nia na la2ki pa ang away pag sinabi pa nia.at saka un naman ang dapat niang gawin dba? yon ang dapat gawin ng may pinag aralan.Saka ano yong sinasabi nio na nasa2pawan c ms. LT?teka lang kelangan ko ba i mention sa inyo ang mga achievements nia?

    PICTORIAL QUEEN
    GRANDSLAM QUEEN 
    BEST ACTRESS sa lahat ng mga soap at movies nya 

    ung sinasabi nyong ms. chin2 ano naman ng achievements ng gurang na laosian deep nyong yan? gosshshshhhhh eeeewewwwWWWWW tingnan nyo ala na xiang projects ngayon kase bukod sa pitla na magsalita, OA pa umakting kaya ala acheivemants wawawawa naman :(

  4. EPAL KADING MAICA KA!! ENA TURAL LALAKI ANG SINAMAPAL AT ALAM NAMAN NI GABBY E BAT SI LT ALAM BA NAGAGAWIN SAKANYA YUN HA MAKASALITA KA PARANG PERPEKTO KA
    AKO LANG NAMAN ANG FAN NI TITA LT OO FAN NGA AKO KAYA NGA PINAG TATANGGOL KO XA EHHHH MGA WALANG SILBE]

    HOY MAICA YUNG KAPE KO?????

  5. hoy MGA ITSUSERANG PALAKA
    KAHIT AKO MAG REREACT PRO HINDI SA GANYANG INAAWAY NYO ANG MGA ARTISTA
    AT BAKIT NYO BA INAAWAY ANG IDOL KONG SII LT HA MAG SALITA KAYO WAGAS AH KALA NYO KONG SINO KAYO MGA ___ KAYONG LAHAT MGA PANGIT OO MY PINAG MAMALAKI SILA KASI NAKATAPOS SILA.KASI KAYO PURO ALAM LANG COMMENT NG COMMENT NAKIKISALI PA SA MGA AWAY ANO BA???
    PATI SI TITA LT PINAG SASALITAAN NYO NG GANYAN BAKIT SINO BAKAYO???

  6. hellooooooooooo lolit na at lorna!!!!! masyado kayung mapag mataas na tao!porket tinitingala ka ng tao kung maka react at gumawa kayu ng eksena pinapalaki nyu! @ lorna matagal kana sa trabahong yan,kasama na sa trabaho yung aksidente na ganyan! and talking about prefessionalism,chinchin shes just doing her job,at di nya sinasadya yun! san inintindi mo nalang ang nangyari kc mas nauna ka naman s akanya,di yung pinalaki mo pa!

  7. magaling sila pareho na artista, andun na rin ako sa institusyon na si LT, pero oa naman – kung nasaktan sha sa eksena, di sana kinausap muna niya sa chinchin bago nagsumbong sa manager. hindi naman sinasadya. kelangan pa talaga niyang daanin sa kung sino mas matagal sa showbiz at kelangang galangin. eh kagalang galang ba ginawa niya? ang laki naman ng ulo ni LT – ano ba gusto niya mula kay chinchin? mag-alay ng birhen?!

  8. LILIPAS DIN YANG GALIT NI LORNA T, ETO NAMANG SI LOLIT SOLIS NAPASOBRA SA REACTION, PERO GANUN TALAGA PAG NANAY KA, AYAW MONG SINASAKTAN ANG MGA ANAK MO KAYA TODO TANGGOL SIYA KAY LORNA T

    PLEASSSSE MS. LORNA T WAG KANG UMALIS SA DMII, I-FORGIVE MO NA SI CHINCHIN MEDYO BUANG KASI TONG BABAETANG TO..

  9. LOLIT SOLIS MAHIYA KA NAMAN!HAYAAN MO NA SI LORNA AT CHIN MAG AYOS NG GUSOT NILA.KUNG NASAKTAN MAN SI LORNA DI NAMAN SADYA UN.EPAL KA MASYADO.ANG PANGET MO NA NGA PANGET PA NG UGALI MO.IKAW NAMAN LORNA WAG KA MASYADO GUMIMIK,MAGING TAHIMIK KA NA LNG PARA KHIT MATANDA KA NA IRESPETO KA PA DN.WALA NA GUGUSTONG MAKAEKSENA KA KASI GUSTO MO IKW LANG MAKAKASAMPAL NG MALAKAS TULAD KAY GABBY.,PAG IKW NG NASAKTAN AARTE KA NAMN.PWEEEEEEEE!STYLE MO BULOKKKKK

  10. Hayyy…. sayang naman kung mawawala si Ms. Lorna sa DMII, sobrang galing nya umarte dun, actually underacting lang ang style nya but she’s really a great actress.

    May katuwiran naman siyang magalit kasi hindi porke’t binabayaran ka eh sasaktan ka na lang ng ganun ganun, kaya nga sila artista kasi umaarte lang sila at inaarte lang nila ang mga eksena, I hope lesson na rin to kay Chin(2) na maging maingat at hindi rin naman excuse ang manakit dahil nadadala ka sa eksena, unless you really have a tendecy of being violent?!

  11. Please LT patawarin mo na si Chin Chin I’m sure hindi nya talaga sinadya yun, lam mo naman yun medyo overacting, in fact yan and comment ng mga nakakapanood sa DMII dito sa office namin, OA daw si ChinChin, medyo magulo umarte at maraming facial expressions, but anyhow the show is really beautiful, yung buong cast, tapos the direction is superb, plus hindi dragging ang mga eksena, malaki kang kawalan sa DMII, masisira ang storyline, CONGRATS TALAGA SA DMII! I LOVE IT!!

  12. tsaka LOLIT TULIS, baguhin mo ang title ng column mo, dapat “MGA MATA NI LOLITA… LAGINGNNAKATINGIN SA PERA” Swak na swak diba?

  13. Ayaw ng maka eksena ni Lorna si Chin chin kasi sapaw na sapaw siya ni Chin sa pag arte. Kinakain siya ni Chin chin ng buo sa glaing umarte. kaya ..napi feel ni Lorana na mas magaling si Chin s akanya. Yan ang katotohanan.

    • ayan, mas ok yan, mataas pihado rating nang istasyong magpapalabas, sama mo na si SHREK aka CRISTY FERMIN at si TB aka SWARDING hahahahaahaha!

  14. “Ilabas nyo ang babaeng ‘yan!” yun ang dapat na diaogue ni LT pero dahil daw nasaktan eto ang dialogue nya tulad ng mga ibang babeng nasa alibangbang “ilabas nyo ang putang Inang babaeng yan!

    Ang kanyang statement ay pabagobago, gusto nya ang atensyon ay kanya lang, kung ayaw nya ng intriga ofcourse alam na nya na pag uusapan yung inarte nya di dapat tumahimik na lang sya. LT move on wala na yung mga picture mong nakabikini na halos luwa na ang langit sa mga bangketa. nabili na at ibinalot na sa tinapa. kawawa ka naman THE GIRL WHO CRIES WOLF daw oh

  15. Mas grabe kayang humampas ng sampal yang si Lorna T palibhasa sa kung saan yatang squatter area yan napulot. Talagang ang lakas nakita ko sa commercial. Kapal mo Lorna palibhasa talo ka ni Ms. Chin Chin Gutierrez sa lahat ng bagay because Ms. Chin Chin Gutierrez is intelligent, very beautiful and talented person. Sobrang talo ka noh!

    • wow, squatter bago yan ah, first time tinawag na taga-squatter ang isang Lorna Tolentino, meron palang ganun karefined na babae sa squatter ano?

      Ms. Lorna is a perfect example of a woman with grace and fine breeding, sana you know what you’re talking about. THINK

    • Yap talented, pretty at intelligent si Chin Chin but I think she’s kinda weird kaya siguro walang nanliligaw sa kanya, but its unfair to Lorna na laitin siya para lang i-justify ang pagiging violente ni Chin Chin

  16. kya nag rereact c manay ng ganyan kc daw nag sumbong sa kanya un alaga nia hirap mag comment d2 lyk q c lorna pero lyk q rin c chin2x hayzzz

  17. …di naman totoo ito…..kay Lorna na mismo nanggaling na hindi ito totoo eh….si Lolit ba eh dapat pa paniwalaan after the filmfest scam…piolo_sam chismis na binawi din nya….so ang huklubang ito ang reyna ng kasinungalingan….

  18. at di ba nagkalat ang mga picture ni lorna tolentino na nakabuka buka pa daw ang labi na trying hard na maging pouted sa mga estero at sa kung saan saan ibinebenta yung tik tik na yan.

    tumigil nga kayo lolit sa pagmamalinis. saka matatanda na kayo for this kind of gimmik sinasapawan nyo yung totoong bida, wag ka nang mag ilusyon LT na maging bida pa.

    • He he mukhang alter ego kita ah, galit na galit ka rin kay Lorna Tolentino, bakit naagawan ka rin ba sa flawless at naging kabit ng isang lalake at iniwan na lang sa pansitan he he

  19. matagal na silang magkasama dahil mag dyowa si lt at si lolit napakahina naman nyong umintindi.

    naku napakalaking gimmik lang ni lt yan dahil sawa na sa gimmik at gas gas na gas gas na yung pagkamatay ni daboy kaya kailangang mapag usapan na naman at kawawa naman etong si chin chin nagagamit at pinalalabas na kontrabida.

    naku lt kung ayaw mo ng natural acting di ibalik mo yung dati mong ginagawa ang mag burlesk di ba dati ka namang BOMBA STAR.

    yang mga award award na natangap mo e pinaikot lang naman ni lolit yan di ba sya yung original manipulator ng mga award scam.

    • At least hindi siya babaeng pasalin salin sa kung sinu-sinong lalake di ba, si Daboy lang and take note, lalakeng adonis talaga..pero tama lang yan ipagtanggol mo naman si chinchin para naman may magtanggol sa kanya, kawawa naman eh mukhang maypagkalukaret kasi siya in real life, di ba?

  20. TNS NATIONAL RATINGS
    Nov.3 (Tuesday)

    DAYTIME PROGRAM:
    1. WOWOWEE (18.9%),
    2. NAGSIMULA SA PUSO / EAT BULAGA! (16.7%),
    3. PRECIOUS HEARTS ROMANCE (15.9%),
    4. SHOWTIME (14.1%),
    5. MARIA DE JESUS (12.7%),
    6. HUNTER X HUNTER (12.5%),
    7. PBB DOUBLE-UP UBER (12.2%),
    8. BANANA SPLIT (13.5%),
    9. FAMILY FEUD (11.7%),
    10.TINIK SA DIBDIB (11.5%).

    PRIMETIME PROGRAM:
    1. TV PATROL WORLD (31.5%),
    2. MAY BUKAS PA (30.7%),
    3. KATORSE (28.6%),
    4. DARNA (28.4%),
    5. LOVERS IN PARIS (26.8%),
    6. DAHIL MAY ISANG IKAW (25.8%),
    7. STAIRWAY TO HEAVEN (25.6%),
    8. 24 ORAS (24.2%),
    9. PBB DOUBLE UP (20.3%),
    10.ROSALINDA (19.7%).

  21. Hindi pampataas ng ratings yan, talagang nangyari yan. At nakakatawa may isang nag-comment na pag tinapat daw sa DARNA eh hindi ito uubra. Ang alam ko pang Top 4 ang DARNA sa Nationwide ratings at pang #6 ang DMII. Ung pinapakitang ratings ng GMA-7 eh Mega-Manila.

    Wag ng ipilit ang Darna, ung last movie ni Marian na TAROT ay mag total gross na P18.1 million lamang with out padding yan.

  22. Please lang ang shoshonda ng mga characters ng teleseryeng ito kaya ayokong panuorin. ANg ok lang ay sina echo, tin at chinchin. Lorna T mukhang nagmumurang sinigwelas ang bakya ng hitsura mo. Kala ko ba nagpaparetoke ka eh bat ganyan pa din fez mo parang luyluy! Arte mo lolit epal ka lang. Feeling primadonna lang yang alaga mo. Ang tanda ng hitsura buti sila christopher maganda ang ganap hindi mukhang gurang!

    • Nasaan na yung pinagmamalaki niyo ngayon?

      Buti pa si LT gandang ganda pa in sa kanya lahat ng tao

      At ang dami pa niyang projects

      Sabi nung iba, basehan ang ganda
      Kung talagang maganda si chin, where is she now?

      Saan?

      Tanong lang naman.

  23. I see your point Lolit but I think you are over reacting. Let Chin Chin and Lorna settle it as adults. An accident is an accident. If it happens again deal with it like an adult not like a palengkera like you are. You are so low class, pweee!

  24. ungas ka lolit, di mo pwedeng ipapatay si LT kasi oag nagkataon, wala kang mahaharbat na datung kapag nawalan sya ng trabaho, gaga!

  25. normal lang naman kung may mag sasampalan me masasaktan.. me bayad naman sila.. di naman libre na sampal yon.. si Lolit feeling n’ya siya ang nasampal… ka Artihan.. si Lorna nga di nag reklamo.. it’s a petty thing… NONSENSE.>>

  26. qng ayaw nila ng masaktan ang mga alaga nila, pwes…mag stop na lang cila umarte…maghost na lang ulit sya…..ganon lang kasimple…, pwe..pampataas lang yan ng rating…gus2 lang pagusapan dahil sa rating…itapat kaya nyo yan sa darna…bka di lang kalmot matitikman nya…

  27. Para lang mapag usapan na glumulobog na teleserye.

    Ang dami pang sat sat di nlang aminin na kahit isang LT pa yan hindi maiangat ang rating kuno kuno.

    Isa pa kaya nga lumipat sya sa Dos baliktos kasi ayaw nya gumawa ng teleserye sa sieyet. O ayan binig yan ka tuloy.

    • excuse you! magbasa ka muna bago mo sabihin na lumulubog na ang rating ng DMII. Sa AGB lang lumalamang ang GMA nyo pero sa TNS, wala kayong sinabi, hahahaha!

  28. Lolit naman you should be fair with Ms. Chin2x.. hindi ka cguro nanonood ng Dahil May Isang Ikaw anoh?? Kung makasampal naman ang Lorna Tolentino mo eh grabeh naman at halos matanggal ang ulo ni Chin2x..

    and pls kung meron mang dapat mag complain dito eh c Chin2x yun.. sa rami ba naman na nanakit sa kanya sa serye na eto.. namely John estrada, Gabby Concepcion, at Lorna Tolentino.. mag-isip2x ka Lolit..

    isa pa hindi excuse ang rason na bago lang namatayan c Lorna.. pleeeease! artista po xa.. kung ayaw nyang magtrabaho at magsakripisyo para sa serye nya abah eh mabuti nga cgurong tsugiin na lang xa sa teleseryeng yaan! Hindi naman xa ang main focus sa story.. kundi ang storya nina echotin..

    Lastly, fans like us don’t have time for actresses who at their later stage of their career still acts prima donna!

    • Why fid you reacted? Why did you put your commebt here if “fans like you din’t have time for this kind of actresses”?

      Tanong lang ulit.

  29. eto na naman po si sawsawera. ang hilig talaga gumawa ng mapaguusapan itong si Lolit Harbatera. magsama kayo nila Cristy Fermin sa impyerno. mga halimaw na to. hahaha

    • Wala na sigurong malaking kita kaya naghahanap nang masasawsawan. Walang marinig na balita tungkol sa kanya, Naghahanap nang publicity.

  30. hindi magcoincide ang statement ni LT sa pep at itong article ni Lolit Solis.

    sabi ni LT intriga lang yun. but how come lolit solis is telling us all these things…

    in my opinion, d kelangang patayin ang character ni Lorna sa DMII. hinding hindi. masisira ang story at isa sya sa main cast. at masyadaong maganda ang DMII para iwanan to ni LT. para sakin, the best ang DMII!

    kung may problema man, sana pag usapan nalang. lahat naman nadadaan sa magandang usapan.

  31. Napansin ko nga mas maraming exposures doon si Chin Chin kesa kay Lorna. Pero di naman tamang patayin ang character ni LT don, isa sya sa mga major cast diba? Nakakainis sa mga telenovela, kung 10 ang nag pictorial para sa promo, halos isa o dalawa nalang ang natirang nasa litrato pagkatapos ng kwento.

    Anyways, sana maghilom ang sakit sa mukha ni LT. Oo nga pala, byuda na pala sya, medyo dapat mas sensitive tayo sa mga ganyan lalo pa’t fresh na fresh pa ang pagkawala ng husband.

    Bawasan nalang ang exposures ni Chin Chin, tutal OA sya sa ibang eksena. Parang nasa stage play. OK lang din na huwag na silang magkaron ng eksena together. Pero WAG papatayin ang character ni LT.

  32. hay pwede ba! gimik lang ito. alam ko na na kung ano ang next na headline: “lorna babalikan si chin-chin”

    o sige, tumataas naman ang rating.

  33. taenang bobong matandang tomboy na to na mukhang intsik na clown, parang ikaw ang nasaktan at tinamaan ng palad at sing-sing sa mukha ah, kung mag react ka parang ikaw ang gumanap na lt sa tv series. taena ka eh kasama sa trabaho yan to make the scene as perfect as it be, mag react ka kung hindi kasama sa scene yung sampalan o kaya suntok ang binigay ni chin at di sampal. OA ka naman sobra tomboy na mukhang bakla, masyado ka concern sa alaga mo o baka naman gimik mo lang to at nagpapauso ka na naman. trabaho lang yan walang personalan, dapat ikaw na lang ang nagpa double ky lt para sa mukha mo tumama ang palad at sing-sing na sinasabi mo. dahil pag tumama yan sa mukha mo sigurado hindi halata. gusto mo sampal q sa mukha mo cellphone q para malaman mo at matauhan ka sa sinasabi mo…isasampal q ceo yun habang nag vibrate pa at may 2matawag…

  34. lolit, alam kong alaga mo si lorna, pero hindi naman tama na patayin na lang ang character ni LT dahil ayaw na niyang makasama si chinchin. pare-pareho lang silang magagaling na artista at kung mawawala ang isa sa kanila eh malaking kabawasan.

    • cguro concern lng sya sa nangyari…sabi mo nga alga nya…mtgal na nyang ksama ibig sabihin my love na at care na prng na2y na handang magtanggol sa anak….she just tell her feelings towards d act of chin2 to lorna.

  35. sino ba naman ang nagpauso ng totoong sakitan sa movie o sa tv? dati naman eh kunya-kunyarian lang ang sakitan pero ngayon ay totoong sampalan at sabunutan na. ang sisihin ay ung nagpauso ng totohanan na sakitan. siguro ay mga direktor din ang naguutos na ganuon ang gawin.

  36. I saw LT sa snn kagabi (Canada time) pero wala naman akong nakita na pasa or something sa face nya…and I read on pep na wala daw real fight na ngyari…ahhh ano ba yan cnabi na nga ni Lorna it isn’t true

  37. manay, di kaya para kay chin chin at mga kasabwat niya sa DMII gimik lang yun at the expense of Miss LT na kawawa dahil wala siyang alam na gaganunin siya para magpagusapan??

Leave a Reply

Your email address will not be published.