Kaysa mapunta sa ibang lalaki:
Misis, tinodas ng mister

DAHIL SA labis na pagmamahal, pinatay ng isang mister ang kanyang misis bago pa man tuluyang maagaw sa kanya ng ibang lalaki sa Isabela City.

Nakilala ang salarin na si Rodolfo Gonzales, 53, at residente ng Barangay Magdalena; habang ang biktima ay si Leticia Gonzales, 40.

Sinabi ni Rodolfo na tinangka niyang iuwi ang misis mula sa tinitirhan nila ng kalaguyo, subalit tumanggi ang asawa dahil mas mahal na umano niya ang kinakasama ngayon.

Dahil dito, nagdilim ang paningin ng mister na pinagsasaksak ang misis hanggang sa mamatay.

Samantala, pinagsisisihan man ng suspek ang ginawa, mas nanaisin na umano niyang patahimikin ang misis kaysa mapunta sa ibang lalaki.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.