Kaysa magbalik-showbiz Ex-Showgirl Apreal Tolentino, mas kinarir ang pagiging businesswoman

MASASABING ISA na ngang businesswoman si Apreal Tolentino, na dati kung matatandaan ay isa rin sa mga sikat at magagaling na dancers and singers ng Showgirls Dance Group na kakumpitensya ng Viva Hotbabes. Isa rin siyang mahusay na sexy models at naging TV host ng iba’t ibang istasyon.

Sa kanyang pagkawala ng ilang panahon, naging maintriga ang kanyang buhay. Hanggang sa naging kabiyak na ng kanyang buhay si Rupert Feliciano. Kaya naman ngayon sa kanyang pagbabalik, isa na siyang successful businesswoman sa pagtutulungan nila ng kanyang butihing asawa. Nag-invest sila para sa Acerola organic nutritional food supplement bilang manufacturer at distributor, at kung saan pa. Ngayon nga, kasosyo naman sila sa ilang branches ng Flash Elorde Boxing Gym.

Sa 21 branches ng Flash Elorde Boxing Gym sa Metro Manila, sa tatlong sangay pa lamang sila kasosyo. Kasama sa mga kasosyo nila ay ang mismong nagmamay-ari ng mga branches na si Cucuy Elorde na anak ng kanyang namayapang ama na King of Boxing na si Flash Elorde, at si Vina Reyes. Kasosyo rin nila ang konsehal ng second district ng Q.C. na si Alfred Vargas, na hindi nakarating nang pasinayahan ang bagong sangay nito sa may Lagro noon lamang nakaraang linggo.

Malaki ang itinaba ni Apreal nang muli namin siyang makita noon lamang nakaraang Dis-yembre. Ngayon naman ay muling bumalik ang kanyang seksing pangangatawan dahil na rin sa hilig niya sa sports.

“Maganda kasing exercise ang pagbo-boxing, at sa bisa na rin ng pag-inom ko ng food supplement na aming business, ‘eto, p’wede na ulit akong sumabak sa dancefloor,” masayang wika ni Apreal.

Mas buhos ang panahon nilang mag-asawa sa pag-aasikaso ng kanilang business, kaya wala na sa isipan ni Apreal ang bumalik pa sa showbiz. Balak pa rin kasi nilang palakihin ang kanilang isa pang branch sa may Don Antonio Heights sa Commonwealth. Palalagyan umano nila ito ng isang malaking bahagi sa gitna ng gym para gawing dance studio na siyang dream naman talaga ni Apreal.

“Alam namin na maganda itong business dahil marami ang naiimpluwensiya sa ganitong exercise at ang malakas ang impluwesiya rito ay si Cong. Manny Pacquiao. Kaya dumarami pa ang nahihilig sa ganitong sports, lalaki man o babae. Si Judy Ann Santos ang impluwensiya sa mga kababaihan,” dagdag pa ni Apreal.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.