Kaye Abad, laging nauuwi sa break-up ang relasyon

Kaye-AbadSA FINALE presscon ng Annaliza na tumakbo sa ere sa loob ng sampung buwan, naikuwento ni Kaye Abad na sa kabila break-up nila ni Chito Miranda ay napanatili pa rin nila ang pagkakaibigan.

Nu’ng nakaraang Linggo ay dinalaw pa sa dressing room nito ang ex-boyfriend para makipagkumustahan dito. Masaya rin ang aktres sa balitang nalalapit na pagpapakasal nina Chito at Neri Naig.

Tinanong namin kung nag-propose din ba sa kanya ang ex-boyfriend nu’ng sila pa, ikinuwento ni Kaye na nagsabi pala sa kanya ang ex-boyfriend na handa na itong pakasalan siya basta magsabi lang siya. Sa ‘di klarong dahilan ay nauwi rin sa break-up ang mahigit limang taong relasyon ng dalawa.

Hiningan ng reaksyon tungkol sa sex video nina Neri at Chito na kumalat sa social media, ayon kay Kaye ay ‘di niya napanood o binalak na panoorin ang nasabing sex video bilang respeto na lang sa ex-boyfriend. Para kay Kaye ay normal na ginagawa ito ng nagmamahalan at ang naging problema nga lang ay nag-leak ang nasabing sex video ng dalawa.

Hanga sa tapang na ipinakita ng dalawa para harapin ang ganito kalaking kontrobersiya, bilib si Kaye sa nakita niyang tatag ni Neri na kaysa magmukmok ay buong tapang na nagpokus na lang sa kanyang trabaho at ngayon ay napapanood na muli sa telebisyon.

Kinumpirma rin na nauwi na sa break-up ang tatlong taon nilang relasyon ni Guji Lorenzana, ayaw sabihin ang rason ng break-up, pero siniguro niya na walang third party involved. Aminado si Kaye na nasaktan siya na nauwi rin sa paghihiwalay ang huli niyang relasyon. Aminado na sa ngayon ay takot na siyang magmahal uli at pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon dahil baka masaktan lang siya.

Kung hindi man suwerte sa kanyang lovelife, humahataw naman ang career ni Kaye. Pinag-uuusapan ang galing na ipinakita niya bilang Stella ng seryeng Annaliza na mapapanood na lang sa loob ng 2 linggo. Patunay lamang na si Kaye ng halimbawa ng mga artista na pansamantalang magpahinga man ay makababalik at makababalik pa rin dahil sa talento at dedikasyon sa kanyang trabaho.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Kaye Abad, laging nauuwi sa break-up ang relasyon

Leave a Reply

Your email address will not be published.