Kaye Abad at Chito Miranda, nagbalikan?

MARAMI ANG HUMULA na mauuwi sa happily ever after ang matagal nang pagsasama nina Kaye Abad at ng Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda, pero sa paghihiwalay rin humantong ang inakala ng ibang pangmatagalang relasyon ng dalawa. Ngayon, may tsikang back to each other’s arm ang drama ng dating magdyowa matapos na aminin ni Kaye sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice na single siya. Huwaat! Nagkabalikan ba talaga sila? Ang sagot, HINDI raw ayon kay Mareng Kaye, dahil kahit nakikita sila ng publiko na lumalabas-labas eh, hanggang magkaibigan lang daw sila ng bokalista at hindi totoong nagkabalikan. ‘Yun na!

Photos by Luz Candaba, Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

3 thoughts on “Kaye Abad at Chito Miranda, nagbalikan?