Kayabangan ni ER, prinotesta!

SINALUBONG NG mala-king protesta sa Calamba ang umano’y kayabangan ni Gob. ER Ejercito na na1saksihan ng mga mamamayan ng Laguna sa ginanap na Harapan sa ABS-CBN noong nakalipas na Martes ng umaga kung saan madiin na sinabi ng gobernador na “Ako ay isang Ejercito. Mayaman at maraming lupain ang pamilya Ejercito at hindi HAMPASLUPA.”

Ayon sa pahayag ng Anti-Hampaslupa Movement, “mahigpit nilang kinokondena ang walang pakundangan at kawalang respeto sa mga ma-ralitang mga pahayag ni Gob. ER.”

Ito kaugnay ng paghahambing niya sa kaniyang katayuan bilang “mil-yonaryo” at binansagang “hampaslupa” ang mga maralita.

Ayon pa sa grupo, “Buong pagyayabang nitong paulit-ulit na pang-iinsulto na ‘siya ay ga-ling sa angkan ng mga milyonaryo… at hindi siya maralita… hindi siya hampaslupa!’”

Sinabi pa ng grupo na “Ang kaniyang mga pahayag ay repleksiyon ng kaniyang pagkatao!”

Maliwanag din uma-no sa mga pahayag ni Gob. ER na isa itong anti-maralita. Ayon pa sa pahayag ng Anti-Hampaslupa Movement, “Ang pagbansag niya sa amin bilang hampas-lupa… ay nagpapakita ng tunay nitong anyo; isa siyang buwitreng nakaabang sa puwang sa aming mga maralita ang pambabastos na ito mula sa mataas na pinuno ng Lalawigan!”

Sa huli, pinaalalahan ng grupo si ER na “ang mga tinatawag niyang ‘HAMPASLUPA’ ay mga naninirahan sa riles, sa mga estero, sa mga Southville, mga manggagawa at tsuper, mga magsasaka at mangingisda, kabataan at kababaihan. Kaming mga tinatawag niyang HAMPASLUPA ang  kaniyang susuyuin sa Halalang ito… kami ding HAMPASLUPA ang magtatapos ng kaniyang kahambugan… tatapusin namin ang kaniyang pambabastos sa lalawigan!”

Ayon naman mga taga-Laguna, tila idinada-may pa ni ER sina dating pangulong Erap Estrada at Sen. Jinggoy Estrada sa pagsasabing ‘ang mga Ejercito ay mayayaman at hindi hampaslupa’.

Sa kaugnay na report, sinabi ni Mayor Vipops Martinez ng Pakil, Laguna, na hindi niya malunok ang kasinungalingan ni Ejercito sa pagsasabing hindi niya ugali ang ma-late at paghantayin hanggang madaling-araw ang mga tao nanghihingi ng kanyang tulong.

“Alam ng Laguna ang katotohanan, ‘di na niya ito maitatago. Pinipilit niyang itago ang kanyang SALN para itago ang nakurakot niya sa bayan. Biro mo ba naman, mula sa P3 milyon lamang ay umabot na sa daang mil-yon ang nakamal niyang yaman,” ani Mayor Martinez.

Dagdag pa ni Martinez, “Kung totoong minana niya ang yaman niya, papaano makapagbabayad ang isang gobernador ng tinatayang P20-M na inheritance tax? Maliban na lamang siguro kung pati ito ay inayos niya. Imposibleng sa pag-aartista niya nakuha ang kanyang yaman, dahil kailan man ay ‘di siya naging bida. Kung ‘di pa siya nag-produce ay walang kukuha sa kanyang bida. Ang Asiong Salonga ay kumita lamang ng P45-M pero ginastusan ng P80-M, habang ang El Presidente ay ‘di umabot ng P40-M ang kinita ayon sa MMDA, samantalang pinagyayabang niya na P100-M ang puhunan dito.”

Ayon naman kay Mayor Rondilla ng Luisiana, lalo siyang nadismaya sa hindi pagtanggap ng hamon ni Ejercito para magpa-drug test at AIDS test. “Kung wala siyang tinatago, bakit siya matatakot? Simula pa lang ng debate, sa halip na sagutin niya ang isyu ay puro kayabangan ang kanyang sinasagot at kasinungalingan.”

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

5 thoughts on “Kayabangan ni ER, prinotesta!

  1. Kaparis ka rin ng tyuhin mong MAndarambong.. Ano ba minana mo sa tatay mo e panay BOLD films lang ang ginawa nun. NAmana mo yun pagka MAniac nya .Pagmumukha mo palang mukhang MAniac ka.Lumayas ka na dyan, LAYAS kaparis ka rin ng mga congressman at senador na bulok. Ano ba ang magandang pangalan iniwan nga mga ejercito? SI Joseph convicted na plunderer, yun pinsan mo kasama ni Napoles. Yun tatay mo Porno star. Yan ba pagmamalaki mo?

  2. wala nang MALOLOKO YAN DITO SA LAGUNA….SA KANGKUNGAN YAN DADAMPUTIN! MARAMI NA SYANG NABIKTIMA NUONG ARAW PA….HINDI NYA NA KAYANG ITAGO ANG TOTOONG KULAY NYA….LAHAT NG GINAWA NYAN KASAMAAN AY SA KANYA RIN BUMABALIK….WALANG UTANG NA LOOB !!!!WALANG KAHIHIYAN SA GAWAING MASAMA!!!!WALANG MORAL ASCENDANCY!!!!MASAMANG TAO YAN!!!!PATI SI JOSE RIZAL AT ANG OUR LADY OF GUADALUPE AY GINAGAMIT MATAKPAN LANG ANG NAPAKARUMI NYANG PAGKATAO. …TIGILAN MO NA ANG IYONG PANLILINLANG NG MGA NAKAKAAWA AT MALILIIT NATING MAMAMAYAN!!!HINDI KA KARAPATDAPAT NA TAWAGING GOBERNADOR….ANG LAKI PALA TALAGA NG NANAKAW NG IYONG TYUHING SI ERAP NA HANGANG PAMANKIN AY DAANG MILYON ANG NAIPAMANA….SIGURO HINDI NA RIN SYA MANANALO SA MAYNILA PAG NALAMAN NG TAONG BAYAN ANG GINAWA NYA…CONVICTED PLUNDERER NA PINATUNAYAN MO SA YONG PANANALITA….GAWAIN NYO NA TALAGA ANG PAGIGING GANID AT PAGKA MAGNANAKAW!!!!! KAYO ANG MGA TAONG NAGPAPALUBOG NG HUSTO AT NAGPAPAHIRAP SA ATING BANSA!!!!! KAPAL AT HINDI KAYO MAGTATAGUMPAY SA INYONG KASAMAAN. …SIRANG SIRA NA KAYO SA BAYAN…MAHIRAP NG MAKABANGON ANG ISANG KATULAD MO NA NAGPAKITA NG TUNAY NA ANYO SA YONG MGA SALITA AT GINAGAWA…..IKAW AY ISANG DEVIL INCARNATE!!!!KAGAYA DIN LANG NG IYONG PAPEL SA PELIKULA…PUMASON NA YAN SA ULO MO. YOU OWE IT TO THE PUBLIC TO SUBMIT YOUR SALN AND TO SUBMIT YOURSELF TO A DRUG AND HIV TEST…..HINDI YONG UMAAYAW KA AT PINAGPAPAWISAN PAG HINAHAMON KA !!!!DRUG TEST MUNA!!!!!IT DOES NOT TAKE A GENIUS NA MAKITA SA GALAW AT SALITA MO ANG ISANG GUMAGAMIT NG DRUGS!!!!

    • What SUCCHI said were all true. Mga gago na lang tlga pag inayagan pang maupo yang ER na yan. Yang c Erap ewan ko ba npaka suwapang, pinaghaharian na nila ang San Juan, gusto pati Maynila mapasakanila. Pag nanalo yan, at natapos ang termino, sino susunod. Isa sa anak nya tapos asawa o kabit nya. Pare pareho pang mga Ejercito, pagpapayaman ang nsa utak. Kaya sa mga taga Laguna at mga tga Manila, wag nyong hayaan masimot ang natitirahang yaman meron ang lunsod nyo. 

      • Lubog na lubog na ang bansang ito. Tapos lalo pang binabaon sa hukay ng mga kagaya ng corrupt na Ejercito. Tama na po sana. Sana makuntento na kayo sa yaman na nakurakot nyo. 

      • Hindi yan tatahan ang mga walanghiya may mga apo pa eh dapat may mga ilang  milliones rin ang bawat isa na ipamana.

Leave a Reply

Your email address will not be published.