Kaya walang maamin
Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, hanggang TV lang ang relasyon?!

UNTIL NOW, wala pang pag-amin na nagmumula kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati tungkol sa kanilang special friendship na nabuo sa set ng kanilang teleseryeng Makapi-ling Kang Muli, kung saan laging sobrang sweet daw ang mga ito, kaya marami ang naghihinalang meron nang relasyong namamagitan sa dalawa.

Pareho rin daw tanggap na ng kanya-kanyang pamilya ang mga ito, especially si Richard na sobrang close at maraming bagay na pareho sila ng daddy ni Sarah. Kaya naman daw aprubado sa daddy ni Sarah si Richard at ganu’n din naman si Sarah na malapit na rin sa pamilya Gutierrez.

Everytime nga na nai-interview ang mga ito, puro magagandang salita at papuri ang namumutawi sa mga labi nilang dalawa at kitang-kita ang glow sa mga mata at may ngiti sa kani-kanilang labi at ganadong-ganadong magkuwento ng tungkol sa kanilang magandang samahan.

Anu’t anuman, malalaman din ng publiko ang real score sa kanilang dalawa. Lalo na’t lagi silang napagkikitang magkasama sa maraming okasyon na sweet na sweet sa isa’t isa at deadma lang sa mga taong nakapapansin sa kanilang dalawa.

 

ISA SA aabangan sa stage play na Bona na pinagbibidahan nina Eugene Domingo and Edgar Allan Guzman ay ang ilang beses na halikan ng mga ito na labis na ikinakilig ng mga nakapanood nito na ipinalalabas sa PETA ngayon.

At kahit nga maraming kissing scenes dito sina Eugene at Edgar, bentahe pa rin ng Bona ang galing sa pagpapatawa ni Eugene na talaga namang everytime na magde-deliver ng kanyang lines ay talaga namang hahagalpak ka sa tawa.

Hindi rin naman nagpahuli sa galing sa pag-arte si Edgar Allan na hindi nagpatalbog kay Eugene. Isa pang aabangan kay Edgar sa Bona ay ang magandang hubog ng katawan nito na kung ilang beses na nasilayan ng mga mano-

nood habang naka-boxer shorts lang ito.

Umagaw rin ng atensyon sa aming mga nakapanood ang galing ni Joey Paras na katulad ni Eugene at Edgar ay lutang na lutang ang galing sa komedya. Habang ang iba pang kasama sa casts ay hindi rin matatawaran ang galing sa pagpapatawa.

 

DUMATING NOONG Aug. 14 sa bansa ang Japanese actor/ producer na si Jacky Woo at tinapos ang shooting ng Death March, kasama ang marami nating artista. Ibinubuhos niya ang panahon sa shooting na ito habang nasa bansa gaya ng ipina-ngako niya kay Direk Adolf Alix, Jr. na abalang-abala rin sa shooting.

Pero bago pala bumalik ng Pilipinas ang mabait at very generous actor/ producer, nagkaroon pala ito ng Jacky Woo Film Festival sa Shinjuku district ng Tokyo, Japan na dinumog ng maraming Hapon at Filipino na naka-base sa Japan. Walang Hanggang Paalam, Liberacion at Haruo ang ipinalabas sa nasabing festival.

Tuwang-tuwa naman ang mabait na actor/ producer sa nakita niyang mga kababayan niya at mga Pinoy na malapit sa puso niya na dumagsa at pinanood ang mga pelikula niya. At ang lahat ay magagandang komento ang sinasabi nang mapanood ang kanyang mga pelikula.

 

NAGPAPASALAMAT ANG isa sa ma-ningning na young actor sa bakuran ng GMA-7 at regular na napapanood sa Party Pilipinas at Luna Blanca na si Kristoffer Martin sa mataas na rating na nakukuha ng kanilang show nina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Bea Binene, atbp.

Tsika ni Kristoffer, hindi niya inakalang magki-click sa mga manonood ang tambalan nila nina Barbie at Bea, dahil nasanay nga ang mga manonood na laging kasama nito si Joyce Ching na mula nang lumipat ito sa GMA-7 mula sa ABS-CBN ay ito na ang nakatambal niya nang umalis si Kathryn Bernardo sa Siyete.

Kuwento nito na sana nga raw ay mag-extend pa sila sa Luna Blanca, kaya lang ay hindi na raw puwede dahil may bagong show na si Bea Binene, kung saan ang katambal nito ay ang kanyang original ka-loveteam na si Jake Vargas plus Hiro Magalona. Samantalang may ibang show naman itong gagawin sa GMA-7.

Wish daw ni Kristoffer na makatambal din ang iba pang leading ladies ng GMA-7 like Kris Bernal, Marian Rivera, Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Maxene Magalona, Sarah Lahbati, Jackie Rice, Kylie Padilla, at iba pa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

11 thoughts on “Kaya walang maamin
Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, hanggang TV lang ang relasyon?!

  1. Richard Gutierrez is truly Bakla,, Si Eddie Gutierrez sa totoo lang ay Bakla ito ang ama ni Richard at Raymond.. Di lang talaga sya pwedeng gumawa ng kalokohan ka Annabelle “Ma Barker” Rama.. Kung di machine gun kelly ang aabutin nya.  Bow

  2. RICHARD IS GAY LIKE HIS TWIN BROTHER BUT LIKE PIOLO HE IS NOT YET READY TO COME OUT OF HIS WALK IN CLOSET,I BET YOU NOW THAT THE SHOW IS OFF THE AIR !WALA NG RELASYON ,HINDI NA LUMILIGAW PARA NAMAN KAYONG HINDI SANAY SA GIMIK NI RICHARDING NA KUNWARI NILILIGAWAN ANG LEADING LADY NYA PRA MAY MANOOD THEN AFTER THE SHOW OR MOVIE BABU NA SI BAKLA! AT MAY BASIS TAYO DIBA ANGEL,MARIAN,SOLENN,KC etc ,NGAYON NAMAN SARAH! SARAH LAYUAN MO SYA BAKA MAHAWA KA MAGING LESBIANA KA AT LAOS PA.SI RICHARD AY PARANG SI PIOLA NA HINDI MAKATAGAL SA BABAE !PWEDE BA RICHARD YOU ARE FREE NOW NA MAGKAPAPA LIKE YOUR BRO TUTAL LAOS KA NA!!!!!

  3. GIMMIK NG MGA HAM STRUGGLING STARLETS NG MEGA KAMUNING NETWORK!!!1 LAHAT NAMAN NG NAGING LEADING LADY NG KRIMINAL NA YAN EH NALILINK KUNO S AKRIMINAL NA YAN AFTER NG WALANG KWENTA NILANG SHOW WALA NA RIN YANG ISYU NG MGA CHEAP NA WANNABE STARLETS NA YAN

    • BOTH TWINS SHOULD BE GAYS!!!THE GUTTIEREZ TWIN BROTHERS ARE BOTH GAYS BUT ONE SHOULD COME OUT OF HIS CLOSET !HE DOESN’T DESERVE TO BE A LEADING MAN BUT A LEADING LADY!HE NEVER HAD A LONG TERM RELATIONSHIP WITH A WOMAN !ITS ALWAYS FOR PUBLICITY !IT’ S TIME FOR THIS GAY TO COME OUT IN THE OPEN SINCE HIS CARREER IS NOT GOING ANYWHERE BECAUSE HE DOESN’T KNOW HOW TO ACT AT ALL!!!!

  4. hindi naman nakatulong ang pagkakalink nina richard at sarah, pareho pa rin mula umpisa hanggang sa nalalapit na pagtatapos ang rating ng show nila — bagsak! tapos sabi ni annabelle sa kristv, madami daw ang humahadlang sa relasyon nina richard at sarah (obviously,sa parte ni starlet sarah) tapos ang sinasabi ng writer na ito walang humahadlang o both families eh tanggap ang bawat isa? pwede ba!!

  5. Isang gimik na naman to. Basta si Richard Gutierrez ang involve gimik lang talaga. Manang mana sa ate Ruffing nyang gimikera dahil laocean deep na. Hanggang ngayon bano pa ring umarte si Richard kaya kelangang gumimik ng ligawan para may manood ng show nila. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.