KAYA WALA SA SHOWTIME: Vice Ganda, shoppingera mode sa USA!

Vice Ganda

HABANG isinusulat namin ang item na ito ay nasa San Francisco, California pa rin ang unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda.

After ng show nila together with other It’s Showtime cast sa USA recently, nag-extend ng kanyang bakasyon ang komedyante lalo pa’t it’s a shopping spree vacay ang ginawa ng komedyante-host.

Sa Los Angeles, California leg ng grupo, gumimik sina Vice kasama sina Anne at nag-enjoy sa gay bar na Abbys sa West Hollywood na kilala as a gay destination.

Enjoy na enjoy ng dalawa sa baklaan experience nila sa gay scene sa City of Angels.

Bukas, Saturday, August 4 ay andito na si Vice na hopefully, kapag hindi pagod sa long haul flight niya ay baka dumalo ito ng live sa noontime show.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.