Kaya umiral ang pagkaselosa
Angelica Panganiban, sobrang in-love kay John Lloyd Cruz

MAGANDA AT naging makulay ang takbo ng buhay pag-ibig nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz simula nang aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon. Nguni’t may mga nagsasabing naging sobrang selosa naman daw ang dalaga.

Aminado naman si Angelica na selosa siya nguni’t hindi naman daw sobra. “Sinasabi ko naman kay John Lloyd na nagseselos ako, pero ‘yung tipong pa-cute lang. Ibang klase naman kasi siyang magpakita at magpadama ng kanyang pagmamahal. Talagang nararamdaman ko,” paliwanag ng dalaga.

Sobrang in-love umano siya rito, at super fan pa siya nito, kaya naman kahit movie ng binata ay pinapanood pa niya sa first showing day. Ramdam niya ang pagseselos lalo na’t may kissing scene ang binata.

Minsan daw ay napatunganga na lang siya nang isang araw na dalawin siya ng binata sa kanilang tahanan, may dala itong bulaklak at iniaabot sa kanya. “Ayaw mo?” pasambit ni John Lloyd sa napatulalang dalaga. ‘Di kasi umano alam ni Angelica kung ano ang gagawin kaagad, dahil first time lang daw na may magbigay ng bulaklak sa kanya lalo na’t galing sa minamahal. At isa pa, wala raw silang flower vase na paglalagyan nito. Kaya naman nang sumunod na araw ay bumili siya ng flower vase.

Ngayon ay may bagong teleserye si Angelica, titled Apoy sa Dagat. Kung saan makaka-loveteam niya si Piolo Pascual. Naiintriga ang iba sa kanilang tambalan na umano’y maaaring may mamagitan silang magandang pagtitinginan at maaaring maging daan ng pagseselos naman ni John Lloyd.

“Hindi po mangyayari ‘yun, noon pa man ay talagang close friend na kami ni PJ at alam ni John ‘yun. Kaya malayong mangyari ang iniisip nila,” depensang sagot ni Angelica.

By Marialuz Candaba

Luz Candaba

About the Author

has written 38 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.