Kaya umamin: Piolo Pascual, takot maagaw si KC Concepcion

NAAALIW AKO SA reaksyon ng mga tao sa pag-amin ng aktor na si Piolo Pascual na yes, since October 21 last year pala eh, officially mag-on na sila ni KC Concepcion.

Kasi naman, most of the reactions eh, parang ayaw pa ring maniwala kahit ‘eto at isinambulat na ni Piolo sa apat na sulok ng showbiz na hindi na rin siya papayag na may iba pang magkagusto o manligaw pa sa dalaga dahil nga ‘TAKEN’ na raw ito.

Sa mga komento sa internet, pati na sa Twitter and Facebook, actually, malaman na sumilang na naman ang mga kaso kung papatulan o seseryosohin mo ang mga reaction ng mga ordinaryong tao. May mga tanggap naman, pero on the side, may sinasabi at ikinokomento na gaya nga ng sabi ko, tinatawanan ko na lang. Parang hindi sila masaya na ngayon pa ito ginawa ni Papa P.

Sabi naman ng aktor kasi, isinaalang-alang niya rin ang damdamin ng kanyang anak na si Iñigo kaya hindi rin siya basta makasagot o makaamin sa patuloy na pag-uusisa sa kanya ng press. Kaya nga kahit na mismong si Megastar Sharon Cu-neta na ang nag-react noon, na sana magsalita naman si Piolo for KC, it took pa rin a while bago nito ibinuka ang bibig niya.

Dahil hindi naman nga nito laging nakakasama ang kanyang anak, ayaw lang daw niya itong magkaroon ng ibang reaksyon at mapariwara rin. Sa edad daw kasi ni Iñigo na trese, maraming mga bagay na kailangang ipaliwanag mo na magiging komportable ito sa pagtanggap.

Kaya ako natatawa, ‘yung kasing nagkaroon ng mga katanungan before tungkol sa relasyon nila na patuloy lang nilang idinenay eh, nakahanap ng mga kasagutan ngayon. Kasi nga, hindi naman ilang beses lang silang nakitang magkasama ni KC here and abroad. Pati na nga sa mga taping, ‘di ba?

At sa ginawang ito raw ni Piolo, sinasabi niya noon pa man na magsasalita lang siya about his love life or the love of his life, kung sigurado na siya na ito na ang babaeng handa siyang ihatid sa altar. Sa himig ng mga tinuran ni Piolo, parang gusto kong kumanta ng “The Last Time (I’ll Fall In Love)”.

Wala pa naman ‘ata silang pagsasamahang proyekto sa TV o kaya eh, sa pelikula. O kahit ano pang proyekto, maski sa commercial?

Sigurado, matutuwa ang Megastar na si Shawie, na nasa Amerika pa nang magsalita si Piolo about him and KC.

Malalaki na sila. Matatanda na. They know na their choices in life!

Kaya sorry, Apl d. Ap (Allan Pineda) ng Black Eyed Peas, souvenir na lang ang Tiffany bracelet na ibinigay mo kay KC. Pati na ang nagpapahiwatig na Azkal na si Phil Younghusband.

Sabi ng mga miron, para na raw kasing nag-uutos ang dating ni Papa P ngayon, na ayaw na niyang makarinig na may ibang mga lalaking magsasabing type o may gusto sila kay KC. Kung may makalusot, ano ang mangyayari?

NAPAPANGITI LANG ANG Undisputed Jukebox Queen na si Imelda Papin sa mga tanong tungkol sa kanyang love life at sex life, dahil na rin sa lumabas na usapang kaya naitatag ang 618 International Records ni Mr. Oscar Parel eh, dahil na rin sa kanya.

Hindi pa tahasang inaamin ni Mel na they are really playing sweet music together ngayon ng pinakabagong record producer to hit Philippine shores, pero last Sunday, tatlong album na ang agad-agad nitong inilunsad. Dalawa rito eh, album ni Imelda at ang isa naman eh, sa pumapasok na rin sa larangan ng pagkantang bunsong kapatid niya na si Aileen Grace Papin.

Nilinaw naman ni Mr. Parel na hindi naman exclusive para sa mga Papin lang at mga kaanak nila ang gagawin ni-lang pagpo-produce ng records dito na isasalang din nila sa international market. Dahil may mga talents na rin daw silang na-discover-gaya ng Madrigal siblings, si Garry Cruz, Cesar Tomo at si Jessica Arcilla (na apo ng beteranang aktres na si Ms. Bella Flores). At ang maganda, sa pakikipagtulungan sa Universal Records, maidi-distribute na rito sa bansa ang nasabing mga albums.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

5 thoughts on “Kaya umamin: Piolo Pascual, takot maagaw si KC Concepcion

  1. Piolette,be a good girlalo na ha,ituloy tuloy mo na yan,wag na sanang manggamit pa ng tao para mapagtakpan ang 'hiwaga'…wag mo na rin gawin ang mga bagay na 'ikinabubuking' mo,susme,ang dami kaya! iwasan na rin ang paglafang ng 'KARNE NORTE'… hahaha… makinig ka kay sister… charot…

  2. Pkisabi kay toni gonzaga hwag masyado oa at feeling beauty at akala mo virgin na virgin weh oa. isa pa akala mo beauty tingnan mo un sister nya alex pra cla pamilya bakla mukhnag kabayo weh. first time ko nakit c toni sa asap ang itim pa nya pangit pero nagun iba siempre iba ang naggawa ng sciensya. di ba toni oa at feeling napakaganda. nakakasuka ang arte mo plastik

  3. Pingback: Tweets that mention Kaya umamin: Piolo Pascual, takot maagaw si KC Concepcion | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.