Kaya tumigil sa panliligaw si Jolo Revilla: Melissa Ricks, nakipagbalikan kay Jake Cuenca?

NAALIW AKO NANG nakita ko si Judy Ann Santos sa shooting ng pelikulang Hating Kapatid nila ni Sarah Geronimo.

Ang laki na pala ng tiyan niya at talagang feel na feel nito ang pagbubuntis niya.

Ito lang daw ang pagtaba niya na type na type niya dahil siyempre may dala siyang baby.

Ang aligaga raw at excited sa pagdating ng baby boy nila ay si Yohan na feel na feel na rin ang pagka-ate. Sabi ni Juday, si Yohan daw ang pinagde-decide nila kung ano ang ipapangalan sa baby at talagang binibigyan daw nila ng responsibilidad sa magiging kapatid nito, para hindi siya magseselos.

Ang isa pang dahilan kaya lalong lumaki si Juday dahil sa napahilig daw ito sa pagkain ng maalat kaya pinapatigil na ito. “’Yung mga ibang bagay na dati kong ginagawa, hindi na puwede ngayon kasi buntis ka. Hindi ka puwedeng magpamasahe, hindi puwedeng makaamoy ng mga spraynet or something. Bawal na rin sa mga matanong lugar, kasi magulo ‘yung ganu’n. Ngayon ko naintindihan ‘yung sinasabi ng mga buntis na mag-iiba talaga ang ihip ng hangin, ng buhay mo ‘pag nabuntis ka na,” sey sa amin ni Juday.

Kahit malaki na ang tiyan ni Judy Ann, kailangan tapusin nila itong Hating Kapatid kasi may playdate na. May tatlong shooting days pa raw siyang tatapusin para tuloy na sila sa promo nito.

Pagkatapos lang nito ay talagang sa bahay na lang daw siya para maghanda sa kanyang panganganak na naka-schedule na sa October.

Hindi pa rin nabago ang palayaw nila sa baby boy nila na si Butchuchoy para bagay rin sa palayaw ni Yohan na si Buding. Nakakaaliw sila ha!

NAKAKALOKA ITONG SINA Jake Cuenca at Melissa Ricks na hanggang ngayon ay wala pa rin silang inaamin sa tunay na relasyon nilang dalawa. Naging sila na noon pa, nag-break at ang latest nagkabalikan na sila ngayon pero wala pa ring inaamin.

Kaya nanahimik na nga si Jolo Revilla dahil naging close din sila noon ni Melissa at ang akala nga ng karamihan may ligawang nangyari pero hindi naman pala, dahil nakipagbalikan din pala ito kay Jake.

Pero sa mga interview nila, close friends pa rin daw at wala pa ring inaamin.

Sabi naman ni Jolo, okay naman daw ang pagkakaibigan  nila ni Melissa pero wala nang ligawan at hanggang du’n na lang. Hindi na siya inspired. Hay, naku!

MAMAYANG HAPON NA magsisimula ang Hole in the Wall nina Michael V at Ogie Alcasid bago mag-Langit sa Piling Mo.

At least nilinaw ni Michael V na hindi na siya ‘yung nasa blind item na comedian/TV host na gustong kunin ng ABS-CBN 2.

Nu’ng mag-guest nga ito sa Startalk, sinagot nitong walang alok sa kanya at hindi nga raw siya ‘yun. Ibinuking tuloy ni Joey de Leon na hindi nga siya kundi si Roderick Paulate pala. Hindi nga lang tinanggap ni Roderick dahil naging abala na siya noon sa pangangampanya sa eleksiyon.

Mabuti na lang at ni-reveal ‘yun ni Joey para matigil na rin daw ang katatanong kay Bitoy, kung siya nga itong gustong piratahin ng Dos.

Abangan n’yo na lang itong Hole in the Wall nina Bitoy at Ogie dahil iba-ibang karakter ang gagampanan nila rito. Hindi lang ‘yung kina Yaya at Angelina.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Kaya tumigil sa panliligaw si Jolo Revilla: Melissa Ricks, nakipagbalikan kay Jake Cuenca?

  1. JAKE “EXHIBITIONIST”CUENCA AND JOLO “BINATANG AMA”REVILLA,MAGSITIGIL NA KAYONG DALAWA.TANTANAN NYO NA ANG BABALUNG SI MELISSA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.