Kaya Tsinugi ang Show: Aktres, Sakit ng Ulo sa Set!

BLIND ITEM: AYAW paniwalaan ng mga executives na sakit ng ulo sa set at laging cause of delay ang isang aktres.

Lumalabas na parang nagsisinungaling pa ang mga staff sa paningin ng mga executives.

Kaya ang ginawa nila, kinunan nila ng picture sa pamamagitan ng celfone ang sikat na aktres.

“Eh, nu’ng ipakita na namin ‘yung picture sa management, doon lang sila naniwala sa amin, kaya ayon, natsugi na ang show niya, kaya nakahinga kami nang maluwag.”

So, ano ba ‘yung nakalarawan sa picture? Ano’ng eksena?

Well, nakakalokah! Kasi borlog na borlog ang lola n’yo. Hinihintay siyang magising, dahil ayaw niyang magpagising.

Juice ko, nakakalokah. Kung sino ito?

Itanong n’yo sa mga bakla ang kanyang initials, dahil ‘yun ang favorite ng mga bading.

BONGGA, ME NAG-TWEET sa amin tungkol kay Willie Revillame. Dahil daw sobrang touched si Willie na ‘yung mga staff niya dati sa Wowowee ay sumama sa kanya sa TV5, aba, tuwang-tuwa ang mga ito.

Alam n’yo ba kumbakit?

I’m sure, naisulat na rin ito, pero kami ay napa-wow. Kasi, imagine, si Willie, sinagot niya ang downpayment ng 21 brand new Toyota Vios na ibinigay niya sa kanyang loyal staff.

Tapos, ‘yung remaining balance, sa ammortization na lang ang poproblemahin ng mga staff.

O, ‘di ba?

Wala lang, nai-share lang namin.

NAKAKALOKAH! SA APAT na araw na showing ng Petrang Kabayo, naka-P60 million plus na agad. At hanggang ngayon ay pinipilahan.

“Naku, sana naman, ‘yung ganda ng resulta ng movie sa box-office, ‘wag namang udlutin ng paparating na bagyo,” text message sa amin ni Vice na kasalukuyang nasa US para sa 3-night shows nila ni Ms. Lani Misalucha.

“Naku, ‘teh, kung Cubao lang ito, eh, ‘di araw-araw akong gala nang gala sa mga sinehan para personal na pasalamatan ang mga nanood ng Petrang Kabayo.

“At least naman, hindi tayo napahiya kay Kuya Dick (the original Petrang Kabayo), dahil box-office hit din ‘yun nu’ng araw,” kuwento pa ni Vice.

Ayon sa line producer ng ‘Petra’ na si Tita Hermie Go, “Baka si Vice Ganda ang tanghaling ‘Comedy Box-Office King’ next year sa Guillermo Mendoza.

So far daw, si John Lloyd Cruz ang may hawak ng korona bilang Box-Office King para sa Miss You Like Crazy with Bea Alonzo na naka-P140 million plus.

MEANWHILE (MEANWHILE DAW, o!), sa mga naka-miss kay Vice Ganda at gustong mapanood ang lola n’yo rito sa Quezon City, meron siyang concert sa Metro Bar sa Oct. 23, 8:30 p.m.

Si Vice mismo ang pumili ng kanyang mga guests (bukod sa kanyang mga kabatuhan sa isang segment na sina MC at Lassy) na si Kean Cipriano and the Callalily.

“Gusto kong humataw sa dance floor, kaya gusto ko ng production number with the XB Gensan at ‘yung Mortal Kombat & the Showgays!”

Kaya nakakalokah, baka abutin na naman ito ng lampas dalawang oras, dahil ‘pag nag-show ang lola n’yo, bigay na bigay!

Sa mga gustong bumili ng tickets, tawag or text kayo sa 0927-7862636. Nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa isang beneficiary.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

49 thoughts on “Kaya Tsinugi ang Show: Aktres, Sakit ng Ulo sa Set!

  1. anooooo? itong si Maria dito ay mismong si kris A? Ay kalokaaaa. keya pla knows na knows ang about hosting. at ito pa nag Marina pa. kaloka talga si manay kris.

    • Sorry mahaderah hindi ho ako si Kris A. Gusto ko lang talaga si Alex at si Jannelle at si Blackdjak kasi mga bubbly ang mga personality nla. Ewan ko ba, sa hard life ngayon, gusto kong mag enjoy kaysa palaging iniisip ko ang mga problema ko sa buhay. Yon lang ho. Peace :)

    • At gusto ko rin sila Luningning, Mariposa at Milagreng. Sayang wala kaming TV5 dito. Gusto ko sila kasi cheerful yong mga mukha nla, parang walang pinoproblema.

  2. Tama si Maria dapat bigyan ng talk show si alessandra. Noong nasa MMS gustong guso ko sya doon at sa Sfiles. Pragka sya pero funny at swabe ang mga jokes nya.

    • Salamat Marina, ewan ko ba gustong gusto ko talaga yan si Alex maski maraming nagsabi na parang palengkera kasi sobrang pranka ng bibig, pero ewan ko ba, like ko pa rin sya. I really hope and wish na makakita na si Alex ng boyfriend na forever na. Nagandahan talaga ako sa kanya, maski walang make up yong face nya, lip gloss lang ganda pa rin tingnan, simple and parang may pagka morena. Ewan ko ba, nagandahan talaga ako sa kanya.

  3. ANO BANG PINAGSASASABI NYO, IBINOBROADCAST KO LANG NAMAN KUNG GAANO KA SUCCESSFULL NG ANAK AH? BABAHA NG KOTSE, BAHAY AT PERA SA 23 OCT. 2010 OPENING NG WILLING WILLIE. WOOWWEEWEEE TALAGA, IBA TALAGA, SAAN PA KAYO? KAY BULOL NA SI RICO PUNO? OLD JOEY AND EDU M.? HAY NAKU, LIPAT NA KAYO SA TV5. BIRO NYO NAMIGAY SIYA NG KOTSE SA MGA STAFF NYA, IBA TALAGA ANAK KO. PROMISE NIYA, BIBIGYAN DAW AKO NG MGA STOCK CERTIFICATES, WOW KAKO, AASAHAN KO YAN, SABI NIYA, THATS 100\% , ILL NEVER BROKE PROMISES, WHICH IS ALWAYS TRUE TOT HIS WORD NAMAN, HUWAG NA NYONG PANSININ YABANG NIYA, YON ANG NAGDADALA NG SUWERTE SA KANYA, SAKAY LANG KAYO AT MAGKAKAPERA DIN KAYO SA KANYA. NEXT YEAR NGA MAGBEBENTA SIYA NG STOCKS PARA SA IPO NIYA NEXT 2012 PA NAMAN, BUT HE NEEDS BILLIONS SHARE FOR THIS.
    LIKE BRO. MIKE VELARDE STOCK SHARING SCHEME BA, GAGAYAHIN DAW NIYA YON. BYE, WATCH ME IN TV5.ALISIN NA NYO INGGIT SA ANAK KO PARA UMASENSO DIN KAYO.

  4. ANO BANG PINAGSASASABI NYO, IBINOBROADCAST KO LANG NAMAN KUNG GAANO KA SUCCESSFULL NG ANAK AH? BABAHA NG KOTSE, BAHAY AT PERA SA 23 OCT. 2010 OPENING NG WILLING WILLIE. WOOWWEEWEEE TALAGA, IBA TALAGA, SAAN PA KAYO? KAY BULOL NA SI RICO PUNO? OLD JOEY AND EDU M.? HAY NAKU, LIPAT NA KAYO SA TV5. BIRO NYO NAMIGAY SIYA NG KOTSE SA MGA STAFF NYA, IBA TALAGA ANAK KO. PROMISE NIYA, BIBIGYAN DAW AKO NG MGA STOCK CERTIFICATES, WOW KAKO, AASAHAN KO YAN, SABI NIYA, THATS 100\% , ILL NEVER BROKE PROMISES, WHICH IS ALWAYS TRUE TOT HIS WORD NAMAN, HUWAG NA NYONG PANSININ YABANG NIYA, YON ANG NAGDADALA NG SUWERTE SA KANYA, SAKAY LANG KAYO AT MAGKAKAPERA DIN KAYO SA KANYA. NEXT YEAR NGA MAGBEBENTA SIYA NG STOCKS PARA SA IPO NIYA NEXT 2012 PA NAMAN, BUT HE NEEDS BILLIONS SHARE FOR THIS.
    LIKE BRO. MIKE VELARDE STOCK SHARING SCHEME BA, GAGAYAHIN DAW NIYA YON. BYE, WATCH ME IN TV5.ALISIN NA NYO INGGIT SA ANAK KO PARA UMASENSO DIN KAYO.

  5. Kaloka ka! Nagko-comment ka pa sa sarili mong comment. Lokohin mo lela mong panot! You need a psychologist or psychiatrist. Patingin ka.

  6. Hello ENGOT aka pampam aka AWWW aka Parazzi Viewers Maniac. Buking na buking ang kaBOBOhan mo day!!! Ang dami mo pala alyas ha!!!

    • eh ano nmn sayo ..edi manggaya ka ..hindot k pla ih ….

      OO BAKIT AKO NGA SI ENGOT ,PAMPAM ,PARAZZI VIEWERS MANIAC ! …

      KEBER KO NMN SAYONG PUNYETA KA !

      • Inamin ang kaBOBOhan. At sino naman ang nasa matinong isip na kailangan mo ng apat na alias para mag comment. Kung hindi ka ba naman TANGA at BOBO. At ang nakakaloka pa day, nagko-comment ka pa sa sarili mong comment. Iba na yan day. Naku day, pa check up ka na day! O kaya naman para sa ikabubuti ng lahat pasok ka na lang sa mental at doon ka magpa hindut. Hindut ka, malala ka na. Dun ka magpaturo ng spelling. Kapag okay na ang kalagayan mo at hindi ka na buwang, saka ka na mag comment.

      • OMG! Narito tayo para mag comment pero sana naman ay iwasan ninyo ang pagmumura dahil sobrang nakaka-offend. PEACE!

  7. nahulaan niyo ba ang unang blind item ni ogie sa e-live nu’ng sabado? nanay ng sikat na celebrity, inalok ng isang kartong pizza ang staff ng show kasi na-late ang kanyang anak sa taping.

    ang siste, sampung members ng staff ang lumapit pero dalawang slice na lang ng pizza ang natira!

    ang clue: nag-close-open/close-open ang ogie sa isang kartong pizza.

    ang sagot: bukas-SARAH/bukas-SARAH!

    MOMMY DIVINE mukha kang pera pero ang barat naman mo pala!

    • oo si sarah yan!!! lol grabe nman pala si divne! mukhang pera na d pamarunong mag share ng biyaya nya..ahahaha..grabe lubog na talaga sya..nasan nga pala sya ngaun? kc wala ata sya sa asapxv last sundaa.

  8. si ate Claudine Baretto yan, laging nawawala sa set kasi, at laging late. laging may hidden guest sa dressing room niya.

    • para sakin si sarah e2 kasi ang IDOL ang tinutukoy na natapos agad.. ang CLAUDINE natapos ang kontrata…ng may ilang buwan…

  9. Sorry of the topic ito, pero sana idagdag na lang si Blackdjak sa E-Live para mas magiging funny kasi si Blackdjak is a good comedian. Nakakatawa talaga sya, Kunin na lang si Cheska ba yon? Kasi ewan ko ba, parang walang dating.

    • O di ba si Alessandra de Rossi na lang ang ipalit ni Cheska, nakakaaliw rin si Alex, sobrang machine gun ang bibig, nakakatawa tingnan and she is very funny too.

      • Hindi naman pang-showbiz talk show ang mga yan. Pero I agree, kelangan ng E-live ng nakakatawang host. Para naman kasing tuod mag-host si Cesca.

      • Yumi oo nga ano? hindi nga pala sila pang-showbiz talk, naaaliw kasi ako ni Alex de Rossi kasi pranka sya magsalita, hindi plastic, nakakatawa yong mga sagot nya, kesihudang walang pakialam. At si Blackdjak rin nakakaaliw sya, funny talaga sya. Pero Yumi, puede naman siguro silang turuan mag showbiz talk show hosts di ba? Americano ba yan si Blackdjak?

      • OO nga pala ano! Tama ka pampam. Naaaliw talaga ako sa dalawang yon, nakakatawa sila. Fan kasi ako ni Alessandra de Rossi at ni Blackdjak. Very funny sila talaga. Cute mukha ni Alex. Yong kapatid nya na asawa ba yon ni Jules Ledesma, parang hindi na masyado attractive kagaya ng date. Siguro dahil baka sa short haircut nya. Love you Alex.

    • Moimoi sorry ha? hindi ko talaga gets, bakit BJ ang initial, hindi naman ibinigay ni Ogie ang initial na yan, hindi ko talaga ma gets kong saan ka kumuha ng initial na BJ. Thanks

      • kc po..maria ang BJ..ay ang paborito ng mga bakla…as in BLOWing under the sun lol…sana na gets mon na!! lol

      • Hay naku AHAHAHAHA, oo nga ano? nakuha ko na, na blowing the wind ang trabaho , nakakatawa :) Diyos ko! nakakatawa talaga itong mga BI na ito. :)

  10. naku naku ..kya mo lang nmn nsulat yan ogie kc gsto mng mgng staff ng will production kc madatung si willi,pra kang si cristy fermin at mo

    • Si Mo very high praises kay Willie ngayon dahil nakakapit na pera at gusto ang kasikatan, who doesn’t di ba? pero itong si Mo at Cristy iisa lang ang kaluluwa. I hate Mo to the fullest!!!!

      • tama! marming writers ngyn ang sipsip …

        kung bblkn lang nyo dti ang mga ngng kslnn ni willie..marami ang mga writers ang mga naninira sa knya no

      • Tama ka pampam, and i think isa si Mo doon na nakaaway ba ni Willie? I might be wrong. Pero ngayon puring puri nya si Willie. I think yong mga writers na ganoon na walang panindigan sa kanilang credibility ay kailangang gawin yon dahil sa greed and para makapera kasi it is a tough competition in the industry. Kasi sa atin sa Pinas, very corrupt din kasi. Yong ibang mga big celebrities, they start it kasi na mamigay ng pera at mag gimmick gimmick na bibigay ng pera, malaking pera and sabihin, hoy reporter, ito ang pera mo, isulat mo naman ako. So ano pa bang magagawa ng reporter, sa kahirapan ngayon, yon na ang easy money for them maski ikinasira ng kanilang credibility, dahil sa hirap, gawin na lang, lalo nat may maraming mga anak.

  11. dream on! sabagay, libre lang naman ang mangarap.. at tama lang na nangarap na rin lang kaya dapat itodo to da hayest lebel na, pak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.