Kaya tinuluyan na ni Kris Aquino: James Yap, nakabuntis ng fan?!

TIKOM ANG BIBIG at ayaw magbigay-komento ni James Yap kaugnay sa balitang may naaakan siyang isang sosyalistang fan niya sa basketball. Tinangka naming kausapin ang baskeball star subalit iwas itong magbigay-pahayag.

Ayon sa aming source, kung paniniwalaan ang tsika, tatlong buwang buntis daw ang magandang dalaga na siyang dahilan kung bakit nagdesisyon si Kris na huwag nang makipagbalikan pa. “Actually, akala ng iba, si Kris ang may kasalanan, dahil kilala naman natin siyang prangka. Pero kung malalaman lang ninyo ang totoo, maawa ka sa kanya. Kumbaga, sumabog na lang ngayon si Kris dahil hindi na niya kaya ang mga ginagawa ni James,” pahayag ng aming source na nagsabi pa ring matigas pa rin si Kris na huwag nang makipagbalikan.

“Sawa na si Kris sa mga pangako ni James. Actually, nu’ng una, si Kris ang gumagawa ng paraan para huwag masira ang family niya pero later on, tinanggap na ni Kris na imposibleng mapagbago niya si James. Masyado siyang babaero,” sey pa ng aming kausap na para bang tiyak na tiyak sa kanyang mga binibitiwang pahayag.

Sa kabilang banda, sa paulit-ulit naming pagpunta sa laro ng PBA, marami na rin kaming nakausap na malapit kay James na nagsabing hindi totoong may naanakan itong magandang sosyalistang fan at sa katunayan, napaka-faithful nga raw ni James sa taklesang aktres.

Well… well… well…. Sino kaya ang nasasabi ng totoo sa isyu ng hiwalayang ito nina Kris at James?

WALA NANG BABALIKANG show si Willie Revillame sa Dos matapos na paghatian nina Kris Aquino at Robin Padilla ang time slot na iiwan diumano ng Wowowee.

Kung paniniwalaan ang tsika, plantsado na raw ang mga programang iho-host ni Kris (kasama si Ted Failon), at ang kay Robin na isang game show.

“Akala kasi ni Willie, siya na ang Panginoon at hindi siya bibitiwan ng Dos. Totoo, hindi nga siya binitiwan… hindi siya binitiwan nang hindi laos!” say pa ng aming kausap.

Marami ang nakapupuna na kahit wala si Willie sa Wowowee ay nanatiling mataas ang rating nito na ang ibig sabihin ay kayang magdala nina Pokwang at Mariel Rodriguez ng show. “Kahit sino naman ang mag-host ng Wowowee, tiyak na tatangkilikin ito ng mga tao dahil pera-pera lang ang laban diyan. Malaki sila kung magbigay ng premyo, kaya natural dudumugin at panonoorin sila, ‘no!” May katarayan pang sabi ng aming source.

MARIING ITINANGGI NI Aifha Medina na dalagang ina siya. Base kasi sa tsika, nanganak daw ang dalaga sa isang probinsiya nang ito ay mawala ng kung ilang buwan sa grupo ng Sex Bomb.

Ayon sa aming source, baby boy raw ang anak ni Aifha na ang ama ay si JC de Vera. “No, hindi totoo iyan. Kahit hindi ko na alaga si Aifha, alam kong hindi siya nanganak at wala pa siyang anak,” pahayag ni Joy Cancio, manager ng Sex Bomb at ng Focus Entertainment.

Ayon kay Joy, imposibleng nanganak si Aifa dahil noong mga panahong sinasabing nagbuntis ito ay nasa poder niya ang dalaga.

Sa kabilang banda, todo-kayod ngayon ang grupo ng bagong Sex Bomb at ni Joy mismo kasama ang mga host ng Danz Showdown na sina Izzy Tirazona. Ayon kay Joy, kahit nawala ang programa ng Sex Bomb na Daisy Siyete, hindi sila nawalan ng show at sa katunayan, nag-star lang noong Lunes ang Danz Showdown, humatak na agad ito sa ratings.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleGretchen Barretto, kayang-kayang makipagsabayan kay Bea Alonzo
Next articleAktres, babae ang ipinalit sa guwapong mister?!

No posts to display