Kaya raw panay ang tambay sa Internet cafe MIKE TAN, NANGHAHANTING NG BADING?!

PAMALIT LANG SANA si Hayden Kho kay Mo Twister dahil absent ang huli the other Sunday sa Paparazzi. Pero nitong nakaraang Linggo, kahit present na si Mo ay tinawagan ulit para maging guest co-host sa nasabing showbiz talk show ng TV5.

Maganda raw kasi ang feedback sa pakikipag-co-host ni Hayden kina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, at Dolly Anne Carvajal. Kering-keri naman nga niya na makipagsabayan sa pagbibitaw ng punchline at mga personal niyang opinyon sa mga showbiz issues.

Ang sabi, hanggang huling Linggo lang ng February magiging guest co-host si Hayden for Paparazzi. Pero ang nakapagtataka, may segment sila ni Mo na ‘Sabi Mo, Sabi Kho’ kung saan magsusukatan ang dalawa sa kaprangkahan at pagiging matapang sa pagbibigay ng kani-kanilang comment tungkol sa isyu sa mga artistang ipina-flash ang picture sa screen.

Tanong nga namin kay Hayden after ng live airing ng show, paano kung alukin siyang maging permanenteng co-host ng nasabing programa? Lalo pa at dinig namin ay may naka-set na meeting raw ang manager niyang si Joji Dingkong sa management ng Kapatid Network.

Hindi pa raw matantiya ni Hayden kung gugustuhin ba niyang maging isang showbiz talk show host. Kailangan din daw na pag-usapan nilang mabuti ng kanyang manager ang tungkol dito. Pero hindi naman niya itinatanggi, enjoy naman siya sa hosting experience niya sa Paparazzi.. ‘Yun nga lang, ang mahirap para sa kanya ay ‘yung pagbibigay ng komento o opinyon sa mga artistang may kinasasangkutang intriga o kontrobersiya. Kapag gano’n daw kasi, baka may celebrity na ma-offend sa personal na opinyon na nasabi mo. At ‘yon daw ang ayaw niyang mangyari.

Nagkaroon na nga ng isyu sa pagitan nila ni Sharon Cuneta. Although wala naman daw talaga siyang nasabing anuman tungkol sa Megastar, may mga nang-intriga na at iba ang naiparating sa aktres kaya nag-react ito against him.

Thankful si Hayden na tahimik na ang buhay niya ngayon, pagkatapos humupa ng kontrobersiyang inihatid ng sex video scandal nila ni Katrina Halili. Kumbaga, baka kapag sumabak daw siyang tuluyan sa pagiging showbiz talkshow host, maging magulo na naman at masalang ulit siya sa mga intriga.

Tungkol kay Katrina, parang nagka-phobia na si Hayden na mapag-usapan o marinig man lang ang pangalan nito. Pero maliit lang ang showbiz. One of these days, hindi maiiwasang magkita o magkaharap ulit sila. Ready ba siya kung saka-sakali?

“No comment po ako. Huwag na po natin siyang pag-usapan,” pakiusap ni Hayden.

Ganyan?

ALAM KAYA NI Mike Tan na nagkakaroon ng isyu ang sinasabing pagtambay niya sa isang internet café sa may Tomas Morato, Quezon City?

Ayon sa narinig naming usap-usapan, ang dahilan umano ng madalas na pagbababad ng aktor doon ay para makipag-chat sa mga mayayamang gays na willing makasama siya sa sandaling kaligayahan kapalit ng malaking halaga. Nasanay raw kasi sa maluhong lifestyle ang binata. Kaya umano’y dumidiskarte ito for easy money sa panahong madalang ang alok na trabaho sa kanya.

Hindi naman kami makapaniwalang totoo ang tsismis na ito kay Mike. Dahil sa pagkakaalam kasi namin, may kaya naman ang kanyang pamilya. Isa pa, kung kakalakalin niya ang kanyang katawan, ‘di sana ay ginawa na rin niyang pumatol sa mga maimpluwensiyang gays sa showbiz para sa ikaaangat ng career niya. Siguro’y pakana lang ito ng mga gustong manira sa kanya.

Sayang si Mike. Bukod sa kanyang looks, may talent naman sa acting. Pero ang problema, tila naging mailap ang suwerte sa kanya. Hindi siya nai-groom ng GMA-7 na maging isang male lead.

Di-hamak namang mas nakakaarte siya kesa sa Starstruck winner ding si Aljur Abrenica na sinugalan ng Siyete na magbida sa Machete, pero tila hindi nito kinaya at kinailangan pa ngayong idagdag sa cast nito ang dating ka-loveteam na si Kris Bernal para lang mapataas ang ratings ng show.

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Kaya raw panay ang tambay sa Internet cafe MIKE TAN, NANGHAHANTING NG BADING?!

  1. Kung magka movie si Hayden, The Greatest SeX Ever na lang ang pamagat. That would be the perfect title for him and kailangan may sequel na The Women I Played With ang title nito, di ba kering keri yan nya pag magbida siya at may posibilidad na makatanggap rin sya ng award dito, baka ma best aktor pa sya at ang theme song should be Careless Whisper, baka rin manalo ang theme song na ito na best musical score.

  2. Pingback: Tweets that mention Kaya raw panay ang tambay sa Internet cafe MIKE TAN, NANGHAHANTING NG BADING?! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

  3. NO ,,NO ,.NO,,,yan ang sagot ko kay hayde,,sira na sya at lalo pa syang malulubog sa kasiraan sa showbiz,,wag nyang accept ang showbiz host ,wala na nga syang credibilidad at mawawalan pa,,kase ang showbiz show,ay talking yan at batikusin,,,so,,NO,,HAYDEN kung gusto mo pang may respeto pang manatili sa sarili mo,,kada kibot,babatikusin ka din ng tao,,,kasiraan iyan,,wag na,,,tutal ayaw naman ng tao sayo,at baka lalong mawala na ang PAPARAZZI sa ere,,wahahaha

    ang showbiz po ay di para sa lahat at di lahat pweding sumikat,,mas madaming higit kay mike,,di nga sya nababanggit ng mga tao,,,kulang sa star apil,,o apil,,,na dapat alam ng mga stars na mag reinvent o kaya,,mag ipon o umiba ng linya sa showbiz pero hindi ang paghuhubad baka kase ikasira mo din ito,,wala din,,it can be in broadcasting\directing\producing\ETC,,basta associates padin sa showbiz,.ito namang mga ibang gays jan,,,kala mo naman may mga proof kung magsalita na nagpapabooking si ganyan si ganun,,hay nako,,,show me the proof muna,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.