Kaya raw nakipagbati sa sister
Cristine Reyes, pagod nang ma-nega!

PAGOD NA raw ma-nega ang isa sa controversial sexy actresses sa bansa na si Cristine Reyes, kaya naman daw nakipagbati na ito sa kanyang Ate Ara Mina. Simula kasi nang mag-away silang magkapatid, mas marami ang nakisimpatya kay Ara at ang huling sisi ay napunta kay Cristine.

Kaya naman super effort ito na magkabati sila ng kanyang nakakatandang ka-patid na hindi naging ganu’n kadali, dahil nasaktan nang sobra-sobra si Ara. Pero after ilang buwang  nagdedmahan ang magkapatid, muling nagkabati ang mga ito at kinalimutan na ang naging hidwaan.

Kaya naman sobrang saya ni Cristine dahil nagkaayus-ayos na silang magkakapatid at mas naging close nga raw sila nang magkabati silang magkakapatid. Pero ang pinakamasaya raw sa pagbati nina Ara at Cristine ay ang kanilang butihing ina na mas labis na nasaktan sa away ng kanyang mga anak.

 

AMONG MALE Lead Actors ng GMA-7, si Dingdong Dantes ang iniidolo ng isa sa lead actor at mahusay na young actor na si Kristoffer Martin. Bukod kasi sa dalawang beses na nakatrabaho na nito si Dingdong, una sa Endless Love, kung saan gumanap ito bilang young Dingdong, gumanap din siyang nakababatang kapatid nito sa katatapos lamang na primetime soap na Pahiram ng Sandali.

Nakikita raw at nararamdaman ni Kristoffer ang pagmamahal ni Dingdong sa kanyang craft bilang artista. Bukod pa sa gusto rin ni Kristoffer na maging award-winning actor katulad nito at maging isa sa most sought-after leading man sa bansa.

Kaya naman daw 100% good performance ang ibi-nibigay niya pagdating sa pag-arte para na rin pasasalamat sa tiwalang ibi-nigay sa kanya ng pamunuan ng GMA-7, para ma-ging isa sa leading man ni Kim Rodriguez sa launching afternoon soap nito na Kambal ni Elliana na mapapanood na today.

Bukod sa said soap, naghahanda rin si Kristoffer sa nalalapit niyang pagre-record ng sariling niyang album. Bukod kasi sa pag-arte ,mahusay rin ang batang actor na kumanta. Dahil bago ito naging artista ay pagkanta ang una nitong sabak sa showbiz via ABS-CBN singing contest.

 

AFTER MAPANOOD sa Pagari, kung saan hina-ngaan ang kanyang ga-ling sa pag-arte along with Arkin Del Rosario, muling mapapanood ang isa sa most sought-after na commercial model sa bansa na si Teejay Marquez sa GMA Films na The Basement.

Kung saan makakasama ni Teejay sa nasabing horror/suspense film sina Aljur Abrenica, Ellen Adarna, Mona Louise Rey, Kevin Santos, Chynna Ortaleza, Sara Lahbati, Enzo Pineda, Loiuse Delos Reyes, Sef Cadayona, atbp.

Bukod sa The Basement, mapapanood din si Teejay bi-

lang si Cholo, ang kapatid ni Bea Binene sa malapit nang mapanood na soap sa Kapuso Network, ang Home Sweet Home, kung saan makakasama nito sina Jake Vargas, Jillian Ward, Ken Chan, Buboy Villar, Raymart Santiago, Roxanne Guinoo, atbp.

 John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Kaya raw nakipagbati sa sister
Cristine Reyes, pagod nang ma-nega!

  1. Dapat maging masaya nalang tayo sa magkapatid ara mina and cristine dahil okey na sila, i believe cristine is sincere naman huwag nang nega and dont assume what you dont know coz you just know her name not her story!

Leave a Reply

Your email address will not be published.