Kaya raw magpapahinga sa showbiz at mag-aaral
Kris Aquino, naghahanda na sa pagsabak sa pulitika?!

NGAYON PA lang ay pinag-uusapan na ang pagpasok daw ni Kris Aquino sa pulitika.

‘Di ba magpapahinga daw muna siya sa showbiz, at mag-aaral daw muna siya?

Kung matutuloy nga ‘yan, may balak na nga at pinaghahandaan na niya ngayon ang 2016 elections.

Ang sabi pa raw baka vice-president daw ang tatakbuhan niya. Noon pa man ay pinag-uusapan na magkakaroon daw ng tandem na Chiz Escudero-Kris Aquino o baka Mar Roxas-Kris Aquino ba?

Medyo bumaba kasi ang lakas ngayon ni Chiz dahil sa isyu nito kay Heart Evangelista at sa magulang nito. Kaya baka mabago ang mga plano.

Hindi kaya si Kris na mismo ang tatakbong presidente? Bongga, ‘di ba? Narinig ko kasi noon na nagkomento raw si Kris na gusto raw nilang gumawa ng record sa history na tatlong Aquino ang magiging presidente. Siya kaya ang pangatlong presidenteng Aquino?

Naku, huh! Sa totoo lang, kung itutuloy nga ni Kris ang political plans niya at mahina ang makakalaban niya, puwedeng lumusot si Kris, huh!

Kaya baka nga pinaghahandaan na nila ngayon. Puwede, ‘di ba? Tingnan na lang natin!

 

TUMANGGI PA rin si Ara Mina na magpa-interview sa mga reporters tungkol sa pagbabati nila ni Cristine Reyes.

Sabi ng aktres, mas gusto raw muna nila nang tahimik na pag-aayos dahil babawi raw sila sa mahabang panahong nawala sa kanila nu’ng magkaaway pa sila ni Cristine.

Kaya mas mabuting manahimik daw muna sila.

Naramdaman naman daw ni Ara ang sincerity sa paghingi ni Cristine ng tawad kaya tinanggap niya ito.

Nagpapasalamat daw siya sa Diyos na nagkaayos na rin sila, at mabilis ang pagtanggap niya sa kapatid nu’ng sinadya siyang puntahan nu’ng nakaraang Biyernes Santos.

Siyempre Biyernes Santo ‘yun, medyo emote siguro nu’n si Cristine at open na rin siyang magpakumbaba kaya lumapit na ito sa ate niya.

Si Ara naman ay malambot siguro ang puso niya nu’n, kaya nagkaiyakan lang sila nang husto at nagkapatawaran.

Sabi nga ni Ara, bumaha raw ng luha nila nu’ng araw na ‘yun at nagkausap at nagkaayos na.

Siyempre ang pinakamasaya sa nangyari, ang Mommy nila.

Hindi raw niya alam ang nangyari. Nu’ng Linggo lang daw sila pumunta sa Mommy nila na magkasama at doon nila ipinaalam na okay na silang magkapatid. Wala raw nasabi ang Mommy nila kundi umiyak na lang nang umiyak.

Malamang na hindi na rin matuloy ang kasong isinampa ni Ara. Pero hindi pa naman daw nila ito napag-uusapan.

At least ang ending, nagkaayos na rin silang magkapatid, at doon nila napatunayang blood is thicker than water nga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

19 thoughts on “Kaya raw magpapahinga sa showbiz at mag-aaral
Kris Aquino, naghahanda na sa pagsabak sa pulitika?!

  1. si Pnoy naman masyadong halata, at nakikisawsaw sa eleksyon ngayon, laging nagpapasaring sa iba,, wala namang gingawa sa kanya… dapat nga maging fair sya kasi sya yong naka upo,, masyado nya ng ginagamit ang ang posisyoin nya sa eleksyon nya,,’PARA DAW SA TUWID NA DAAN?” KAPATID mo ngahindi mo matuwid? ano naman ang alam mo sa ibang kandidato na hindi nak line up sayo? hindi ba matuwid? yan si cayetano? puro bibig lang naman yan! wla sa gawa, maraming naka line-up sayo na wala ring nagawa sa senado, nagpapalaki lang bayag,, isa pa yan si trillanes,,,masyadong mayabang,,malaki naman ang gastos nya sa senado,,, kung saansaan lang napupunta ang budget nya… tsktsk,,

  2. mag reregister talaga ako para iboto c kris, punta ako ng phil. embassy,so what kung pangit ang lablife nya di namn yun ang basehan para maging mahusay kang kandidato.istret ka nga sa pamilya mo pero grabe namn ang gagawin mong pagnanakaw 

  3. ayusin muna n kris buhay niya bago cy sumabak s pulitka, pano magiging maganda ang performance ny kung buhay niya hindi maayos ayos pano niya aayusin ang prblma ng pilipinas. isa dapat maging huwaran cyang kandidato kaya ngayon p lang umayos n cy wag puro kadramahan at kaartihan nakikita s kanya ng publiko.

    • masyado naman bad ppopularity lang ang basihan pag nanalo si kriSTD,,sikat sya sa kadamotan,, KAKAINIS KA TALAGA,, kriSTD,, hindi ka makaktikim ng boto sa akin,, malamang scripted na yan na mananalo, kasi nasa administrasyon yong kuya nya…

  4. Pg nging presidente to comedy.ngyn p lang naiimagine ko n ang pinas.iboboto ko to hahaha.tutal kht sno nmn umupo gnun p rn eh…eh d try tyo ng ibang katauhan bka skaling iangat ni tetay ang pinas

  5. Why not?? If diz is true.. I go for her! Maraming natutulungan si kris and im sure honest politician sya to be.. Liability lang nya naman lovelyf nya and matalino naman sya so why not db? SA MGA HATERS JAN NA WALANG MAGAWA KAYA INGGIT KAY KRIS.. MAY MGA NATULUNGAN NA BA KAU KASI KUNG MAKAPAGCRITICIZE KAU FEELING NYO BANAL KAU AT PERFECT!! HELLO….! WALANG PERFECT NA TAO SA MUNDO AND TAO DIN SI KRIS BUT SI KRIS TUMUTULONG SA MGA KAPWA EH KAUNG MGA HATERS NA FOR XURE WALA PA SA 1,000 PURO LANG KAU DAK DAK!!

    • HAHAHA. NATAWA NAMAN AKO SA COMMENT MO. NAALALA KO TULOY BIGLA SI LANIE MERCADO. SABI NG PRESS, DI PA RAW UMIINIT ANG UPUAN NIYA SA KONGRESO, INIISIP NA AGAD ANG PAGTAKBO SA SENADO. HAHAHA. PERO NATAUHAN YATA ANG HITAD KAYA STICK MUNA SYA SA UPUAN NYA.

  6. CAN YOU IMAGINE TETAY MAKING A PRIVILEGE SPEECH SA CONGRESS OR SENADO? GUMAWA NG BATAS? OR LUMUSONG SA BAHA AT SUMUGOD SA MGA EVACUATION CENTERS WITHOUT CAMERAS AND WITHOUT MAKEUP? HAHAHAHA. KALOWKAH ITONG SI TETAY!

    • keri naman nyang lahat un e kyalang wgnalang sana…ewan ko matalino za kyalang 2much scandal sa buhay nya…

      • sus me mga tanga lang bobot niyan anong record niyan ggawin sa senado magdaldal  gawing showbiz ekek yang buhay niya sa politika! maryosep !   ayusin niya ang buhay muna niya     at kung kaya niya hind  nahhilig sa lalake!   ggawin niyan kung di ikuwento ng ikuwento mga ngyayri sa kanya  sus me!  ang pilipino  talga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.