Kaya raw hiniwalayan
Shaina Magdayao, pinsan ni John Lloyd Cruz ang pinagselosan?!

NAKINIG KAMI last week sa isang radio program kung saan may dalawang sikat na brodkaster ang mayroong interaction right before each other’s program ends and the other starts. Parang mayroong ‘crossover’ discussion ang dalawa at blind item pala ang kanilang tinatalakay sa programa.

Una, idinetalye ng pabitin ng sikat na radio and TV host ang laman ng kanyang blind item. Aniya, “Isang mag-jowa ang tinatalakay natin dito. Ang kuwento ay nagsisimula bago ang araw ng kanilang nakatakdang pagbabakasyon sa Amanpulo, isang exclusive island na mahal ang bayad kapag nagbabakasyon ka rito. For the rich and famous lang ang lugar. May party na magaganap sa bahay ng lalaki at siyempre maraming imbitado. Kasama siyempre si babae sa nandu’n at nagkasayahan, inuman, at sayawan.”

Dugtong pa ni brodkaster, “Sa kalagitnaan ng party, may kasayaw itong si lalaki na pinagseselosan daw talaga nang todo nitong si babae. Pagkatapos daw ng party ay galit daw itong si babae at inaway nang todo si lalaki.”

“Ang nakakaloka lang daw, pagkatapos magtatalak ni babae ay isang pasabog na sagot ang sinabi ni lalaki na ikinagulantang ni babae. Ang pinagseselosan niya, ay pinsang buo ni lalaki.”

“So windang si girl. Uwian na. Kinabukasan, si babae na ang sumundo kay lalaki para pumunta na sa airport para sa kanilang Amanpulo getaway. Kaso, hindi siya pinagbuksan ni lalaki at tulog daw ito maghapon. Dito na raw nagdesisyon si lalaki na hiwalayan si babae.”

Ang clue na ibinigay nilang dalawa ay idinaan nila sa kanta. Ang clue sa girl ay mga kantang may Sunshine ang lyrics. Say pa nilang dalawa, “Sunshi-na. Sunshina.” Ang clue naman para sa lalaki ay mga kanta ni John Lennon. Say ulit nila, “John Lennon-Cruz. John Lennon-Cruz.”

No doubt, ang tinutukoy nila ay sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz. How sad…

NOONG LUNES, sa presscon ng Yes! Magazine 100 Most Beautiful Stars na ginanap sa Richmonde Hotel Eastwood, dumagsa ang mga artistang napapabilang sa listahan ng nasabing magazine bilang pinakamagaganda. Mula sa Kapatid Network ay dumating sina Ritz Azul, Edgar Allan Guzman, Martin Escudero at Alice Dixson.

Mula naman sa Kapuso Network, dumating sina Lovi Poe, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Rocco Nacino, Kris Bernal, Derrick Monasterio, Rochelle Pa-

ngilinan, Gabby Eigen-mann, at maraming iba pang hindi na namin nakilala.

Mula naman sa Kapamilya Network ay dumating sina Dimples Romana, Jake Cuenca, at ang covergirl at most beautiful for 2012 na si Anne Curtis. Sa tanong kung ano pa ang kulang sa kanyang buhay at karera, sagot ni Anne, “Ang magkaroon ng dance concert. ‘Yun na lang.”

But marriage daw is far from her plans right now kahit na very much in love siya ngayon sa boyfriend niyang si Erwan Heussaff.

NAKAKUWENTUHAN NAMIN sina Divine Lee at Victor Basa last week, kung saan ilang piling members of the showbiz press ang inimbitahan ni Nanay Cristy Fermin para sa intimate dinner with them sa Chicken Inato, Tomas Morato. Kabilang ang inyong lingkod sa mga dumalo at dito ay masayang nagpahayag sina Divine at Victor na nagli-live in na nga sila.

Nauna na naming naisulat dito sa aming kolum noon na nagli-live in na nga sila pero hindi masyadong kinumpirma ng dalawa ang tungkol dito. Pero nitong Miyerkules, masaya na nilang inamin ito sa harap ng media. ‘Yes, we are living in now, pero ang masaya sa amin, kasi hati talaga kami sa mga bills sa house. Halimbawa, si Victor ang magbabayad ng kuryente, ako naman sa tubig. May mga kanya-kanya kaming toka, at pinag-usapan talaga namin yun,’ pahayag ni Divine sa amin.

Sa usapin naman ng kasalan, ini-enjoy raw muna nila ang kanilang pagsasama at darating din naman daw sa kasalan ang kanilang relasyon kapag pareho na silang handa.

Sa usapin naman ng pagiging babaeng-bakla ni Divine, masaya niyang sinagot na, “Okay lang ‘yun, huwag lang akong matanong na babae ka ba talaga?”

Mapapanood si Divine sa Juicy ng TV5 at sa nalalapit ng Season 2 ng Extreme Makeover Home Edition Philippines.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleDolphy, gustong nang umuwi sa bahay!
Next articleBigay raw kasi ng dating makapangyarihang pulitiko
Mansion ni Rufa Mae Quinto sa Amerika, pinaiimbestigahan?!

No posts to display