Kaya raw hindi nabibibigyan ng teleserye
Rosanna Roces, umaasta pa ring sikat?!

TALAGANG HINDI napag-ingatan ni Rosanna Roces kung anuman ang pagbabago at naging magandang kapalaran niya sa showbiz nu’ng panahong sumikat siyang talaga. Napakataas ng pride ni Osang, at ayaw niyang pinakikialaman siya. Pero kung kaya mo siyang pagsalitaan, masasabi mo talaga sa kanya na mayroon talagang naging malaking pagkakamali sa pagdadala niya ng kanyang kasikatan, ganu’n din sa kanyang naging pakikisama sa mga nakasalamuha niya nu’ng nagsisimula siyang mag-artista hanggang sa sumikat siya.

Nasaksihan ko si Rosanna nu’ng nagsisimula na siyang sumikat. Naranasan ko rin na pagpakitaan ni Osang ng kanyang kabaitan. Kaya may mga panahong mahal at naiintindihan ko si Osang kapag dinidikdik siya ng mga intriga. Kung papaanong mayroon ding mga panahong hindi ako naaaliw sa kanya, dahil parang nagiging kakaiba siya.

Maraming kinabahan sa mga dating nakasama ni Rosanna sa Seiko Films noon, dahil parang yumayabang siya at lalong nagiging mataray nu’ng nararamdaman na niyang sikat na sikat na siya. Kaya baka raw hindi magtagal ay malaos din siya.

Marunong magtiis si Rosanna ng kahirapan, pero hindi niya ikahihiyang malaman ng mga tao na nagigipit na rin siya.  Kasi nga, nakapag-ipon naman talaga siya ng pera nu’ng kanyang kasikatan. Kaya lang, nauubos din iyon, dahil kokonti na nga ang kanyang kinikita. Magaling siyang aktres, pero pinagtataasan ng kilay kung dapat ba siyang isama lagi sa mga teleserye, dahil umaasta pa raw kasi si Osang hanggang ngayon, na para bang sikat na sikat pa rin siya.

 

POSITIBO ANG dating para kay Martin Nievera ng mga nangyayari ngayon, na walang katapusan siyang ipinagmamalaki ng mga nanalo at talunang sumali sa X-Factor Philippines ng ABS-CBN na kanyang mga tinutulungan noon, na ang ibang taga-malayong probinsiya ay sa kanyang mala-king bahay na lang muna pinatira hanggang ngayon.

Nagkukuwento talaga ang kanyang mga tinulungan, dahil kahit sila ay hindi makapaniwala na ang isang sikat na katulad ni Martin ay may ganu’ng ginintuang puso.

Nagkaroon kasi ng hindi magandang imahe tungkol kay Martin, ganu’n na rin sa kanyang ex-wife na si Pops Fernandez, na diumano’y ang isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang pareho nilang ugali ng kakuriputan. Mayroong pagtatanggol, na hindi raw kuripot si Martin, kundi masinop lang ta-laga sa pera. Umasta lang na parang mayabang si Martin, dahil ganu’n lang siya. Pero marami pa rin talaga ang hindi nakaka-kilala sa kanya, para pag-isipan siya nang mali.

Naglalabasan na rin lang ang mga patotoo tungkol sa kabaitan ni Martin, magdadagdag na rin ako ng kuwento. Noong year 2002 na kasalukuyan pa akong nagpapagamot ng karamdamang kanser sa Philippine General Hospital, nagpasaya si Martin ng napakaraming pas-yenteng may kanser, dahil isang gabi ay nag-concert siya nang libre. Ang dami niyang kinanta, dahil nakikita niyang naaaliw ang mga nanonood na pasyente. Libre iyon, walang promo, kaya hindi alam sa showbiz na ang lihim na kabutihan ni Martin ay nakapagpapasaya talaga ng mga simpleng tao.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Kaya raw hindi nabibibigyan ng teleserye
Rosanna Roces, umaasta pa ring sikat?!

  1. Rosanna miss na miss na kita. sana tanggapin mo na sa sarili mo na hindi ka na ganun kasikat. para kahit paano ay mabigyan ka uli ng project sa T.V. .Nang sa ganu’n ay makita ko uli ang mukha mo. Alam ko mabuti kang tao hindi ka 100% na salbahe, siguro mga 2.5% lang ang hindi ka masyadong mabait. good luck sa iyo. I love you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.