Kaya primadonna at VIP treatment: Krista Ranillo, may bombang pasasabugin?! – Ruben Marasigan

Bongga talaga ang kabibiling bagong coaster ni Kris Aquino na ang loob ay mataray na ipina-costumized pa nito with matching CR, lababo, lutuan, dresser, at kung anu-ano pa. Biniro tuloy ang ka-tandem nito sa hosting at kaibigang si Boy Abunda kung hindi raw naiisipan ng binansagang King Of Talk ng bansa na magkaroon din ng gano’n.

“Hindi na,” maagap na tugon ni Kuya Boy last time na pinasyalan namin sa SNN. “Masaya na ako sa tricycle. Although afford ko ring bumili ng gano’n, kuntento na ako sa mga sasakyan ko kahit luma na. Hindi kasi ako mahilig magpalit-palit ng sasakyan. Sa akin hangga’t gumagana, okey pa. Maingat naman kasi ako sa oto.”

Kung-sabagay, bukod sa Starex van, meron din siyang dalawang Ford Expedition na isang black at isang white. May Chevrolet pa. Kuntento na raw siya for that four cars he owns right now.

“Sa bahay ako maluho. Aside from my own, I built my nanay her own house. Tapos I have a rest house. I also have a beach house. Kanya-kanyang hilig ‘yan, eh. Nagkataon lang na hindi sa sasakyan kundi sa bahay ang hilig ko.

“Dahil wala naman kaming bahay no’ng ako’y bata pa. So, ngayon ko ini-enjoy ang pagkahilig ko sa bahay. Na okey lang gumastos ako nang husto basta para sa magandang bahay,” nangiting sabi pa niya.

MISMONG SA MGA taong nasa paligid nina Manny at Jinkee Pacquiao minsan nanggagaling ang kung anu-anong kuwento tungkol sa maintrigang usapin hinggil sa pagkaka-link ng world boxing champ kay Krista Ranillo. Kaya tuloy lalong umiinit pa ang kontrobersiya about it, dahil may mga karagdagang tsismis ngang lumalabas na ang source ay mismong mga taong close sa kanila.

Kung close nga lang kami kina Manny at Jinkee, gustung-gusto naming itanong kung ano ang reaksiyong puwede nilang masabi hinggil sa mga kuwentong naririnig namin buhat mismo sa mga taong kasa-kasama nila.

Gaya na lang halimbawa no’ng bago ang mismong araw ng laban nina Pacman at Cotto sa Amerika, diumano’y may isang gabing nagkaroon daw ng mainitang pagtatalo sina Jinkee at Manny tungkol kay Krista na naroon din nga. Pinamili raw ni Jinkee si Manny kung kanino ito magpapalipas ng gabi. Sa kanya o sa lugar na kinaroroonan ni Krista.

Sa kinaroroonan daw ni Krista ang pinili ni Manny. Na hindi nga raw inakala ni Jinkee na isasagot ni Manny, kaya gano’n na lang daw ang sama ng loob nito.

Itinanggi na rin ni Jinkee ang isyung nagbigay siya ng ilang milyon diumano kay Krista para dumistansiya ito kay Manny.  Pero may kuwento pa rin kaming naririnig na sa isang kilalang bangko, nag-open daw ng account itong si Krista at ang nakapirma raw sa tsekeng pang-deposit ng aktres ay si Jinkee.

May tsismis ding takot ang kampo ni Manny kay Krista dahil kapag nagsalita umano ito, tiyak na may malaking bomba raw na pasasabugin ang aktres. Kaya gano’n na lang daw ito magpa-primmadona ngayon na talagang pa-VIP lagi ang gustong treatment.

Malayo pa ang tatakbuhin ng isyung Jinkee-Manny-Krista. May mga pahayag man ng pagdi-deny tungkol sa mga usaping kinasasangkutan nila, hindi nito mapigilan ang pagsulpot nga ng kung anu-anong kuwentong kumukontra sa kanilang mga sinasabi.

Ano nga ba talaga ang totoo kasi?

NATATAWA KAMI SA kuwentong narinig namin tungkol sa isang male TV personality na ngayon ay isa nang public official. Noon palang panahon ng kasagsagan daw ng pananalasa ni Ondoy at lumulubog na sa baha ang lugar na kanyang nasasakupan, hysterical daw ito na nagtatatawag at text nang text sa mga kasamahan sa dating propesyon niya.

Ang lalaking-lalaki na imahe raw nito bilang TV personality at pulitiko, biglang-bigla nabura dahil sa sobrang pagpa-panic sa nangyayari. Nagpipilantikan daw ang mga daliri nito at halos magtitili na raw dahil sa tensiyon kung ano ang gagawing aksiyon sa hindi inaasahang hagupit ng matinding kalamidad.

Sabi pa nga umano nito sa mga female colleagues na tinatawagan at tini-text niya, “Mga ate, ano na kaya ang mangyayari? Nalulunod na kami rito. This maybe my last call! Naloloka na ako!”

Mas naloka raw ang mga dating katrabaho ng TV personality-turned-politician na ito. All the while, akala nila ay lalaking-lalaki ito. Pero hindi pala.

Dahil kapag natitensiyon at nagpapanic, nagiging girl na girl ang astig na dating nito. Ha-ha-ha! ‘Yon na!  

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

15 thoughts on “Kaya primadonna at VIP treatment: Krista Ranillo, may bombang pasasabugin?! – Ruben Marasigan

  1. muka naman talagang hostess yan eh. kelan pa nging mukang susyal yan. hahah. ang cheap talaga ng mga may title na kabit.

  2. naku. pusatahan pasasabugin ni krista. baka buntis sya. bahahah. oh di kaya, me sakit sya, nahawaan si manny pati si jinkee. bahahah. kalokah ka pakbet ka talaga. pambansa. galit ang mga tao saa mga katulad mo. mang aagaw.

  3. nabayaran na si krista para wag ng mag comment… tatakbo yata si manny sa election..kaya manny todo hawak kayjinkeee baka talo nanaman sa election na to

  4. nakakasuka na ang issue na ito!

    ang mga writers naman dito pinagkakakitaan pa ang mga magulo pa sa bulbol na mga artistang yan!

    leche kayong lahat!

  5. ano naman kaya ang bombang pasasabugin ni krista? ibo broadcast niya ang kalandian niya? at pagiging home wrecker? kapal mo krista! nakuha mo pang manakot!

    • Bobo naman ang isang ito.
      May nasabi ba sa article na nananakot si Krista?
      Shunga-shunga ka naman, Baby.
      Dapat ang name mo baboy!

  6. Tama . Makasuhan ka sana. Tingnan mo si Vina MOrales, sa wala din napunta. Bumalik si Cedric sa asawa kasi nagbanta ng concubinage ang babae. Eh me ebidensiya na siyang hawak. Me anak si Vina kaya me panlaban na ang babae. Ganyan din ang gagawin ni Jinkee sa Pacbet na iyan. Sobrang yabang..walang ganda naman. Mukhang tsimay at don lang bagay ang role niya.

    • bakit ba galit na galit kayo kay Krista bago yan marami namang mga ommoral sa showbiz na ipinanganaglandakan ang pakikipag apid at kabit wag na kayung lumayo yang grupo ni Kriss na pinangunahan nya mabuti na lang pinakasalan ni James, si Zha zha sino ba sya ilang taon ng kabit pa rin , si Gretchen, si Vina nakupoooo kulang ang spasyo para sa kanila. Ingit lang ang karamihan dahil hindi sila si Krista kung hindi man maganda sa tingin nyo siguro naman ay super galing sa kama na yan ang mas impostante sa isang barako na maganda ka nga na tulad ni ara kung bano naman ang performance.

      Kaya tigilan nyo na si Krista mamatay na lang kayo sa Inggit.

      • hindi naman porke’t maraming gumagawa ay nagiging tama ito. huwag nating tanggapin ito kasi kung hindi ito ang magiging standard natin sa buhay at ito ang magiging normal para sa atin at sa magiging anak natin.
        wala namang dapat kainggitan sa masamang gawain. pero mali din naman na husgahan natin iyang Krista na iyan kasi sa tingin ko promo lang ito sa movie nila. pero may isa pa akong theory dito, sa tingin ko, some camps are out to get Jinkee and Manny separated. kaya si Jinkee at maging tayo huwag maniniwala agad sa balita.

  7. wag naman sanang buntis ang pakbet.. kawawa nman c jinkee at mga anak. kung sakaling buntis sana ibigay ni manny ang lahat nyang pera sa anak nia khit k jinkee wala na at tignan nten kung papatulan pa x ng pakbet.. cge pabuntis xa.. ipagmalaki nia.. at ng makasuhan xa.

    • nakikisakay lang naman si Jinkee sa issue kungguso nyang tigilan sya, sya ang unang tumigil na katulad ni Lanie napakagandang halimbawa ng ang asawa ay mahilg sa babae.

      si jinkee kasi sabik sa publisidad gusto ring sumikat sa showbiz di na nahiya nasa kanya na nga lahat gusto pang makiagaw ng kinang sa mga starlet.

      Payo ko kay Jinkee gayahin mo si Lani Mercado mag paka edukada ka otherwise maledukada ka. dahil kahihiyan na rin ng iyong pamilya iyan. Yung mga nakikisimpatya sayo pera lang ang habol sa yo wag kang pauuto.

      • ang sama mo naman pag-sabihan mo pa ang tunay na asawa karapatan niya lang ang pinag-lalaban niya at yan dapat ang ginagawa ng mga misis sa mga babaeng kabet!!!

        Si krista mukhang pera at yun lang ang gusto niya kay manny!!! lumabalabas pa sila in public grabe talaga kapal naman ng mukha!!!! kahit sinong misis in reality ganyan na ganyan kay jinky ang gagawin fight for your family especially for the love of your kids!!!! team jinkeee!!!!! fight fight fight go go go!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.