Kaya pala loaded ng commercial ang show Nora Aunor, ‘di na raw mabenta?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na! To the maximum authority of chikka ng your truly at siyempre heto na naman ako, paulit-ulit ko na namang ipagtatanggol ang Superstar na si Ate Guy na bakit kaya ayaw pa ring tantanan ng paninira.

Una ay sinasabi nila na hindi kumikita ang teleserye at hindi nagre-rate. Paulit-ulit kong sinasabi, pa’nong hindi kikita eh, ang daming commercials. Kung iisipin mo at manonood ka, sila ang pinakamaraming commercial, ‘di ba?

At heto pa ang pinipilt nilang ipaglaban ngayon na pati ‘yung magazine na mismong si Ate Guy ang cover, hindi rin bumenta. Kaya pala nabalitaan ko ay sold out na sa mga store at ang nakakaloka ay bakit hindi n’yo pa rin tinitigilan ang superstar na pinipiliit n’yong sirain?

Ang isa pang masasabi ko, kahit ano pang paninira ang gawin n’yo kay Nora, hindi n’yo na masisira ‘yan at talagang marami nang napatunayan ‘yan. Kaya itaga n’yo man sa bato, buong dugo ko ang pagtatanggol kay Nora dahil talaga namang totoong tao ‘yan.

 

AT HETO NAMAN ang bonggang chikka na talagang nakakaloka na lumalabas sa madlang people na kaya lang naman pinapatulan itong si Manny Pacquiao ng mga babaeng nai-link sa kanya, ang dahilan ay pera lang ‘yan. Kung wala kayang pera si Manny, papatulan kaya ng mga nai-link sa kanya? Nakakaloka ‘yan, ‘te!

At heto naman ang sigaw ni Jinkee Pacquiao na sumagot na sa mga isyu na hindi raw siya susuko sa mga babae ni Manny. Pahihirapan daw niya para forever kabit daw!

At take note, ang nakakaloka sa dalawang mag-asawa, silang dalawa ang nagsisiraan. Take note din, sumasagot pa talaga si Jinkee sa mga isyu’t intriga. Kung ako sa kanya, hindi ako sasa-got. Sa bagay, showbiz na rin pala siya!

 

BLIND ITEM: SINO kaya ‘tong dalawang mahade-rang mag-inang ito na talaga namang pumunta sa party at talagang bongga ang order. At take note, nagkaroon ng problema ang mag ina na nag-isyu ng tseke na pambayad, at ‘yung tseke, tumalbog! Nakakawindang… nakakaloka, ‘di ba?! Naku, mahaderang mag-ina talaga ‘yan!!! Hahahaha!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

15 thoughts on “Kaya pala loaded ng commercial ang show Nora Aunor, ‘di na raw mabenta?!

  1. sa dami ng commercials ng sa ngalan ng ina extended po ang mini serye.. mabuhay ka ate guy we love you.sana ishowing na ang el presidente.. bibili ako ng PREVIEW MAGAZINE ang ganda mo talaga..

  2. E search nyo sa google ang link na ito at doon nyo makita ang picture ng Kat Ordonez na naging controversial dahil inilink ito kay mamamakyaw ng maganda. Ito, e google search nyo lang KAT ORDONEZ M. PACMAN BABY ESPIYA. Doon ko ito nakuha sa isang poster sa pep.com. Kinis pala nitong si Kat at bata pa, parang presko tingnan kung ikumpara sa gurang na. No amount of money can stop a man from doing whatever he wants and whatever it is he is addicted to. Sana hindi ito maubusan ng pera dahil yong mga chicks na pumatol ay klaro talaga na pera lang ang habol, sino po ba naman ang gustong makipaglaplapan sa mukhang yon kung wala itong pera.

  3. MASYADO KASING INUUTO SI JINKEE NG MGA NAKAPALIGID SA KANYA NA NAPAKAGANDA NA NIYA NGAYON.NAKU JINKEE AT GRETA HUWAG KAYONG MAGPAPANIWALA NAKAKASINDAK SINDAK ANG SOBRANG RETOKE NINYO.MAS MAGAGANDA KAYO NOON.OKAY LANG RETOKE HUWAG LANG SOBRA>PINAG UUSAPAN KAYO AT PINAGTATAWANAN PAG NAKATALIKOD KAYO.LALO NA NG MGA BAKLA.SI TITA SWARDING LANG ANG MAY LAKAS NG LOOB NA MAGSABI NG 220

  4. IGALANG NAMAN SANA NI CRISTY ANG PAGIGING MAGALING NA AKTRES NI NORA.KAHIT HINDI KA FAN NI NORA HINDI MO MAIKAKAILA NA MAGALING TALAGA ANG SUPERSTAR SA LARANGAN NG AKTING.SA DAMI NG FANS NI NORA BAKA LAHAT NG NEGATIVE NA DAMDAMIN SA IYO  KRISTY MAGSAMA-SAMA AT BIGLANG HATAKIN KA PABABA.PATI MGA MAHAL MO MADAMAY.MASAMA IYAN.MADAMI KANG BLESSINGS SA BUHAY HUWAG KANG MAG TAKE A CHANCE. NA PASUKIN NG NEGATIBO.

  5. Tita Swarding thanks a million sa patuloy na pag tatanggol sa ating mahal na Superstar naway karmahin ang sinungaling na cristy pata na yan…love u tita swarding

  6. wala ng yes magazine at starstudio magazine dito sa saudi! Wala kaming mabili. advance order daw ginawa ng mga fans dito kaya antay pa kami pagdating ng magazine!

  7. Baka hindi sanay maimbita si Angelica at ang mommy niya. Kasi, we all know that the menu is selected in advance. Kaya nga kailangan dapat ang RSVP dahil per head ang bayad at ang limit ay ang selected menu. Maliban na lang kung buffet, per head pa rin ang bayad pero ang selection sa buffet ay depende sa binayaran ng host. Itong mag inang ito, if they purposely went out of the selected dishes, then they are obligated to pay for the damage. Miss Manners 101 and dapat nilang kunin. They need to attend a few classes in social graces para naman hindi obvious ang pagka tanga nila.

  8. @mukistar, agree ako sa yo, nakakasuka talaga ang mag-inang yon. Plastikada to the max. Napaka CHEAP ang dating ng dalawang yon.

  9. BAKA MAGULAT NA LANG TAYO NA ISANG ARAW AY WALA NA SI CURSETY SA TV5, ALANGAN NAMAN NA PILIIN YAN NG 5 EH MUKHA SIYANG OTSO………..HAHAHAHAHA

  10. Im not fan of Nora or Vilma but ang yabang naman magsalita ni Cristy Fermin against Nora sa PEP,kundi pa siya sipsip mukha pera sana Makarma ka Cristy ng bonggang bongga.I used to watch Juicy and paparazzi but nakaka erita ang kayabangan ni Cristy,Sana si dolly ann carvajal na lang bigyan ng break ng TV5,Nanay pwe Cristy pa ang tawag sa yo,sana devil cristy ang itawag sa iyo.ingat ka Willie pag lubog ka na iiwan ka ni Cristy Fermin pera mo lang ang gusto nya kaya todo vacuum cya sa iyo

  11. Yang Lucifermin na yan mukhang pera yan,,, kung cno cno n ang sinisiraan nyan ,,, naaksidente na yan dati kaya nga bibigyan ng pangalawang buhay patuloy pa rin cyang gumagawa ng sarili nyang ilusyon sa buhay,, KAPAL MUKS talaga yan!!!!

  12. @Jinkee & Manny!! Ay Tita Swarding ano ba naman ekspekin natin kay Jinkee alam naman na lahat na walang pinag-aralan iyan kaya makitid pa rin ang utak. Hoy Jinkee, hinay-hinay ka lang at hwag kang masyadong mayabang dahil nagmula ka rin sa isang kahig isang tuka. Tse, retokada!!!! @ATe Guy….we love you, insecure lang ang mga naninira sa iyo like Cristy Fermina….dead ma mo lang siya…Hayaan mong matuyuan siya ng dugo sa kagagawa ng mga walang kwentang blind items niya

Leave a Reply

Your email address will not be published.