KAYA OK NA PUMASOK SA BORACAY: Alice Dixson, kinasal na sa isang residente!

Alice Dixson

HABANG naging viral ang posting ng aktres na si Alice Dixson sa social media noong nakaraang birthday niya sa Boracay gayong off-limits muna ang island paradise sa mga turista ay may dahilan naman pala kung bakit doon nag-celebrate ito na libreng-libre na hindi nagtatago or pumupuslit na sa ngayon ay bawal pa rin ang pagpasok ng  non-Boracay residents sa isla habang nire-rehabilitate ito.

Kay naman pala pwedeng-pwede si Alice na magtambisaw sa dagat ng Boracay dahil residente siya ng isla. Kumpleto sa mga papeles (barangay certificate, etc) na nagpapatunay na residente talaga siya ng isla.

Ang mister ng aktres (yes, nagasawa pala si Alice ulit), ay isa sa mga nagma-may-ari ng isang sosyaling resort sa Boracay na reason kung bakit may access siya habang hindi pa ino-open ang tourist destination sa mga bisita at naga-undergo pa rin ng rehabilitation.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang muling pagaasawa ng aktres after nila maghiwalay ng dating GMA-Kapuso Network Executive na napangasawa niya at sa Canada na sila nag- migrate. Sa pagbabalik ng aktres sa Pilipinas at muli naging aktibo sa showbiz after nila mag-split ng asawa ay hindi batid ng madla at ng mga miron na nagasawa na pala muli si Alice.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.