Kaya nawalan ng mamahaling bag
Julie Anne San Jose, burara sa gamit?!

BONGGA ANG pagsisimula ng Wowowillie ni Willie Revillame nu’ng kamakalawa lang.

Nakakaloka na talagang lumikha ng traffic sa Quezon Avenue sa dami ng mga taong gustong makapasok. Hindi lahat napagbigyan siyempre.

Ang nakakaloka pa, mag-aalas-singko na yata sila natapos kaya ang daming programang katapat na sinagasaan nito. Pero base sa live ratings na nakikita namin, hindi naman nito natalo ang Eat Bulaga. Pero sumadsad talaga ang Showtime.

Masayang-masaya si Willie dahil magandang selebrasyon nga ito sa kanyang kaarawan.

Ang isa sa pinag-usapan pa roon ay ang guesting ng anak niya kay Liz Almoro na nag-drums. Siyempre, nagmana kay Willie na magaling ngang mag-drums.

Ang guwapo ng anak niya, ha! Maganda pala ang kumbinasyon nila ni Liz.

Anyway, congratulations kay Willie sa success ng programa niya. Pero nakakaloka naman dahil mukhang walang limit ang oras. Huwag naman sanang super-overtime sila, ‘no!

 

DOON PALA sa Wowowillie nakita ang babaeng nagnakaw daw ng bag ni Julie Anne San Jose na naiwan niya sa dressing room ng Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo.

Nalaman ko lang ‘to sa launching ng Black Beauty na bagong ini-endorse ni Julie Anne.

Kuwento ng Mommy niya, hindi raw nila naaabutan ang babaeng ‘yun sa set ng Wowowillie dahil wala namang may nagreklamo. Na-late lang ng dating ang Mommy ni Julie anne, pinakawalan na ang babaeng ‘yun.

Nakita kasi doon ng ibang dancers na nakaalam na itong babae ang nagnakaw ng bag ng young singer/actress.

Nakita raw sa CCTV at na-identify siya. Eh, may nakakita sa kanya du’n sa rehearsal ng Wowowillie, kaya ipina-hold ito sa guard. Kinunan pa nga nila ng litrato at hawak pa raw nito ang wallet ni Julie anne na nanakaw. Pero hindi rin nagtagal pinakawalan dahil walang may nagreklamo.

Mahigit 100 thousand pesos daw ang nawala sa bag na ‘yun.

Naloka naman ako, bag ‘yun na mahal at maraming mamahaling gamit sa loob, bakit naman basta iniiwan sa dressing room? Siyempre, hindi mo na kilala ang mga pumapasok du’n kaya dapat nag-iingat talaga.

Ano ang silbi ng mga alalay kung hindi nila hawakan at bantayan ang mga gamit ng artista nila?

Maingat na sila ngayon sa studio ng Party Pilipinas at hindi na sila basta-basta nagpapasok.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Kaya nawalan ng mamahaling bag
Julie Anne San Jose, burara sa gamit?!

  1. paepal lng yan c haba baba tsaka laki bunganga,kht nga ngpeprform s PP paepal dn,ng’iingay lng kac hnd npapansin

  2. di naman maganda ang wowowillie….mas natuwa pa ako sa eat bulaga at showtime…tumaas lng ang rating s kac bago…malalaman din yan after ilang months kung hanggang saan cla….

Leave a Reply

Your email address will not be published.