Kaya nawala sa sirkulasyon: award-winning actor, nakabuntis ng young star sa kabilang TV network!

ALAM NA NAMIN ang reason kung bakit nawalang bigla sa sirkulasyon ang award-winning young actor na isa nang certified daddy ng isang baby girl sa isang young star mula sa isang big TV network. Ito rin daw pala ang reason kung bakit biglang naging malalamlam ang karir ng young actress dahil na rin sa buntis pala ito mula sa nasabing magaling na young actor.

At kahit nga lumalalabas-labas naman paminsan-minsan ang young actor sa ilang shows sa telebisyon, ‘di na katulad ng dati na sunud-sunod ang shows nito. Kung titingnan mo raw ang young actor, hindi mo aakalaing makakabuntis ito dahil nga naman mukhang batang-bata.

Kaya naman laking gulat namin nang may nagtimbreng isa na itong young dad. Ni hindi nga namalayan na nagkakamabutihan ang dalawang young stars na ito dahil magkaiba sila ng kinabibilangang network. Ipinakilala lang daw si young actress kay award-winning actor ng isa pa nilang common friends na artrista rin at doon nagsimula ang romansa ng dalawa na nagresulta ng bouncing baby girl.

(By John Fontanilla)

loading...

10 thoughts on “Kaya nawala sa sirkulasyon: award-winning actor, nakabuntis ng young star sa kabilang TV network!

Leave a Reply

Your email address will not be published.