Kaya natalo kay Timothy Bradley
Manny Pacquiao, nakukunsensiya nang manakit?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka.

Pinagpipistahan pa rin ang pagkatalo ni Manny Pacquiao. Hindi pa rin maka-move on sa mga pangyayari na natalo si Pacman ni Bradley. Kung si Manny, natanggap niya na natalo siya, pero ang sambayanang Pinoy, ayaw pumayag.

Sa aking tingin, move on na po tayo. Kasi, siguro may dahilan ang pagkatalo ni Manny. Una, baka ito ay nahawakan ng mafia, ang pinakamakapangyarihang sindikato sa America, kaya tumahimik na lang si Pacman alang-alang sa kanyang kaligtasan. Nandoon pa naman ang kanyang pamilya na nanood sa laban.

Ikalawa, hindi natin hawak ang mga hurado na pumabor kay Bradley. Baka nabayaran, o sabi nga ng mga beki, baka ang dalawang hurado ay beki, gumanti lang kay Pacman (joke!).

Ikatlo, ang boxing ngayon ay hindi na sport sa aking panlasa. Ito ay isang sugal, kaya kailangan ng rematch. Napanood ko kasi ang laban, kayang-kaya ni Manny si Bradley, at hindi siya ang dating Pacman na napapanood ko sa mga nakaraang laban.

Ikaapat, sobrang tiwala niya sa sarili dahil siya ay hawak na ni Lord. Kasi nga naman, ang training niya ay heaven, na ibig sabihin, hanggang langit na sobra ang taas ng kumpiyansa sa sarili.

Ikalima, ang pagpapalit niya ng relihiyon na itinakwil na ang dating nakaugalian na nito ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ni Mommy Dionesia sa lahat ng laban. Hindi na niya suot ang rosaryo na lagi niyang dinadasalan sa umpisa ng laban at bawal na sa kanila ang mag-antanda ng krus. Pero nakakalimutan pa rin niya. Nakita ko siyang nag-antanda ng krus nang mabilisan. Ibinigay niya kay Mommy Dionesia ang rosaryo. Ano ang nangyari kay Mommy Dionesia, siya ang na-knock out at hindi si Bradley.

Sa bagay, dalawang beses na itong ginagawa ni Mommy Dionesia, ang maghimatay-himatayan. Una, nu’ng laban nina Manny at Marquez na nanood siya mismo ng laban, ‘di ba? Nagpatihulog siya sa upu-an at hinimatay. Nu’ng walang pumansin, biglang tumayo at kinausap ang kasama na bakit hindi siya pinaypayan, kasi hinimatay raw siya.

Ngayon sabi niya, hindi naman daw siya hinimatay, mainit lang daw sa kuwarto, kasi marami sila at sobrang init ng kandila, kahit kitang-kita na almost 5 minutes daw pinapaypayan si Mommy Dionesia at pinaiinom ng tubig.

Hindi ko sinisisi ang pagkatalo ni Manny dahil nagpalit siya ng relihiyon. Ang natatandaan ko, ‘yung sinabi niya na napanaginipan niya si Lord na nagpakita sa kanya, na tama na ang boxing, kasi bawal ang manakit sa kapwa.

Kung totoong may takot siya sa Diyos, sana sinunod niya ang sinabi sa kanya ni Lord, ‘di ba? Kaya siguro siya natalo, kasi nakukunsensiya na siyang manakit sa kapwa. Kaya ibang ibang Manny ang nakita niyo sa ring sa laban nila ni Bradley.

Kaya nakikiusap ako na let’s move on, balik na sa dating gawi at trabaho. ‘Wag na nating ulit-ulitin pa na ayaw niyong pumayag na talo si Manny. Proklamado na po ‘yan. Kahit na maglupasay pa kayo, hindi na mababawi pa ang desisyon ng mga hurado. Kaloka, as in mabubuang ka talaga sa Earth! Hala, balik na sa dati. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong TV host na talang bilib sa sarili niya at maloloka ka naman talaga dahil bakit may ganitong eksena, na kung na sinu-sino ang nililigawan? Kahit pati ang mga staff niya ay nililigawan niya.

Hindi naman siguro porke’t may pera ka ay sasagutin ka na agad. Asa ka naman, nakakaloka ka naman, ikaw na!!!

Akala niya siguro ay ubod siya ng guwapo. Kaloka naman ang mga eksena niya to the highest level, pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Kaya natalo kay Timothy Bradley
Manny Pacquiao, nakukunsensiya nang manakit?!

  1. Umowe ka na sa Pinas at lubog na yung mga taohan mo sa Saranggani!! Tama na yung boksing boksing mo ang dami mopa namang absent sa Congress. Sabihim mong mag relax lang mga tauhan and mag pray?!?! SUS wala na nga silang matitirahan– anong relax and pray na yan…ang yaman mo di ka naman apektado.

  2. Nakita siguro nina arum na malaki ang pustahan pag si pacman ang may laban kaya pinatalo nila. Siguradong nakita nila na si chavit singson ang may pinakamalaking pusta sa lahat kaya ayun, hindi nila pinapanalo ang pobre. Si aling dyunisia tuloy ang na-knockout…lol!

  3. Ayaw na niyang manakit nang kapwa? REALLY?!!!
    Eh yun magsabi siya nang masakit na salita tungkol sa mga gays, hindi ba niya naisip yun…SIMPLE LANG YAN…ANG TAWAG DYAN AY KARMA…KARMA…at KARMA pa rin.

  4. Agree ako kay Swarding, hindi sport ang boxing but it is a billion dollar business at hawak yan sa mga mafia sigurado. Tsk, tsk tsk, ang daming nalugi sigurado sa mga Pinoy dito sa States na nag bet ng pera kay Pacquiao because Pacquiao won 15 times ba yon? straight kaya siguradong ang mga Pinoy dito sa tate ay may kumpiyansa kay Pacquiao. Yan din ang hula ko Swarding na baka binayaran yong judges para may rematch kasi sabi ni Arum kaagad na may rematch daw sa November ba yon? Lutong luto na ang pagkapanalo ni Bradley.

  5. Nakakatawa ang pagkasulat ni Swarding dito na ” Mommy Dionesia, siya ang na-knock out at hindi si Bradley.” hahahahahaha……

  6. talaga namang super-to-the-max ang kayabangan ng Willie Revillame na yan.. Hindi lahat ng babaeng nililigawan nya at mukhang pera noh…

Leave a Reply

Your email address will not be published.