Kaya napupunta kay Vice Ganda ang mga pelikula
John Lapus, problemado sa schedule

SA IBA’T ibang reaksyon na lumalabas patungkol sa pagkakaalis kay Sweet John Lapus sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy kung saan napalitan ito ni Vice Ganda sa dapat raw ay launching movie ni Sweet, agad naming hiningan ng reaksyon tungkol dito si Direk Wenn Deramas, direktor ng nasabing pelikula.

‘Di naman ipinagkaila na dapat talaga ay kay Sweet ang nasabing pelikula, pero dahil sa schedule ay napunta ito kay Vice. Ipinaliwanag sa amin ni Direk Wenn na sa Abril pa o sa Mayo puwedeng simulan ni Sweet ang nasabing pelikula pero kailangan na siyang magsimula ngayong buwan na ito dahil masisira naman ang kanyang schedule, mabuti na lamang at free naman ang sked ni Vice kung kaya’t ‘di dito nagkaroon ng problema.

Bago pa man tanggapin ng Unkabogable Star ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay nagsabi na ito kay Direk Wenn na klaruhin muna ang lahat kay Sweet dahil ayaw nitong magkasamaan sila ng loob na magkaibigan, bagay na agad namang ginawa ng direktor at agad ay nagpaabiso ito kay Sweet.

Sa isyu naman na dapat daw ay kay Sweet din ang pelikulang This Guy’s In Love With You Mare  pero napunta rin ito kay Vice, ikinuwento sa amin ni Direk Wenn na mahaba ang tinakbo bago ito napunta kay Vice. Bilang creative producer ng Viva Films, binigay niya muna ito kay Direk Andoy Ranay, napunta kay Direk Ricky Rivero kung saan dapat nga ay kina Cristine Reyes, DJ Durano at Sweet pero hindi rin ito natuloy. Kinausap siya ng Viva at Star Cinema kung may materyal siyang nakahandang gawin na hindi kasing-laki ng Praybeyt Benjamin at dito nga ay naisip niya ang pelikulang ito kung saan umokey naman sa sked nina Toni Gonzaga, Luis Manzano at Vice Ganda.

Siniguro sa amin na wala silang samaan ng loob at galit sa isa’t isa ni Sweet kung saan ayon nga kay Direk Wenn ay magkasama pa sila sa iisang mesa ng komedyante at masayang nag-uusap, ayon nga sa direktor ay may hinahanda silang pelikula para kay Sweet na ipe-present nila rito at magsisilbing launching movie nito.

Ang kabuuan ng aming interview kina Sweet at Direk Wenn ay mapapanood sa Cinema News ngayong darating na Biyernes, Feb. 15.

 

KUNG MAUUWI sa totohanan ang relasyong John Prats at Isabel Oli, tiyak na ikatutuwa ito ng pamilya ng mga Prats kung saan ayon nga sa aktor ay matagal na pala siyang inuungutan ng kanyang ama na magkaroon ng apo.

Naparatangan ding playboy at heartbreaker nang mauwi sa break-up ang relasyong John at Bianca Manalo, kung saan ang aktor daw ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang relasyon. Ayon naman kay John, ikinalulungkot niya sa tuwing matatapos ang kanyang relasyon sa isang tao, kung saan dumating na nga siya sa punto na iniisip niya na baka wala talagang nakalaan para sa kanya.

Ngayong mukhang may pag-asa naman kay Isabel, magiging espesyal raw sa aktor ang dara-ting na Araw ng mga Puso at kaarawan din mismo ni John na ilang araw na lang mula ngayon.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

3 thoughts on “Kaya napupunta kay Vice Ganda ang mga pelikula
John Lapus, problemado sa schedule

Leave a Reply

Your email address will not be published.