Kaya Nakapanakit at Nanuntok sa Hardware Store… Sid Lucero, Bangag?!

KAMAKAILAN AY LUMABAS ang balita na inireklamo ang award-winning actor na si Papa Sid Lucero ng isang merchandiser sa isang hardware store sa San Juan dahil diumano sa ginawang panununtok nito sa kahera at panunutok ng screw driver sa mismong nagreklamo.

Ayon sa merchandiser na nakilala sa pangalang June, eh, halata umanong mainit ang ulo ni Papa Sid noong nagpunta sa kanilang tindahan. Nang magbabayad na raw ang aktor, tinawag siya nito ulit at nang akmang uumbagin siya ay nag-may-I-ilag ang lolo n’yo kaya ang kasama nitong kaherang babae ang napuruhan.

Dyusko! Nakakatakot pala kung sumpungin itong si Papa Sid, huh! Hindi pa rin daw nakuntento si Papa Sid at tinutukan daw nito ng screw driver sa leeg ang kaawa-awang merchandiser at tumigil lang ito ang awatin ng isang customer na dumating. Makalipas ang ilang minuto eh, bumalik ito at humingi ng paumanhin sa dalawa.

Nakakalurkey mga kaparazzi, may mga mahaderang nagsasabi na ‘di naman kaya bangag daw nang araw na ‘yon ang magaling na aktor at minalas lang sina June at ang kahera dahil sila ang napagbuntungan? Sana naman ay maayos ang gusot na ito sa lalong madaling panahon dahil baka makaapekto ito sa lalabasan niyang epicserye sa GMA-7 na Amaya with Marian Rivera at ang indie film na Prey sa direksyon ng internationally acclaimed director Brillante Mendoza.

Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Kaya Nakapanakit at Nanuntok sa Hardware Store… Sid Lucero, Bangag?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.