Kaya nagtangkang magpakamatay: KIM CHIU, PAGOD NA PAGOD NA?!

NAGPAHAYAG NA SI Kris Aquino na mananatiling “friend” na lang daw sila ni James Yap, kung saan ay hindi nito ipagkakait si Baby James sa ama at higit sa lahat ay never daw siyang magsasalita ng mga bagay na ikasasama ng basketball star. Dahil dito ay lalong naging solido ang pangarap ni James na ligawan uli ang taklesang aktres.

Isa sa mga kaibigan namin ang nagsabing panay raw ngayon ang padala ng mga mensahe ni James kay Kris, kung saan ay nangangako itong hindi na muling gagawin ang mga bagay na nakasama ng loob ng aktres.

“Feeling ko its too late, kasi desidido na talaga si Kris sa desisyon niyang iwan si James. Pero ewan ko lang din, knowing Kris na kapag ginigerli-gerli siya ni James ay bibigay rin ‘yan,” tsika ng aming source.

Sa kabilang banda, usap-usapan na ilang na ilang daw si Mariel sa first airing ng bagong programang Pilipinas Win na Win dahil alam naman ng buong mundo na sina Kris at Robin Padilla ay nagkaroon ng relasyon noon.

“Feeling siguro ni Mariel ay baka ma-in love uli si Kris kay Robin,” obvious na kasi ngayon ang pagmamahal ni Mariel kay Badboy.

Samantala habang umeere pala ang Pilipinas Win na Win, si Willie Revillame naman ng mga sandaling iyon ay abala sa isang bagay na higit umanong makabuluhan na hindi nito nagawa noong mga panahong abalang-abala pa sa Wowowee. “’Yan ang sinasab i ko kay Willie, huwag siyang masyadong magyabang hindi niya puwedeng kalabanin ang ABS-CBN.

Ngayong wala na siyang show at tinanggihan pa niya ‘yung once a week show na offer sa kanya, saan siya ngayon pupulutin?” Pahayag naman iyon ng isang taga-ABS-CBN.

HANGGANG NGAYON, DEADMA pa rin si Kim Chiu sa kung ano ang nagtulak sa kanya kung bakit ito nagtangkang magpakamatay kamakailan. Umuusok ang balita na ang dahilan umano nang pagpapakamatay ng dalaga ay dahil sa paghihiwalay nila ni Gerard Anderson.

Kahit anong kulit kay Kim ay ayaw nitong magbigay ng pahayag sa kung bakit siya nagtangkang nagpatiwakal. Pero sey ng aming source, bukod kay Gerald ay masyado na raw napapagod si Kim sa showbiz kaya kailangan nito ang konting pahinga.

WALANG TAKOT NA inamin ni Uma Khouny na pumapatol siya sa babae at pumapatol din siya sa lalaki depende sa kung ano ang nararamdaman niya sa isang tao.

Hindi inamin nang tuwiran ni Uma na isa siyang silahista, pero kung tutumbukin ang kanyang mga binitiwang pahayag sa Paparazzi ng TV5, obvious na panibagong Rustom Padilla ang binata.

Ang nakakatawa pa nito, maging si DJ Mo Twister ay hindi rin nakaligtas sa matalim na dila ni Uma dahil umamin ang aktor na nagkaroon sila ng “relasyon” nito noong mga panahong bagito pa lang ang aktor sa Pilipinas.

Sa kabilang banda, ayaw nang pag usapan pa ni Uma ang “adopted child” niya na anak ng kanyang kapatid kay Sam Milby.

Ayon sa aktor, hindi raw showbiz ang kanyang kapatid. “Nakakaawa ang sister ko dahil siya ang apektado rito, at the same time kawawa ‘yung bata kasi she is already three years old now at may alam na siya sa mga nangyayari. I mean, huwag na… tama na,” sey ni Uma.

Habang on going ang Paparazzi, tinanong nina DJ Mo, Dolly Anne Carvajal at Cristy Fermin kung ano ang maitatawag ni Uma kay Sam. Ibinulong ni Uma ang isang katagang naging dahilan para higit na mamamangha at umanghang ang halakhakan.

Alam ba ninyo kung ano ang ibinulong ni Uma? KUPAL daw si Sam!

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleJoey de Leon, mahilig sa beauty queens!
Next articleVice Ganda, magpapaalam na sa Showtime?!

No posts to display