Kaya nagbabalak lumipat sa Singko Derek Ramsay, binabastos ng ilang tao sa Dos?!

NAG-STORYCON NA ang pelikulang pagsasamahan nina Bea Alonzo at Derek Ramsay, pero hanggang ngayon ay undecided pa rin ang aktor sa kanyang plano. Ang usap-usapan ay nakatakdang lumipat talaga ang aktor sa bakuran ng TV5, dahil sa magandang proyektong nag-aantay rito. Pero maganda rin ang mga project na naka-line-up sa kanya sa Dos.

Ayon sa isang taong malapit sa aktor, very close daw si Derek kay Manny Pangilinan dahil hindi pa ito artista ay nagtiwala na ito sa kanya para sa mga unang commercial na ginawa ng aktor. Pero hindi rin kinakalimutan ng binata ang mga magagandang bagay na ibinigay sa kanya ng Dos.

“Actually kung tutuusin hindi naman sana maiisipang lumipat ni Derek, kaya lang may ilang tao riyan sa Channel 2 ang walang respeto sa kanya,” sabi ng aming source.

Iwas magbigay-komento si Derek sa isyung paglipat niya sa TV5. Pero ang tiyak, nahihirapang magdesisyon ngayon ang binata dahil sina Manny Pangilinan at Charo Santos ay malapit sa kanyang puso.

Sana lang ay makapag desisyon nang tama si Derek. Tsuk!

 

SOBRANG SAYA ni Ynez Veneracion dahil makakasama siya sa pelikulang gagawin ni Vilma Santos, kung saan ay gaganap siya bilang kaibigan ng Star For All Season. Ayon kay Ynez, nakatulong nang malaki ang pagiging Claire niya sa Munting Heredera.

“Dati puro lalaki lang ang nagpapa-picture sa akin, ngayon mas maraming nakakakilala sa aking mga bata at gustung-gusto nila ako. Mag-i-storytelling nga ako sa Enchanted Kingdom. Sabi ko nga nu’ng sabihin sa akin, eh, sigurado ba kayo? Ako ba talaga ang gusto n’yong magbasa para sa mga bata? Ganu’n! Ang saya-saya ko, kasi unti-unti na ako ngayong napapansin,” sunud-sunod na sabi ni Ynez nang puntahan namin siya sa taping ng Untold Story.

 

SPEAKING OF Untold Story, mukhang magkakaroon ng gusot sa pagitan nina G Toengi at Alice Dixson. Ganito kasi ang kuwento. Tinanong namin si G kung bakit parang hindi siya tumatanda. Kapansin-pasin kasi na kahit may dalawang anak na ang aktres ay parang dalaga pa rin ito.

“Ang ganda ganda mo pa rin hanggang ngayon G,” sabi namin at sinundot namin ng ganito, “Pareho kayo ni Alice, hindi kayo tumatanda. Pareho kayong maganda.” At alam ba ninyo kung ano ang reaction ni G Toengi?

Sabi ni G, wala raw retoke sa mukha niya. Walang tusok dito at walang tusok diyan.

Hahaha! Kayo na po ang bahalang mag-one plus one. Tsuk!

Panoorin ang kontrobersiyal na Untold Story, mga kuwentong hango sa Face to Face ni Amy Perez.

 

70 PERCENT lang daw ang chance na maibalik ang magandang boses ni Nora Aunor, matapos na ito ay magpakayod ng kanyang lalamunan sa Boston. Ayon sa ating source, hindi raw nagdaan sa matinding operasyon ang Superstar dahil iniwasang lalong mamaos ang aktres.
“Kinayod ang lalamunan niya, parang may tinanggal lang na laman du’n and then, unti-unti na uling babalik ang boses niya,” kuwento sa amin iyon ng aming source na nagsabi ring labis ang pagpapasalamat ng Superstar sa TV5, dahil isa ito sa mga tumulong para matuloy ang pagpapagamot ng aktres.

Matatagalan daw ang pagbalik ng golden voice ni Nora, pero unti-unti ay magiging maganda ang daloy ng pagsasalita nito at hindi tulad ngayon na parang putul-putol at mahinang hindi mo maintindihan.

Maibabalik daw ang dating tinig ni Mama Guy pero hindi isang daang porsiyentong kasing ganda pa rin ito sa dati. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

15 thoughts on “Kaya nagbabalak lumipat sa Singko Derek Ramsay, binabastos ng ilang tao sa Dos?!

  1.  mas maganda si Alice Kay G…at yan ay napatunayan niya sa pagandahan via BB Pilipinas…wag ng ikumpara dahil Hindi sila magka edad…halAtang gawa gawa Ito ng mga reporters para pag Usapan si G at Alice….kit a Naman sa Glamorosa lahat ng angle ni Alice ang Ganda niya unlike LT na obvious na ang edad na 50 sa mga angle niya…hind naalagaan mga scenes ni LT…Baka Naman kaya nasabi ni G yun ay wall siyang alam na nag pa nose job si Alice …at walang ka Mali malisya na nasabi niya yun.di niya kasi need yun dahil wall Naman siayng diprensya…

  2. tong si hugo bayaran cguro ng shit-teh kaya ganun na lang ang galit sa Dos kasi kahit di nila aminin, mas magagaling at sikat ang mga talents ng Dos, aminin.

  3. MAY BAGONG NETWORK LEGEND parang Urban Legend. that goes something like this: ” for every Kapuso Star na lilipat sa dos may magbubuwis ng career na homegrown Kapamilya star” Kalilipat lang ni Iza Calsado sa ABS at eto ngang si Derek ang mawawalan ng career dun….

  4. Derek, sayang ang natamo mong kasikatan sa Dos kung lilipat ka sa Laos Station, kahit sa GMA ka pa lumipat, hindi kikinang ang iyong bituin tulad ng nagawa sa iyo ng Dos. At kung totoo man may mga nambabastos sa iyo, Charo’s office is always welcome to hear your grievances.

  5. hindi ba dito na rin naisulat na hindi lilipat si derek…hindi mag tugma ang mga articles ng mga writer dito.  kung san sya masaya di dun sya…this time ndi career move kundi type lang lumipat…dahil  nasa taas na sya with his blockbuster movies.  Goodluck Derek!

  6. nakakatawa na nakaka-flattered, kasi bakit kelangan palagi i-compare kay alice ang isang artista pag ganda ang pinag-uusapan? nung nagpo-promote si LT ng flawless niya, may i compare din ke alice, ne kesyo mas fresh siyang tignan kesa kay AD, hindi ba pwedeng ipromote na lang yun na sabihing maganda si LT kelangan igitgit pa talaga na higit siya kay alice, which is hindi naman? ngayun naman ke G….so it goes without saying na bago ka maging tunay na maganda dapat lumevel-up ka ke ms. alice…yun na…iba talaga ang tunay na maganda…si ms. alice lalong gumaganda sa panlabas dahil maganda rin ang kanyang kalooban

  7. i’m sure walang masamang ibig sabihin si G nung sinabi nya yun…baka nga hindi pa ganon ang pagkasabi niya…as for alice, wala na siyang dapat patunayan pagdating sa pagandahan, dahil even before her nose job, e talagang maganda na siya, katunayan ay ang pagkapanalo at pagiging crowd favorite niya noong bb. pilipinas…lalo lang na-enhance ang ganda niya…yun lang ang alam kong pnagawa niya…at ngayon naman non-surgical treatment ang ginagawa niya to maintain a youthful look…baka ibang artista ang matamaan sa comment ni G at hindi si alice…pero between G at alice…di hamak na mas maganda si Alice, kahit walang make-up ang labanan.

  8. talagang napakalaki ng galit ni ate hugo sa kapamilya! hahahaha! hirap nga namang mag isip si derek, kasi pag sa tv5 sya, unti unti na syang makakalimutan ng mga tao pero pag sa abs, continuous pa rin ang pagkilala sa kanya pero sayang ang mga naglalakihang datung na ibibigay ni mvp at ang talent fee nya, hahahaha! swerte ng mga bagets ngayon kasi pustahan mga teh, after 10years pa na tatapatan ng tv5 ang gma7 at abs, hanggang ngayon forever number 3 lang sila sa ratings. dba ganyan din ang gma7, inabot sila ng sampung taon bago nakilala at natapatan o naungusan ang abs. kaya derek, wag ka nang lumipat para mas mahasa pa ang akting mong tulad ng walang kabuhay buhay na akting nina jolo revilla, geoff eigenman at aljur abrenica!

  9. on the subject ng pambabastos ng ABS CBN staff and crew and star ng Kapamilya Network: GRABE talaga sa dos, sila sila nagtitirahan, nagsisiraan, nambabastusan. Sobrang nakakahiya naman ang ganyang CULTURE within the ABS CBN company! Shame shame shame on ABS!

  10. Kahit saan estasyon sya magpunta, hindi mawawala ung makaka-encounter sya ng ganun problema kahit pa anong ganda ng pakikisama nya. kakambal na yan ng buhay. You can’t please everybody, eka nga. Go Derek, just follow the desires of your heart.

  11. go lumipat kna sa TV5. as if nmn me nambabastos sau o tak0t ka lng mwalan ng sustento gling sa dyowa mong c MVP? LOL ohh xa, mgpalista kna sa mga “Has been” or “Never been”. Pasalamat ka lng kay Anne, at sa ABS dhl nkasali ka sa Box Office Movie. see yah again in limelight in… uhhhmmm, 10 years? 20 yrs? LOL  Or d kna tlga mkabalik sa ABS, since mggng Kapamilya na c Dingdong after ng “My Beloved”.

  12. dapat si derek lumipat na kailangan kasi ng isang tao na may respeto para mahaba ang pagsamahan parang mag-asawa dba?pag wlang respeto ndi maganda at magkakaron lang ng palstikan..kya derek go go go sa tv5…kahit ba sikat ang channel 2 kung ndi ka naman rerespetuhin ndi naman mahalaga kung malaking network ka basta may respeto at magandang offer…

Leave a Reply

Your email address will not be published.