Kaya nagagalit ang mga fans… Sarah, tatanggalan ng korona ni Cristine?

SA SUCCESS NA tinamo ng No Other Woman, hinuhulaang isa si Cristine Reyes sa posibleng koronahan next year bilang box-office queen, kaya todo-react na naman ang mga fans ni Sarah Geronimo na dalawang beses nang napuputungan ng korona bilang reyna ng takilya. Ayon sa mga mahadera, galit na galit daw ang mga loyal na tagahanga ng Pop Princess dahil nga sa maaaring maagaw ni Cristine ang trono. Dyusko! ‘Di ba si Ai Ai delas Alas ang reigning queen last year at natanggalan na rin ng precious crown si Sarah na si Ai Ai ang nakakuha? Bakit ginagawan ng issue ang pagiging box-office queen ni Cristine eh, talaga namang ang pelikula nila ni Anne Curtis ang pinakamalaki ang iniakyat na pera this year. Karapatan ‘yon ng aktres dahil dalawa sila ni Anne na bumida sa nasabing movie at walang maaaring kumontra d’un. Tigilan na ang intrigang itey at nakakasulasok na, hehe! Chos! May mga pahabol pa kayang pahayag ang dalawang aktres? Alamin!

Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 138 November 4 – 6, 2011 Out Now!
Next articleBox Office Rivals!

No posts to display