Kaya nag-resign sa Face To Face
Amy Perez: ‘Di ko na kaya ang betrayal

Amy-Perez NAGPALIWANAG NA si Amy Perez tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pag-alis sa programa niyang Face To Face sa TV5 isang buwan halos bago ito tuluyang magsara sa ere.

Matatandaang nagkaroon ng balita noon na may hindi raw sila pagkakaintindihan ng production staff ng show matapos itong bumalik mula sa kanyang maternity leave.

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter, nagpahayag na si Tyang Amy ng mga rason niya bakit siya umalis sa Face To Face. Ayon pa sa kanya, “Just to be clear sa mga nangyari. Never kong sinabi sa management na magtanggal ng tao sa Face. What happened really ay gusto nilang mag-taping ng 4 episodes a day at sinabi ko lang naman na ‘di ko pa kaya since kapapanganak ko pa lang at first time ko na-CS (caesarian). After nu’n nagparinig na sa FB. Ano naman ang laban ko du’n? Kaya nag-resign na lang ako, kasi ‘di ko na kaya ang ganu’ng betrayal.”

“I swear to God, I never asked the management kasi ako na nga nagparaya, ‘di ba? Lahat sila may work now, mas pinili ko ang peace of mind kesa kumita ako. Kasi lahat naman sila may work pa now, kaya I’m happy for all of them, ako na lang ang iiwas.”

Nasaktan din daw siya dahil pinalabas daw na siya pa ang masama. Aniya, “Nakasasama lang ng loob kasi ako pa’ng ginawa nilang masama after all ng mga paghihirap namin together nang nagsisimula pa lang ang show na iyan. Pero ganu’n siguro hanggang du’n na lang ako.”

Amy-Perez“At the end of the day, alam mo ‘yung ‘pag ‘di ka na masaya, talagang mas pipiliin mo ang peace of mind kesa financial gain. Kaya ako na lang ang umiwas para na rin happy lahat.”

Masaya raw si Amy na may show ang kanyang mga kapatid sa kanilang talent agency. Saad pa niya, “I’m happy na may work sila, may show si Gelli at Mamu (Tintin) kasi Backroom sisters ko sila.”

“Pero siguro talagang hanggang doon na lang ako. Sad at masakit, kasi p’wedeng naging maganda ang ending, alam mo ‘yun, kaya ako na’ng umiwas.”

Sinabi rin ni Tyang Amy na maganda raw ang naging pamamaalam niya sa mga bigwig ng istasyon. Lahad niya, “Even our president, Sir Noel (Lorenzana), naunawaan niya how hurt I was sa nangyari. Kaya sabi niya, it’s also a good time for me to heal.”

“’Di natin masasabi, malay mo after 3 years Kapatid ulit ako. Kaya maayos kaming naghiwalay nina sir Noel, Ma’am Wilma (Galvante) Ma’am Luchi (Cruz-Valdes) at ni Sir Perci (Intalan) at sir Bob (Bareiro), alam ang totoong nangyari.”

“Too much lang ‘yung pain and hurt ko, felt so betrayed kaya mas pinili ko nang umiwas para alam mo na happy na lahat.”

By the way, malapit nang mapanood si Amy sa ABS-CBN kung saan makakasama niya si Roderick Paulate sa pagbabalik ng Singing Bee, na dating pinamamahalaan ni Cesar Montano.

Perci-Intalan-Jun-Lana

CONGRATS SA aming dating Bossing sa TV5 na si Sir Perci Intalan, na bagong kasal sa long-time partner niyang si Direk Jun Lana sa New York. Naganap ang same sex marriage ng dalawa sa Bethesda Fountain sa Central Park, New York last Monday, October 14.

Makikita sa kanilang mga pictures ang sayang nararamdaman nila ngayong legally binded na sila.

Congrats and best wishes!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Kaya nag-resign sa Face To Face
Amy Perez: ‘Di ko na kaya ang betrayal

  1. OBVIOUS NA MARUMI ANG MANAGEMENT SA TV5 AND AMY IS JUST TOO PRIM AND PROPER NOT EXPLOIT IT. SHE JUST MADE HER GRACEFUL EXIT INSTEAD. KESA MARUMIHAN DIN SYA IWAS NA LANG. ANYWAY, WHAT FUTURE WILL SHE EXPECT OF THAT TV STATION. EH TAON TAON NA LANG AY BILYONES ANG LUGI. HOSPICIO NI MVP NA LANG ITAWAG NILA.

    • hahaha! marami pang sako ng bigas ang kakanin ng tv5 para makipagsabayan sila sa abs-cbn at gma7. Hindi mo rin naman masisisi ang mga talent na lumilipat sa cinco dahil feeling nila ay wala silang chance na sumikat sa kanilang mother network dahil sa favoritism kaya ayun, lipatan blues ang nangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published.