Kaya nag-babu sa noontime show ng Dos Janelle Jamer, Kapuso na pala!

FIRST TIME NAMING NAKABISITA sa bagong show ng controversial host-actor-singer na si Willie Revillame na Willing Willie sa bago n’yang tahanan sa TV5 sa Novaliches, Quezon City nu’ng isang gabi. Nagulat kami dahil paumpisa na ang show ay marami pa ring tao sa labas ng gate ng istasyon. At para sa mga hindi pinapalad makapasok kada palabas ng primetime show ng Kapatid Network, may malaking screen sa gilid sa labas ng gate para makapanood pa rin sila. Hanggang matapos ang show ay nakaabang silang lahat sa paglabas pauwi ng kanilang iniidolo at nagbibigay-pag-asa sa kanilang buhay na si Kuya Wil kung tawagin nila.

Habang tumatagal ang Willing Willie ay mukhang nagiging bagay sa isa’t isa sina Willie at ang kaisa-isang female co-host n’yang si Councilor Shalani Soledad ng Valenzuela City. Although, mahiyain pa rin si Shalani, nakipag-duet pa rin s’ya kay Willie ng hit single ng huli. Marunong din palang kumanta ang konsehala, in fairness, bukod sa pagiging maganda at mabait. I-improve n’ya lang ang pagsu-suot ng dress, dahil medyo hindi maganda ang suot n’ya nu’ng gabing ‘yon. Eh, kung kumuha kaya s’ya ng stylist? Hello, Liz Uy? Charot!

At since more than week na ang ex-girlfriend ni President Noynoy Aquino sa show, nagpa-cater s’ya para sa staff and crew, and some friends from the entertainment press na dumalaw that night.

Tinanong namin si Willie kung nagkausap ba sila ng asawa ng kanyang former manager na si Arlene de Castro na si former vice-president Noli de Castro bago tuluyang magbalik ang huli sa TV Patrol sa ABS-CBN 2 na katapat ngayon ng kanyang show. “Hindi na. Kami lang ni Tita Arlene. Sabi ko, kung saan s’ya (Noli) masaya, okey lang naman sa ‘kin,” nakangiting pag-amin ni Willie.

NAKA-CHIKA NAMAN NAMIN ang  dating co-host ng Wowowee at Pilipinas, Win Na Win at nagbabalik show biz na si Janelle Jamer sa backstage ng nakaraang 24th Star Awards for TV kasama ang baguhang TV host na si Gee Canlas na may hawig pala sa Pop Princess na si Sarah Geronimo na ikinatuwa naman n’ya. Ang tanong: si Sarah kaya, matuwa rin? Charing! Hahaha!

Anyway, ayon kay Janelle ay one week lang talaga s’ya dapat sa Pilipinas, Win Na Win. Marami kasing nagulat nang biglang nag-last episode na s’ya sa noontime show ng Dos last Saturday. Pinakiusapan lang daw ang TV host ng isa sa mga boss ng ABS-CBN na manatili na lang s’ya sa show ng one month instead of one week only. Pumayag si Janelle dahil mabait naman daw sa kanya mula noon hanggang ngayon ang nasabing boss.

Ang nakakatuwa rin kasi, kahit under GMA Artist Center si Janelle ngayon ay kinuha pa rin ang kanyang serbisyo ng istasyong kanyang pinagmulan, ang ABS-CBN. Kaya sana ay mabigyan pa rin s’ya ng ibang show ng Kapamilya network.

In the mean time, magiging busy muna si Janelle sa paggawa ng record album na medyo pang high-end market daw, ayon sa kanya. Ganon! A-B market talaga!

NAGULAT DAW ANG three-time Box-Office King na si John Lloyd Cruz nang pumayag magpahalik sa ilang eksena ang kanyang bagong leading lady sa kanilang bagong pelikula na My Amnesia Girl, under Star Cinema, na si Toni Gonzaga.

Ang alam kasi ng lahat, maging ni Lloydie siguro, prior to their movie, ay walang kissing scene na magaganap sa naunsyaming movie project sana ng Multi-Media Star at ni Robin Padilla, kaya siguro nagulat ang una.

Biniro namin si JL na kaya siguro pumayag si Tin (palayaw ni Toni) sa kissing scene nila ay dahil Box-Office King at mahusay s’yang aktor. “Hindi naman siguro,” nahihiyang sagot ni John Lloyd.

Natuwa naman kami nang makita naming nag-abot at nagkamustahan sa backstage ng Star Awards for TV, kahit sandali lang sina Toni at ang dati n’yang kasamahan sa Eat Bulaga at iginagalang na si Joey de Leon.

In fact, to these days ay naka-display pa rin sa magandang bahay nina Toni ang regalong painting ng well-respected and veteran host-actor sa kanya.

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz!, with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, from Monday to Friday, at 11 AM to 12 NN or log onto www.dwiz882.com. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

3 thoughts on “Kaya nag-babu sa noontime show ng Dos Janelle Jamer, Kapuso na pala!

  1. hay naku buti naman kung wala na siya sa win na win, epal lng siya, akala mo kung umasta may ari ng ABS…salamat at umalis parehas lng sila ni Mariel,,,mga epal

    • Akala ko, ako lang ang nakapansin nito. May ala Mariel rin ang ugali ni Janelle. Ginagaya ang accent nang mga contestants kung minsan at nagbibitaw nang nakakainsultong comments.

Leave a Reply

Your email address will not be published.