KAYA NA BA PUMUNO NG SHOW VENUE? Newbie LA Santos, sasabak na sa concert scene

LA SANTOS

MALAKI ang tiwala ng producer na dating aktor na si Joed Serrano sa baguhan na si LA Santos.

Dahil sa pasiklab ni LA sa pagpe-perform niya sa YouTube na siyang basehan ni Joed para mapaniwala siya na magaling nga si LA as a singer and performer na rason para ipag-produce niya ng concert ang binata, all praises si Joed sa kanyang bagong alaga.

Via the show #PETMALU na magaganap sa Lunes, April 30 sa Music Museum, hindi na nagdalawang isip si Joed together with Dream Wings Production Inc, na ipakilala ang talent ni LA sa publiko.

Sa concert, magiging musical director ni LA si Lean Iñigo na ang concert title ay si LA mismo ang nakaisip.

Kakaiba daw kasi ang show niya: “Excited po ako dahil first major solo concert ko ito. May halong kaba rin po siyempre, hindi po siguro talaga mawawala iyon. Pero siguro po ay normal lang na makaramdam ng ganoon talaga,” kuwento niya.

Bukod kasi sa galing niya sa pagsasayaw ay sasabayan pa niya ng pagkanta. Mahifap na performance ito para sa isang baguhan pero pangako ni LA na itatawid niya ang kakaibang show niya sa Lunes.

Yes, malakas ang pakiramdam ko na mapupuno ni LA ang show venue ng mga paying guests.

LA Santos with his producers Nectar Endaya of Dream Wings Priductiobs, Joed Seranno of J.E.D.I and musical director Lean Iñigo

Bongga ang line-up ng guests ayon sa binata. Petmalu ika nga.

Mayroon ka nang  Jaya, may Jon aka pa at Michael Pangilinan. Syempre not to forget ang mga Jukebox Queens na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente at Eva Eugenio (tama ba ang order of billing?); ang stand-up comedienne na si Boobsie Wonderland at syempre si Papa Ian Veneracion na nakasama ni LA as guest sa Ian in 3 Acts na isinagawa sa Cebu last weekend at sa Resorts World Manila in May.

Break a leg LA.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “KAYA NA BA PUMUNO NG SHOW VENUE? Newbie LA Santos, sasabak na sa concert scene

Leave a Reply

Your email address will not be published.