Kaya mas pinili si Congressman Roman Romulo kaysa kay Willie Revillame Shalani Soledad, sobrang segurista?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Bonggang-bonggang eksena ng chikahan na naman ngayon dahil forget 2011, happy 2012 sa inyong lahat! Siyempre naman, sa pagbabalik natin, more chikka, more fun na naman ang mga eksena to the maximum authority of chikka ng yours truly at malaking pasabog na naman ang mga ichi-chikka ko sa inyo.

Itong si Shalani Soledad pala ay dalawang beses binasted si Willie Revillame. At take note, kahit dalawang beses pa siyang binigyan ng naglalakihang bato ng diamond ring, segurista kasi si Shalani. Alam daw na hindi pag-aari ni Willie ang ibang property, kaya kahit maliit lang ang batong singsing na bigay ni Congressman Roman Romulo, siyempre naman, nararamdaman siguro ni Shalani na makakasiguro naman siya na lahat ng ari-arian ni congressman ay sa kanya talaga. At nasa posisyon pa si Cong. Romulo, kasi nga naman segurista raw si Shalani at ambisyosa. Sa bagay, sa lahat ng bagay, ang ambisyon ang hindi binabayaran, kakaloka!!!

 

AT HETO naman ang hindi mata-pus-tapos na isyu dahil ang nakakalokang chikka sa akin na hindi talaga matatapos hangga’t hindi siya magbabago. Sobrang laki na raw talaga ng ulo  ni Vice Ganda. Ayaw niyang pinupuna siya, gusto niya, lahat ng bati sa kanya, papuri. Puwede ba ‘yun? Napaka-perpect naman ni Ate.

At ayaw niyang lumingon sa pinanggalingan niya, gusto niyang maging friend ang mga nasa alta sosyedad at mayaman katulad ni Kris Aquino. Kaya nga nu’ng mismong araw ng Pasko sadya raw na inisnab nito si Ai-Ai delas Alas nang magkita sila sa hotel. Nagkita kasi sila ni Ai-Ai at ang grupo ni Kris Aquino sa Manila Peninsula nu’ng Dec. 25 kasama si Liz Uy at iba pa galing sa screening ng pelikulang Segunda Mano.

Naku, kaya siguro nagmamaldita itong si Vice, hindi kaya nagpapansin lang? Kasi, hindi na siya uso at tinatalbugan na siya ng mga baguhang grupo ng mga beki, ang Wonder Gays na may show sa Australia, Japan at America. Kaya ginamit niya si Ai-Ai para makakuha ng attention, dahil talagang kumita ang Enteng ng Ina Mo at wala siyang pelikula sa MMFF.

Say mo, Vice? Naku, ‘te… 2012 na, dapat magbago na tayo para maging maganda ang pasok ng taon sa atin. Pak!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “Kaya mas pinili si Congressman Roman Romulo kaysa kay Willie Revillame Shalani Soledad, sobrang segurista?!

  1. naku sino ba yang wondergays na yan at pilit na kinakalaban si vice ganda? wala pa sila sa kalingkingan at sa talampakan ni vice ‘noh!

  2. on feb 23, 2012 metro manila  center makati city will shake up rock by magnitude 9.4 earthquake this is a warning in last year someone predicted a super typoon falls in philippine and its come true in ilagan in cdo see nostra u know it

  3. naku naman tita swarding…sabihan ba na:
    Naku, ‘te… 2012 na, dapat magbago na tayo para maging maganda ang pasok ng taon sa atin. Pak!
    don’t you think this phrase is for you?
    #1 for sure di mo kilala ng personal si Shalani para i-judge mo sya na segurista at ambisyosa
    #2 joke! kilala ba ang wonder gays? personally i don’t like vice ganda but i don’t agree with you na di na sya uso. as if naman alam mo tita swarding ang story behind the “isnaban issue”.
    don’t judge people dahil lang sa personal na galit…ikaw din you’re not getting any younger,
    baka magkasakit ka sa puso.

  4. dahu ang wondergays swarding? ikaw naman sikat na sikat pa rin si vice kahit na minsan napaghahalata ang kayabangan nya pero minsan namimisinterpret lang sya. ikaw naman dagdag bawas sa mga isinusulat mo. sabihin mo yang paninira mo kay vice kung talagang kalevel na nya ang mga dahung wondergays na yan 

Leave a Reply

Your email address will not be published.