Kaya Mahirap Mahuli: Napoles, Maraming Koneksyon – DoJ

ANG PAGKAKAROON ng maraming koneksyon kaya’t hindi mahuli-huli ng mga kinauukulan ang puganteng negosyante na si Janet Lim Napoles na nasa likod umano ng P10 bilyon na pork barrel fund scam.

Ito ang sinabi ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima, ilang araw matapos maglabas ng arrest order ang Makati Regional Trial Court dahil sa kasong serious illegal detention laban kay Napoles at kapatid na si Jojo Lim.

Samantala, inihayag naman ni National Bureau of Investigation dir. Nonnatus Rojas, tuluy-tuloy ang manhunt operation kay Napoles kahit pa nananalasa ang habagat sa buong Luzon.

Matatandaang ipinag-utos ng Court of Appeals na i-freeze ang 107 bank accounts ni Napoles kabilang na ang kanilang pasaporte upang hindi na makalabas sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Kaya Mahirap Mahuli: Napoles, Maraming Koneksyon – DoJ

  1. Bakit hindi tanungin ng NBI si Bong Revilla at mga kasama niya. Jinggoy Estrada, Bong Bong Marcos, Juan Ponce Enrile, Gringo Honasan.. Buhay pa kaya si Janet ? Curious lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.