Kaya lumaking mabuting anak
Arjo Atayde, nakatikim ng matinding displina mula kay Sylvia Sanchez

OH MY God! More chikka, more fun na naman tayo today. Weekend na naman, talagang napakabilis ng panahon, ilang tulog na lang sabi ng mga bata, Pasko na. Kaloka! Kaya ang karamihan, todo-higpit ng sinturon sa paggastos. Sa mahal ng mga bilihin ngayon, mga apo ko na ang pinaglalaanan n’yan.

‘Yan ang naging unang paksa ng usapan namin ni Sylvia Sanchez nang naanyayahan ako sa kanyang small but cozy TJ’s restuarant sa may Sgt. Esguerra malapit sa ABS-CBN. Habang kami ay nagpipika-pika sa kanyang masasarap na foods, tuloy naman ang aming tsikahan. Nadako kami sa kanyang anak, na si Arjo Atayde at ipinakita sa akin ang mga picture ng anak. Naloka ako, as in, yummy, mas mahigit pa sa mga hunk actor ang dating sa akin.

Maraming naikuwento sa akin si Sylvia tungkol kay Arjo nu’ng kabataan pa. Damang-dama ko ang pagiging mother niya, kasi gano’n din ako sa aking mga anak. Hindi ko kasi naabutan doon si Arjo na siya talagang pakay kong makita para makausap ko nang personal. Kasama raw ng grupo ni John Lloyd Cruz sa premiere night ng The Mistress.

Ayun, unang napag-usapan namin na nu’ng bata pa si Arjo ay tipong brat, at sa kanyang pagdidisiplina ay napakain niya ng si-ling labuyon at napaluhod niya sa monggo. Pero nu’ng lumaki na ito, napakalaki nang ipinagbago ni Arjo, naging magalang at mapagmahal.

Ayon nga sa mga kasama ko nang gabing ‘yun na sina Roel Villacorta at Fernan ‘Ms. F’ de Guzman, napakadaling mahalin ng batang si Arjo. Marami itong talent, marunong sumayaw at kumakanta. Isa siyang Lasalista, at una ko siyang nakita sa E-boy, isang teleserye sa Dos na kailangan niyang mag-drama. At drama rin ang ginampanan niya sa episode ng Maalaala Mo Kaya na ‘Bangka’, isang estudyante ang papel niya at kasama niya ang kanyang mga kapatid sa bangka para makapasok sa eskuwelahan. Dito ko napansin ang galing ni Arjo Atayde, na ang gustong tularan sa pag-arte ay itong si John Lloyd.

Ayon nga sa kanyang proud mother si Sylvia, talagang gustung-gusto ni Arjo na maging isang mahusay na artista. Matagal na raw niya itong pangarap, mula nu’ng bata pa. Kaya kahit sa mga shooting at taping niya, sumasama itong si Arjo. Minsan nga, may nagtanong sa kanya, kaibigan niyang director, kung may anak siyang mahilig mag-artista, kasi may isang role nga rito sa E-boy at doon siya napansin. Kaya nabigyan siya ng magandang role sa MMK na siya ang bida sa Bangka, doon siya napansin sa kahusayan sa pag-arte.

Sabi nga, kanino pa magmamana ‘yan? Isang magaling na actress ang kanyang ina. At ayon nga sa tsika, kasalukuyang nagwo-work out at nagwo-workshop itong si Arjo para sa isang action-drama series na niluluto ng ABS-CBN. At isa nga si Arjo sa makakasama ni Ejay Falcon na malapit nang umpisahan ang taping, pero wala pang pamagat ang nasabing serye.

Naikwento nga sa akin na itong si Arjo ay hindi marunong magalit sa kapwa. Kaya sa isa niyang eksenang sinisigawan na siya ng kanyang director na magalit, nahirapan siya, dahil nga mabait itong bata, marunong makisama. Kaya ang ginagawa niya, mag-e-emote daw ito na kunwari may kaaway at magkukulong sa isang kuwarto para mailabas ang tunay na hinahanap ng kanyang karakter sa role.

Marami na ang napapabilib ni Arjo sa pag-arte, kahit na halos walong buwan pa lang sa sa industry, at very supportive naman ang kanyang loving mother sa career ni Arjo.

Sayang nga at hindi kami nagkita nang personal. Hayaan n’yo, ‘pag nagkita kami, mas marami pa akong matutuklasan sa kanyang gustong mangyari sa kanyang career. Wala pa raw itong girlfriend, at bongga ang kanyang heigth 6 ft, at mahilig din itong makipagsalamuha sa mga kapederasyon ko, kasi ang kanyang P.A. ay isang beki.

Sa mga susunod siguro, ‘pag nagkita na kami ni Arjo, marami akong masasabi sa kanya. Kasi sabi ko nga, sa picture pa lang, naloka na ako. Kasi ang cute ng dimple niya, ang lalim parang dimple ni Aga Muhlach. Sabi ko nga sa kanila, dimple pa lang, ulam na.

So abanggan natin ang isang Arjo Atayde sa kanyang serye na malapit nang ipalabas sa Channel 2.

 

PITIK-BULAG: Sino itong sexy star na maganda, maputi, maganda ang ngipin, pero, ‘day, ‘wag kang mapalapit sa kanya?

Kasi kuwento ng isang kasamahan ko sa hanap-buhay, ininterview raw niya ito. Hindi raw niya alam kung tatapusin na agad o masusuka sa amoy ng kanyang hininga.

Kadiri nga raw, kung gano’n siya kaganda at kakinis ang balat, gano’n naman ang antot ng kanyang bibig. Dapat gumamit siya ng bubble gum. ‘Yun na! Nakaka-turn off to the highest level!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Kaya lumaking mabuting anak
Arjo Atayde, nakatikim ng matinding displina mula kay Sylvia Sanchez

Leave a Reply

Your email address will not be published.