Parazzi Chikka: Kaya inuutangan, Nina, kotse pa lang 10M na!

Huling-huli ng ating kamerang-gala ang Soul Siren na si Nina habang pababa ito ng kanyang sleek and white sports car sa MYX Music Awards. Lumabas si Nina galing sa front passenger seat ng Lamborghini Gallardo SE sports car na ito with her personal assistant. Alam niyo bang nagkakahalaga ang isang Gallardo SE ng $170,000 to $210,000 – tumaginting na 10 million lang naman ang halaga nito in peso! Nakakaloka huh! Parang barya lang naman pala ang sinasabing utang ni Nyoy Volante na 1.5 million pesos sa singer. May chikka ring inutangan din siya ng kalahating milyon ng isa pang ex-bf niyang si Jimmy Bondoc.

Kaya naman pala mukhang ‘di naman nalugi si Nina kahit pa mahigit dalawang milyong piso ang nahuthot sa kanya ng mga dyowa niya. Pautangin mo rin kami please.. He-he!

By Faith Salazar

Photos by Mark Atienza and Luz Candaba

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Parazzi Chikka: Kaya inuutangan, Nina, kotse pa lang 10M na!

  1. Pinaghirapan niya ito. Walang karapatang utangan siya nang lalaki lalu na at walang balak na bayaran ito. Para tuloy walang ba__y__g ang tingin ko kay Nyoy Volante. Siguro naman mas mabuti pang i-pamper na lang niya ang sarili kaysa ibigay pa niya sa mga linta.

  2. Mayaman ang boyfriend nyan. They have a condo in Ortigas, live in na sila. At kung kay Nina naman ang kotse, no wonder din. Sa dami ba naman ng multiple platinum albums nya at in-demand sya through the years eh makakabili talaga sya ng ganyan!

    Go Nina!

Leave a Reply

Your email address will not be published.