Kaya humingi ng tawad kay Yasmien Kurdi Baron Geisler, kailangang buhayin ang career!

FOLLOWING THE OUT-OF-COURT settlement last week sa kasong Acts of Lasciviousness na inihain ni Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler, finally, the case had seen its closure. Bukal na rin kasi sa loob ni Yasmien ang pagpapatawad makaraang in her heart of hearts ay sinsero naman ang paghingi ng sorry ng aktor.

Ibinatay rin ng abogado ni Yasmien ang malaking pagbabago sa pagkatao ni Baron whose rehabilitation program in addressing his alcohol problem has helped him become a better and a more stable person that he is now.

Hindi namin ito kinukuwestiyon, sinumang taong nalihis ng landas deserves a second chance, even a third, fourth, fifth and so on.

Pero sa pagtawid ng public apology ni Baron — despite his repeated refu-sals back then sa dahilang he stood firm that he never did Yasmien wrong — hindi maiiwasang makaladkad sa isyu ang parehong kasong kinasangkutan niya prior to this.

What immediately comes to mind ay ang ongoing case ni Baron na isinampa ni Patrizia, anak nina William Martinez at Yayo Aguila.

In Baron’s words, huwag na nating isama rito ang kaso ni Cherry Pie Picache whom he allegedly victimized on the same ground dahil napatawad na rin naman daw siya ng premyadong aktres. Besides, the one with Cherry Pie was not elevated to the court, kundi isang usapin lang within the confines of the PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) which recommended Baron’s compulsory submission to a rehab procedure, among others.

So, ang expected question kay Baron: Ihihingi rin ba niya ng paumanhin ang kanyang ginawa kay Patrizia? Both Baron and his legal counsel came up with an answer. May pending case pa raw kasi ito, patuloy na dinidinig sa korte.

Teka, is it not the same as Yasmien’s case against Baron, na oo nga’t pinatawad na siya sa kanyang ginawang kahalayan ay nasa korte pa rin?

The height of legal inconsistency!

Eh, mismong ang kampo na nga ni Baron ang nagsabing may hearing pa sila sa November, kung saan du’n pa lang magpa-file ng Motion for Desistance si Yasmien dahil napatawad na nga niya si Baron. So, what makes this legal procedure different from Patrizia’s case, kung saan ang dali-dali namang sabihin ni Baron na isa sa mga araw na ito ay magsosori rin siya kay Patrizia?

Ayaw naming isipin that just because Patrizia is a non-star kung kaya’t walang pakinabang si Baron sa kanya in his bid to desperately resurrect his showbiz career, kumpara kay Yasmien na puwede niyang magamit to his advantage!

 

PAGKAWAWA SA KANYA. Ito ang himutok ng be-king si Anthony laban kay Edmund na kumupkop  sa kanya sa kuwento ngayong Miyerkules sa Face To Face titled Beking Inalila Raw Noon, Daig Pa Ang Heredera Ngayon! Kawalan naman ng utang na loo bang depensa ni Edmund kay Anthony na nakuha pa raw magnenok ng mga gamit niya sa parlor.

Suko naman si Veronica sa kanyang amang polio victim na nga’y lasenggero pa na si Mang Mario sa episode bukas na pinamagatang Tatay Na Para Lang Makaihi, Sa Dalagang Anak Pinapahawak Ang Ari!   Panauhin naman ng FTF si Dr. Liza Ong, consultant mula sa Department of Health, upang ipaunawa kay Mang Mario ang masamang epekto ng paggumon sa alak.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

4 thoughts on “Kaya humingi ng tawad kay Yasmien Kurdi Baron Geisler, kailangang buhayin ang career!

  1. Wala naman career si Yasmin. starlet na hindi sumikat, last movie niya flopsida supporting nga lang hindi pa makuha. lol

  2. @ carla, thank you, kaya pala wala ng exposure si Yasmin ngayon, Mabuti yong ginawa nyang mag-aral ng nurse dahil yong pag=artista ay hindi forever, kung wala ka nang asim, hindi ka na pinapansin ng mga network kasi hindi ka na makapagdala ng malaking pera para sa kanila, It’s a cruel world to be in but tama ang ginawa ni Yasmin na nag-aaral.

  3. eh kasi po nagaaral pa si yasmin ng nursing kaya di gaano active ….
    buti naman baron humingi ka na ng tawad sana lang totoo yan ha ayusin mo na buhay mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.