Kaya hiniwalayan
Krista Kleiner, ‘di na kinaya ang pananakit ni JayR

GUSTO NA naman yatang magpaingay ni Krista Kleiner, ha!

Na-interview pala ito ni DJ Mo Twister sa Podcast niya, na hindi ko naman alam kung ano ‘yun, ha?!

Napag-usapan lang ng mga staff sa Startalk na sinabi raw ni Krista sa interview na isa sa mga dahilan ng hiwalayan nila ni JayR, dahil sinasaktan daw siya.

Iba na talaga ang mag-boyfriend ngayon, ha! Magsyota pa lang ‘yan, nag-uumbagan na?

Kuwento ni Krista, meron daw pagkakataong nasaktan siya.

Wala naman daw siyang balak na ilabas pa ‘yun, pero marami raw kasing nagtanong sa kanya ng kung anu-ano, at napag-usapan daw nila ni DJ Mo ang tungkol sa pananakit sa magkasintahan at nadulas yata si Krista, naikuwento niya itong naranasan niya kay JayR.

Ayaw pa munang ikuwento ni Krista ang buong detalye, pero mukhang balak niyang ikuwento ito lahat ‘pag matuloy ang interview ng Startalk sa kanya.

Umalis muna siya pa-Malaysia at pagbalik daw niya, pag-usapan daw nila ng manager niyang si Arnold Vegafria kung iri-reveal ba niya ito lahat.

Hindi pa nahingan ng sagot si JayR tungkol diyan dahil nu’ng Sabado lang yata siya dumating galing Amerika. Ewan ko kung papatulan niya ‘yan.

Eh, ito palang si Krista ay magpu-promote na ng album niya, kaya siguro nag-iingay na siya ngayon. Tingnan na lang natin.

 

BUMALIK PALA ang cute na bagets na si Vincent Magbanua sa Indio. Nag-taping na raw ito nu’ng nakaraang Sabado.

May ilang flashbacks sila nu’ng maliit pa si Indio kaya kailangan niyang mag-taping.

Sa totoo lang, marami pala ang nag-request na kung puwedeng bumalik daw si Vincent dahil marami ang nagkagusto sa kanya.

Magaling naman kasi talaga ang batang ito, kaya dumami ang fans nito.

Malay natin, baka may magawa ang mga writers na maging regular na si Vincent kaya abangan na lang natin at tutukan pa rin ang Indio.

Ang isa pang excited na rin na mag-taping sa Indio ay si Aljur Abrenica. Siya ang isa sa idadag-dag sa main cast ng Indio dahil bagay sa kanya ang role.

Bukas na raw siyang magsisimulang mag-taping. Special participation lang siya roon, pero mahaba-haba naman daw ang exposure niya.

Paganda nang paganda na nga ang kuwento ng Indio, kaya super tutok talaga ako.

Siyempre lalo akong natutuwa kay Bong dahil magaling siya talaga rito sa Indio. Ibang-iba ang performance niya rito at ang laki ng iginaling niya. Kaya proud na proud ako sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Kaya hiniwalayan
Krista Kleiner, ‘di na kinaya ang pananakit ni JayR

  1. KERI LANG YAN! TUTAL MGA UBER STARLETS LANG YANG MGA YAN SA MEGA KAMUNING HAHAHAHAHAA PEOPLE COULDN’T CARE LESS SA MGA STRUGGLING STARLETS NA YAN!!!

  2. HINDI KAYA GUMIGIMIK LANG ANG DALAWANGITO, KASI NAMAN PAREHO NA SILANG LAOSCEAN DEEP KAYA GUMAGAWA NA LANG NG GIMIK HAHA!

    • AY SI KRISTA GIMIKERA TLG YAN. REMEMBER NUNG NAGKARON NG HOSTAGE DRAMA INVOLVING A TOURIST BUS? DI BA NAGKALAMAT ANG RELASYON NATIN WITH CHINA? ABA, WORRIED AGAD ANG KRISTA NA BAKA MATALO DAW SYA SA MISS WORLD KASI SA CHINA GAGANAPIN. NAKKOH, GUMAWA NG GIMIK ANG HITAD AT SUGOD SA PINANGYARIHAN NG HOSTAGE AT NAG-ALAY NG BULAKLAK AT KANDILA. TAKE NOTE HA, IYAK TO DEATH WITH MATCHING HIKBI ANG LOKAH. SABI NG MGA MAHADERANG PRESS, CRY DAW LOLA NYO WITH MATCHING CAMERA PARA RAW MAPANOOD NG MGA CHINESE AT WAG SYANG I-BOO AT PARA MANALO NA RIN. HAHAHA. MGA PRESS, WALANG PATAWAD!

  3. NAKOH BAKA MAY GABRIELANG NAGBABASA DITO. HAHAHAHA. CUTE NAMAN ITONG SI JR. NAKITA KO SYA IN PERSON KUMAKAIN SA ISANG THAI RESTO WITH HIS BARKADAS. ANG CUTE CUTE SA PERSONAL. KASO, JOMBAGERA PALA. HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.