Kaya hiniwalayan ni Pauleen Luna: Dennis Trillo, pakialamero! – Alex Brosas

Masyado yatang pakialamero itong si Dennis Trillo kaya naman naimbiyerna na si Pauleen Luna at hiniwalayan niya ang binata.

Ang tsika, sobra raw kung makialam si Dennis sa pananamit ng dalaga, talagang tinatawag niya ang pansin nito kapag sa tingin niya ay sobrang iksi ng mga isinusuot nito.

Kapag lumalabas nga raw si Pauleen na suot ang napakaiksing short, hindi magtatagal ay makatatanggap daw ang dalaga ng text message mula kay Dennis. At ang mensahe raw ng binata, parang kinulang sa tela ang suot ni Pauleen. Minsan naman, sinasabi raw ng binatang ama na masyadong napaiksi ang suot ng aktres.

Minsan naman, hindi na nakapagpigil si Dennis, pati ang wardrobe mistress (staff na namamahala sa damit ng mga artista) ay kanyang tinatawagan para raw payuhan na huwag nilang bigyan si Pauleen ng super sexy na outfit.

Ganyan daw ka-conservative itong si Dennis when it comes to dressing.

Sa pakikialam niya, ayun, naimbiyerna na nang todo si Pauleen at nakipag-break na ito sa kanya. Hindi niya pinangarap na maging manang, ‘no!

At ang isa pa raw ikinaiinis ng dalaga, parating nagpapaalam sa kanyang parents si Dennis para sabihing magde-date sila. Okay lang naman daw ito, kaya lang, kapag madalas na itong ginagawa medyo nakakapikon na rin.

With this, talagang hindi totoo na si Mark Herras ang third party sa Pauleen-Dennis split. Friends lang talaga ang dalawa lalo pa’t magkasama sila sa Ikaw Sana with Jennylyn Mercado completing the love triangle.

Jolina Magdangal, umaming dinedeyt ang drummer ng Rivermaya

HINDI NA INIIWASAN ni Jolina Magdangal ang mga tanong tungkol sa kanila ng Rivermaya drummer Mark Escueta na natsitsismis na dyowa niya.

Nang makorner siya sa unveiling ng Lazer Blaster sa Star City last Friday kung saan nakasama niya sina Luke Mejares at Kris Lawrence, sinagot ni Jolina ang lahat ng Mark Escueta-related questions.

“Ang nagustuhan ko sa kanya, marespeto siya. May respeto siya sa aking mga magulang. Kahit na sa iba ko pang relatives, talagang magaling siyang makisama,” say ni Jolina.

Pero, hindi naman inamin ni Jolens na sila na ni Mark. Hindi rin naman niya itinatanggi na minsan ay lumalabas-labas sila and they enjoy each other’s company.

Just recently, isinama ni Jolina si Mark sa farewell party ng Adik Sa ‘Yo.

Read other showbiz news today by Alex Brosas:

Piolo Pascual, hindi muna liligawan si KC Concepcion

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

7 thoughts on “Kaya hiniwalayan ni Pauleen Luna: Dennis Trillo, pakialamero! – Alex Brosas

  1. pakialamero na’t conservative pa ay hindi nga sila magkakasundo nyan especially mahilig ang babae magsuot ng mga too short and low cut clothing to flaunt her sexy body :) baka yan din ang reason dun sa naunang gf kaya’t naghiwalay. :P

  2. Dapat nga maging proud si Pauleen kay Dennis at pinapaalam xa sa parents nia, atleast alam niang serious c dennis sa relationship nila. Saka wala namang masama sa pagiging conservative ni dennis, para sa kabutihan na rin ni Pauleen un. Dennis is one of a kind!

  3. i don’t think so,,pano naman malalaman ni dennis na maiksi short ni pauleen at itetext ito? e di naman sila magkasama. besides kung si cristine reyes nga mas sexy kay pauleen e hindi nya bnabawalan no. e si pauleen pa sexy lng di nmn sexy,,hehe taba legs

    • may point ka. kay cristine nga super daring ng eksena niya hindi niya pinagbawalan. May minahal lang talaga ni Dennis si Cristine. Sana magkabalikan na lang si Dennis at cristine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.