Kaya hiniwalayan ni John Prats: SHAINA MAGDAYAO, MADALAS SA GIMIKAN?!

MAY KINALAMAN DAW ang madalas na pag-attend ng party at paggimik ni Shaina Magdayao kung bakit sila naghiwalay ni John Prats.

Napikon na raw ang dancer-actor dahil madalas ay wala raw sa bahay ang girlfriend niya. Kung wala man ito sa party ay nasa gimikan naman daw ito.

Hindi rin daw nagustuhan ni John ang paglilihim ni Shaina tungkol sa kanyang paglabas-labas sa gabi. Minsan kasi, tinanong niya kung nasaan ang dalaga. Sumagot naman daw ito na nasa bahay lang siya. When John checked kung nasa balaysung nga ito, he was utterly surprised na wala naman pala ito sa kanila.

At dahil nasukol na siya, umamin daw si Shaina na nasa labas nga siya together with some friends.

Kahit na may image na isang party animal, wala naman daw kahilig-hilig itong si John na um-attend ng mga party na siyang kabaligtaran naman ni Shaina.

At nang hindi na raw magkasundo, si John na mismo ang nakipaghiwalay sa nakababatang kapatid ni Vina Morales.
BONGGA ANG CAREER ni Joross ngayon simula nang lumipat siya sa Siyete. Bukod sa First Time, ang kanyang first regular show sa GMA, nagwagi rin siya ng award sa katatapos na Star Awards.

Ngayon naman, humahataw rin ang binata pagdating sa endorsements. Si Joross at si Edgar Allan Guzman ang napiling endorsers ng Le Froge. Si Joross ang endorser ng classic lines ng Le Froge at si Edgar Allan naman ang bahala sa bagets na design.

Medyo daring na rin ang pananaw ni Joross when it comes to paghuhubad.

“I’m open naman sa mga topless scenes. Before naman, nag-trunks na ako. Pero hindi naman all out na all out. Basta maganda ang materyales.”

Carry ba niya ang mag-totaly nude?

“Siguro, pag-iisipan ko muna,” say ng aktor. “At saka kailangan kong mag-workout kasi baka pintasan lang ang katawan ko.”

Sa ngayon ay naka-focus si Joross sa kanyang Mass Communications studies. Naa-appreciate nga niya ngayon ang paggawa ng pelikula.

“Eventually, I want to direct and produce a movie. Actually, ngayon nga, meron ako sa cellphone na top 200 movies of all time para ‘pag nagre-rent ako, meron akong choices. Sa tingin ko, ang pagdidirek at pagpoprodyus ang magiging hilig ko,” say ng aktor.

ISA PANG MEDYO daring na rin ngayon ay si Daniel Matsunaga.

After his short stint sa The Last Prince where he played a wolf, ready nang magpaseksi si Daniel. Sa indie movie nga niyang Survivor, hindi nagdalawang-isip ang Brazilian model na magpaseksi. Most of his scenes ay naka-topless siya.

Ang kuwento kasi ay napadpad sa isang island si Daniel sampu ng kanyang mga kasamang commercial models din. The movie is an action drama at bidang-bida si Daniel rito.

In preparation for his future project ay todo-workshop ang binata at mayroon din siyang tutorial lesson sa pagsasalita ng Tagalog.

NAALIW KAMI SA isang aktor. May nag-offer kasi na isang hair clinic sa kanya na isponsoran ang pagpapakapal ng kanyang buhok pero tumanggi siya.

Hindi lang isang beses na inalok ang aktor, pero consistent ang lolo n’yo sa pagtanggi, talagang ayaw niya. Hindi tuloy alam ng hair clinic kung ayaw lang talaga niyang ipagalaw ang kanyang buhok o may iba pang hair expert na lumapit sa aktor.

But lately, nag-improve na ang hair ng aktor. Medyo makapal na ito. Hindi na siya parang napapanot.

But don’t be mistaken. Hindi ang hair clinic na unang nag-offer sa kanya ng services ang siyang dahilan kung bakit kumapal ang hair ng aktor.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

One thought on “Kaya hiniwalayan ni John Prats: SHAINA MAGDAYAO, MADALAS SA GIMIKAN?!

  1. sayang na napakagandang bata, nagiging masamang ehemplo sa mga kabataan.

    ang pangit ng mga nasusuungang problema, alak at lalake sa susunod buntis issue na yan tapos sugal tapos walang ending.

    habang maaga pa mauntog ka na

Leave a Reply

Your email address will not be published.