Kaya hindi raw mapakasalan Ara Mina, hindi tanggap ng pamilya ng lalaki ang dating sexy image?!

NAGTATAGAL NA rin ang relasyon nina Ara Mina at ng kanyang non-showbiz boyfriend na galing sa nakaririwasang pamilya. Kaya marami talaga ang nag-aabang kung kailan matutuloy ang napapabalita noon na nalalapit na rin ang kanilang pagpapa-kasal. Hanggang ngayon kasi, kapag kinukulit si Ara ng kanyang mga kakilala sa showbiz, wala pa rin siyang maibigay na malinaw at direktang paliwanag kung talagang seryoso sa kanya ang nasabing lalaki para siya ay pakasalan.

Nitong huli kasi, parang hindi kumportable si Ara na pag-usapan nang malaliman ang tungkol sa kanyang lovelife, at siyempre pa’y ang tungkol sa kanyang mga plano kung sakali nga at magkatuluyan sila ng kanyang boyfriend. Parang mayroong hindi kagandahang nangyayari sa takbo ng kanyang lovelife. Bagay na ikinalulungkot siyempre ng mga nagmamahal kay Ara, dahil hindi na nga siya bumabata, kaya wish lang nila ay mag-asawa na si Ara bago maunahan pa ni Cristine Reyes na magpakasal kay Rayver Cruz.

Nagkataon lang na nagkaroon si Ara ng sexy image, dahil iyon ang nagpasikat sa kanya pagkatapos ng ilang taon din niyang pagsusumikap na mapansin sa showbiz. Bulung-bulungan ngayon kung tanggap daw ba kaya ng napakapribadong pamilya ng boyfriend ni Ara ang kanyang dating image para tanggaping maging miyembro ng kanilang angkan? Maliban kasi sa pagsabak ni Ara sa paghuhubad ay wala kang maipipintas sa kanya, dahil napakabait niya bilang kaibigan at ulirang anak. Si Ara ang tipo ng tao na hindi mapagtanim ng galit sa kapwa, maliban na lang kung siya ay hinahamon.

 

NUMERO UNONG tsikadora at masayahing tao si Ai-Ai delas Alas, na bigay-todo sa kanyang pagkukuwento tungkol sa kanyang mga nararamdaman. Pero pagdating sa lovelife, hindi mo siya pupuwedeng pagkatiwalaan sa batayang ang mga ikinukuwento niya ay magkakaroon ng happy ending. Katulad na lamang ngayon, kinikilig ang mga tsinitsika niya sa kanyang ipinapangalandakan na isang guwapong lalaki na car dealer, na 28-anyos diumano ang nagiging inspirasyon niya.

Hayun, hindi mapangalanan ni Ai-Ai kung sino ang nasabing lalaki, dahil baka kapusin na naman siya ng mga susunod niyang ikukuwento kapag itinanong na sa kanya pagkalipas ng ilang araw, kung ano na ang mga bagong kaganapan sa kanyang mga kiliti sa katawan tungkol sa bagong lalaking nagpapatibok sa kanyang puso. Susme! Ilang kuwento na ba ng puro simulang pagpaparamdam ng ligaw ang naranasan at ipinagsigawan ng sikat na komedyana? Hindi ba’t lagi namang cry ang lola n’yo, dahil nawawala naman sa kanya ang mga kalalakihan!

Si Ai-Ai ay para lang ding si Rufa Mae Quinto na laging puro kuwento kapag may nagpaparamdam na manligaw sa kanya. Pero bumilang kayo ng ilang linggo o buwan at iba na ang takbo ng kuwento. Bigyan din natin ng chance si Ai-Ai kung magiging seryoso sa kanya ang 28-anyos na nagpapakilig sa kanya. Kung desidido naman siyempre ang nasabing guy, ay lumantad siya at magsalita. Huwag ‘yung lalantad lang dahil gusto palang mag-artista at ginagamit lang si Ai-Ai para magpapansin sa showbiz.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Kaya hindi raw mapakasalan Ara Mina, hindi tanggap ng pamilya ng lalaki ang dating sexy image?!

  1. gurang na si ara noh? nasa mid 30’s na ba sya? mahihirapan na syang magkaanak nyan, pikutin mo na ara mina!!! hahahahahaha

  2. dapat mapangasaw nito ay politiko gaya ni Vilma! gagamitin sya sa pagtakbo sa pulitika! sure iyun ! Now na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.