Kaya hindi nadadalaw ang anak kay Jennylyn Mercado
Patrick Garcia, nanganak na raw ang girlfriend

KAHAPON NA ginanap ang story conference ni Sen. Bong Revilla ng kauna-unahan niyang drama series na pang GMA Telebabad. Indio ang working title nito na ewan ko kung ito na talaga. Pero maganda naman in fairness, na sabi nga nila, gagastusan daw ito nang husto ng GMA-7.

Isang epicserye raw ito na mala-Amaya rin ang dating, pero mas malaki raw dahil nangyari nu’ng 17th century pa. Kaya madugo ito sa production design at marami pang artistang involved.

Tatlo pa ang leading lady rito ni Bong na sina Jennylyn Mercado, Rhian Ramos at Maxene Magalona. Ang babagets ng leading lady, ha! Pero bagay pa rin naman kasi, kaya okay na ‘yun. Bale ito ang first telebabad ni Bong, first time din siyang idirek dito ni Dondon Santos na first project din sa GMA-7.

Sa susunod na buwan na sila magsisimula ng taping, pero tatapusin pa muna nito ang pang-filmfest nila ni Vic Sotto at Judy Ann Santos na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

 

ABALA NA ngayon si Judy Ann Santos sa shooting ng Si Agimat…. Abala na rin siya ngayon sa promo ng pelikula nilang Mga Mumunting Lihim na magsi-showing na sa August 22.

In fairness nga sa pelikulang ito, hindi pa nagsimula ang Cinemalya 2012, meron na itong booking dahil kinuha na ng Octoarts ang distribution. Kaya pagkatapos nitong maipalabas sa Cinemalaya, mapapanood na ito sa commercial run.

Nagkaroon na sila ng presscon nu’ng nakaraang Martes at tuwang-tuwa si Judy Ann na ikinuwento na talon daw siya nang talon nang nabalitaan niyang nanalo silang apat na bida sa pelikulang ito.

First time kasi sa isang award-giving body na apat slang nanalo sa dalawang kategorya pa, ang Best Actress at Best Supporting Actress.

Sabi nga ni Juday, malalagay na raw niya sa portfolio na napanalunan niya ang Best Actress at Best Supporting Actress sa isang award-giving body lang.

“Ginawa namin ang pelikulang ‘yan na wala kaming ini-expect na manalo. Basta nag-enjoy lang kaming gawin ‘yun,” pahayag ng aktres.

Kasama ni Judy Ann dito sina Iza Calzado, Agot Isidro at Janice de Belen na magagaling naman daw talaga sila rito, kaya wala kang itulak-kabigin, lahat na lang sila win. Bongga na ‘yun.

Doon pala sa presscon, naikuwento rin ni Judy Ann na kopyang-kopya na raw talaga ng anak nilang si Lucho si Ryan Agoncillo. Kung ano raw ang itsura ni Lucho ngayon, iyon na raw ang itsura ni Ryan nu’ng bata pa siya. Pati raw sa pagkahilig sa kotse at motor, kuhang-kuha raw ni Lucho. May maliit na motor daw ito na lagi niyang ginagamit at kabisadung-kabisado na raw niyang magpatakbo sa loob ng bahay. Kaya naloloka raw si Juday kapag iniikot na raw ni Lucho ang bahay nila nang naka-motor. Alam na rin daw nito na kailangan niyang mag-helmet kapag minamaneho nito ang motor niya.

Ang isa pang ikinatuwa ng aktres, sobrang close na raw si Lucho sa Ate Yohan niya. Ganu’n din daw si Yohan na laging nakadikit sa kapatid niya. Protektado raw niya ito nang husto. Nalagpasan na raw nito ang stage na nagseselos si Yohan kaya tuwang-tuwa raw sila ni Ryan kapag tinitingnan nila ang dalawa na close sa isa’t isa.

Gusto na rin daw sana nina Judy Ann at Ryan na masundan na si Lucho, pero wala pa naman daw. Bahala na raw si Lord kung kailan sila bibigyan ng isa pang baby. Gusto raw sana nila ng isa pang kapatid para mas masaya na tatlo na sila. Sana nga matupad itong wish nina Juday.

 

TOTOO KAYA ang nakarating na isyu sa aming nabuntis daw at nanganak na nga ang girlfriend ni Patrick Garcia? Kung totoo man ito, baka ‘yun nga siguro ang dahilan kung bakit hindi na nadadalaw ni Patrick ang anak nito kay Jennylyn Mercado.

Ayaw namang mag-comment ni Jennylyn kung bakit hindi na nakapupunta sa kanila si Patrick. Hindi naman daw sila nagkakausap na ni Patrick dahil sa Mommy lang daw niya ito kumukontak kapag may tinatanong ito tungkol sa anak nila.

Puro ewan lang naman ang sagot ni Jennylyn kapag tungkol kay Patrick ang mga tanong. Ayaw na niyang sumali pa sa isyung iyan ng aktor.

Ang latest pang narinig namin, wala na raw itong pera at nanghihingi na lang daw ito ng tulong para sa girlfriend niyang kapapa-nganak lang.

Ewan ko kung totoo’yan, ha? Kasi kung wala na nga itong pera, nandiyan naman ang magulang niya at kapatid na hindi naman siguro siya pababayaan. Tingnan na lang natin kung magsasalita si Patrick tungkol dito.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Kaya hindi nadadalaw ang anak kay Jennylyn Mercado
Patrick Garcia, nanganak na raw ang girlfriend

  1. Ano ba yong left eye ni Patrick, totoo ba yan or artificial? Parang hindi tunay, sa paningin ko lang naman. Nun ko pa yan napansin na yong left eye niya parang smaller at parang hindi gumalaw masyado nung ininterview sya at kinunan ng close up yong face nya.

  2. PANU D MAUUBOS PERA LAKAS LAKAS MAG CASINO POTANG KUPAL NA YAN TAPOS PAG ME NATIPUHANG USHERETE SA CASINO ITATAKE HOME AT KAKANTUTIN

Leave a Reply

Your email address will not be published.