Photo Oops: Kaya ‘di umaangat sa ratings: Edu Manzano, kung saan-saan sumusuot?

Mukhang kung saan-saan nanggagaling at nagsususuot si vice-presidentiable Edu Manzano, ah! Ito ba ang dahilan kung bakit napag-iiwanan na siya sa survey?

Kamakailan nga lang, para raw makahabol sa karera, nag-announce sina Edu at ang isa pang nangungulelat sa listahan na si Loren Legarda na magha-house-to-house daw sila sa kanilang pangangampanya.

Aba, teka! House-to-house daw! Tama ba ‘tong narinig natin? Eh, kung ilang milyong kabahayan at ilang milyong botante ang kailangan nilang suyurin niyan para lang mapuntahan ang lahat ng kabahayan. Matapos kaya naman nila ang sinasabing house-to-house bago o sa pagtatapos ng campaign period?

Para namang nakakaloko itong si Duds nito, at nagmumukha na siyang malaking disappointment sa kanyang ka-tendem na si presidentiable Gilbert “Gibo” Teodoro niyan.

Ang isa pang napakalaking question mark, magagawa kayang mag-house-to-house ni Edu sa Mindanao? Harapin naman kaya si ‘chairman’ ng mga kapatid nating nagtitinda ng di-bi-de roon?

Ano’ng tingin n’yo, kaparazzi?!

Ni Dani Flores

Photos by Rudy Rabulan

Photo Oops: Larawang ‘di sinasadya, pero nakakatuwa!
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Photo Oops: Kaya ‘di umaangat sa ratings: Edu Manzano, kung saan-saan sumusuot?

Leave a Reply

Your email address will not be published.