Kaya ‘di nakontrol ang sarili
Maricel Soriano, nagbalik-bisyo?!

NAKALULUNGKOT ISIPIN ang nangyaring pagtataray ni Maricel Soriano kay Gerald Anderson ay dahil hindi raw ito makaarte nang tama kaya nauwi sa pagkatsugi ng Diamond Star sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pati yata ‘yung movie project ni Maria with Gabby Concepcion na Boy, Girl, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films ay hindi na rin matutuloy na launching movie sana ni John ‘Sweet’ Lapus under the direction of box-office director Wenn Deramas.

Nang huli namin makausap si Direk Wenn (December 31), excited siyang binibida ang movie nila ni Maria. Sa huling text niya this January 2013, bago ang controversial issue nina Ms. Taray Queen at Gerald, huwag raw muna naming i-promote ang movie nila ng veteran actress, tipong hindi pa sigurado. Hindi na kami nagtanong kung bakit? Nag-reply agad kami, ‘okay’. Ngayon lang namin napagtagpi-tagpi ang istorya kung bakit?

Nakatakda pa namang i-shoot ang pelikula nina Maricel, Gabo at John na ang target date – 3rd week of January 2013. Ayon sa aming source, bago nag-set ng meeting si Vic del Rosario kay Madam Charo Santos para sa paglipat ni Maria, kinausap muna nang masinsinan ni Boss Vic ang actress bago magpirmahan ng kontrata ang Viva Films at ABS-CBN. Sinabihan ito na huwag nang magloka-lokahan sa trabaho. Pinangaralan pa raw ang actress na huling baraha na niya ang muling paglipat nito sa Kapamilya Network. Na-ngako naman daw si Maricel na magpapakatino na siya at magpo-focus sa trabaho. Kailangan daw nitong magtrabaho dahil halos naubos na ang saving nito sa bangko dahil ilang taong wala siyang project.

Balita nga namin, naibenta na raw ni Maricel ‘yung condo unit niya sa Rockwell dahil sa dami na dapat bayaran. Pagkatapos ng kontrata niya sa Singko, ilang taon din namang walang trabaho ang magaling na actress. Walang income na pumapasok, puro palabas. So, natural malamang na unti-unti maubos ang iyong kadatungan.

Nang dahil sa pangyayaring ito, may nagsasabi na diumano nagbalik-bisyo na naman si Maricel kaya hindi nito nakontrol ang sarili sa taping. Tipong nawala na naman ito sa sarili, obserbasyon ng nakasaksi ng pangyayari. Lumabas raw ang totoong personality ni Ms. Taray Queen.

Hindi naging epektibo kay Maricel ang paghingi ng sorry ni Gerald, kahit raw nagsusumamo pa raw itong patawarin na siya with tears in his eyes. Sa kahihiyan ng binata (nakamasid daw ang buong production staff sa eksenang ‘yun ni Gerald na akala mo teleserye) nagba-backout na ito sa serye. Natural, hindi kinaya ng actor ang kahihiyang sinapit nito kay Maricel kaya ayaw na niyang mag-taping at makita pa uli si Ms. Soriano.

Kung ang management ng ABS-CBN naki-simpatya kay Gerald is because contract star nila ito. Hindi nila hahayaan maapi o maagrabyado ang kanilang talent kahit isang de-kalibreng actress pa ang makabangga nila. It’s a matter of choice, kung sino ang kakampihan nila. Nanghihinayang kami kung hindi maayos ang gusot sa pagitan nina Maricel at ang network same with Gerald. Sa totoo lang, napa-kaganda pa naman ng istorya ng bagong teleser-yeng pagsasamahan nilang dalawa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

29 thoughts on “Kaya ‘di nakontrol ang sarili
Maricel Soriano, nagbalik-bisyo?!

  1. ayaw rin namin kay Maricel masamang ugali, nang aapi ng mga kasambahay walang kwentang hayop na babaeng ito kaya buti nalang di sya natuloy para ganado kami manood sa show nila CR 

    • hayop ka rin…mas masahol ka pa kanya…hwag mo ciang husgahan…lahat tau may pinagdaanan at tapos na yang issue na yan…dahil nagpatawaran na cla ng mga kasambahay nia at di rin natin alam kung ano talaga ang nangyari same what happen between her and gerald.kung marunong lang sana budoy  gawin ng tama yung trabaho nia di sana hahantong s ganyan….

  2. GALIT KAMI KE BUDOY GERALD…BABAERO……….AT BAKLAKERO HAAHAHAHAHAHAH………..MABUTI NGA SAU AT NAKATIKIM KA MARIA

  3. OGAG KAU HAHA PAREHAS KAU NG IDOL NIU C BUDOY………ILANG BESEWS NA NAMIN NAKITA SA SHOOTING YN LAHAT PURO 2O TAKES HAY GNUN BA ARTE NUN LAGING ILANG BESES ANG TAKE SA CAMERA…..UBOS ORAS HAHAHAAHAHAHA BUTI NGA NAKATIKIM XA KE MARIA………..SALAHAT NG NAKAEKSENA NI MARIA XA LANG BUKOD TANGING NAPAKARTE PARANG BAKLA EH PANU KABIT NG BAKLA NIYANG MANAGER HAAHAHAHAHA

  4. ok lang kahit mawalan ng trabaho, imposibleng walang ipon si maricel…maraming tv stations, hindi lang ABSCBN…magkakaroon at magkakaroon ng project yan kase maricel soriano yan

  5. Walang karapatang si Ms Maricel Soriano sampalin si Gerald dahil  hindi siya nagpapalamun kay Gerald.  Even if  she is a Diamond Star ano ang karapatan niya sigaw sigawin si Gerald at sampalin? Hindi siya ang ina ni Gerald hindi ba? At hindi palamunin si Geral ng Diamond
    Star na yan.

  6. ano ba tong reporter nato  natutulog sa pansitan…for you impormation matutuloy po yung movie nila ni vice ganda at di c jonh lapus ang bida…..kasama pa rin c gabby.mag uumpisa na cla sa feb., maganda na rin di gawin ni maria yung teleserye na yan dahil puro bano ang nanjan na artista lalong lalo na yan gerald na yan…akala kung cno porke may baklang huma handle s kanya jan kaya ganyan umasta….kung di ka marunong tumanggap ng mga kasalanan at pagkukulang mo  hwag ka ng mag artista.

  7. NAKOH ISANG BETERANA, NAGBABALIK AT NAGPAPAKAPROPESYONAL SA TRABAHO, KAEKSENA ANG ISANG BANO UMARTE AT DI MAKAPAG DIALOGUE NG TAMA. EH ANO PA NGA BA ANG TAMANG GAWIN? DI BA DAPAT LANG TALAKAN! TANONG NYO PA KAY MISS D. TINALAKAN SI ALEX G. UMIYAK DIN PERO TINANGGAP NYA. PRINSESA RIN NG TV5 YUN HA. PERO ITONG SI GERALD, TINALAKAN, UMIYAK, AT NGAYON AY KINAMPIHAN NG NETWORK. JUSMIO PERDON!

  8. Well ganyan din ang ginawa ng ABS kay Revillame kinampihan ng ABS si Jobit,well Gerald maybe? lalo kang yayabang dahil ikaw ang kinampihan ng ABS,well samantalahin mo yan Gerald malalaos ka din dahil wala ka pala alam sa pagarte.Magaling lang yata? si Gerald sa babae hahaha loser…sayang im looking forward pa naman to see again maricel sa drama

    • Business is business. Kahit sino sa management ng ABS CBN, si Gerald talaga ang kakampihan sapagkat isa siya ngayon sa pinaka hottest talents nila. Hindi lang suporta from fans and makikinabangan ng ABS kundi pati na rin ang kikitain ng show. Sa topic naman about malalaos din siya, siyempre naman lahat ng artista dumadaan sa stage na iyan. Sharon, Cesar Montano, kahit na nga si Ms. Nora Aunor lumalaos din. Ang importante lang, once tinawag kang laos, minsan sa iyong acting career masasabi mo na SUMIKAT KANG TALAGA

      • excuse me hottest star ng abscbn,wow ang layo ng agwat nla ni coco martin ng boggangbongga,gerald is not even close lalo na ngayon puro nega ang nasusulat sa kanya,TUHOG KING ito pa DI MAKAARTE C GERALD KAYA TINALAKTALAKAN NI MARICEL,kung anoano kasi inuuna kaya di makaarte,lesson na yan sa mga batang artista na pupunta sa set ang pgmumukha lng ang bitbit,medyo masama pa ang timpla ni marya kaya ayun malas lng nya, nabulgar tuloy kabanuan nya

      • Pag sinabi bang one of the hottest stars mag rereact kaagad na mas magaling pa si coco martin. Agad-agad? Intindihin muna teh. May comparison ba sa statement ko with other stars?bleehhh wala. nganga

  9. Siguro nga sinampal nya si Gerald. Kaya umayaw si Gerald sa Teleserye nya dahil ayaw nya nang makia si Maricel, dahil pag ginawa ulit sa kanya, baka hindi na sya makapag control.

  10. So malinaw n malinaw n c Marya ang dhilan kya xa tinanggal s teleserye ni Gerald…un iba nmn kc kung mkreact against k Gerald as if nmn 1st tym ni Gerald umakting at mgkateleserye….pahiya kayo ngyun…!

  11. si maria nga ang may problema kaya nangyari ang insidente. at di naman niya maitatuwa ang pinaggagawa niya dahil rumorolyo ang kamera habang nagtatatalak sya na parang lukaret. kaya ngayon wala siyang magawa kundi manahimik dahil may ebidensyang magpapatunay sa kanyang kalokahan. sa oras na ilabas ang mga video, wala nang aasahang comebak ang beteranang aktres. pasalamat pa nga siya nirerespeto pa rin sya ng ABS-CBN pinananatiling malinis ang kanyang pangalan kahit aning aning na sya.

  12. Akala mo naman hindi naging baguhan si Maria, masuerte sya ginabayan siya ng mga senior stars noong ng uumpisa siya na hindi mataray, magbago ka na maria, tumatanda ka nang paurong.

    • baka ikaw tumatanda ng paurong…kc yang budoy mo tanga tanga….darating sa taping late tapos di memorize yung mga lines nia…kaw ba matutuwa niyan kahit ako mabwe bwesit kung ako lang yan nasa kalagayan ni maria.di ko sisigawan yan baka bugbugin kp pa yan para magtanda at matututo…..

      • OI MGA GERALD BUDOY D TLGA XA MAGALING NOH……..SALAMAT NALANG SA ABS CBN…..PERO KE GERALD ANU ARTE NIA? ALA BAGSAK

  13. baka nman totoo yong kwento s article n lolit solis n sinampal p n maricel c gerald, kc kong paninigaw lang nman ang dahilan eh lalaki c gerald pwedeng palampasin yon paninigaw pero kong may kasamang pananampal ibang usapan n talaga yon, kong sinigawan lang c gerald bakit napakabigat ng parusa k maricel tangalin s teleserye saka bakit sobrang galit nman c gerald kong sigaw lang, baka kc totoo yong lumabas s PSN nanakit nga c maricel. kong totoo man yon kakatakot n ang babaeng ito bk pag may shooting ito walang kaabog abog gulpihin kasama niya. c maricel ang babaeng baron g.

Leave a Reply

Your email address will not be published.