Kaya ‘di lumipat sa ibang network
Richard Gutierrez, kundisyon ang iatras ng GMA-7 ang demanda laban sa GF na si Sarah Lahbati?!

KUNG ANG mga Kapuso Stars ay isa-isa na naglilipatan sa mga kalabang network, tila hindi matutuloy ang sinasabing paglipat ni Richard Gutierrez sa ibang istasyon.

Balita namin, isa sa mga deal niya sa nauusong paglilipat-bahay ng mga homegrown talents ng GMA-7 ay ang pag-atras ng network sa demanda nila laban sa girlfriend niya na si Sarah Labati.

Kung maalala pa, nasangkot a few months ago si Sarah sa kasong breach of contract sa pagtakas niya ng Pilipinas at umuwi ito sa Europe na may iniwanang mga commitment.

We’re heard, Sarah plans to return to Manila very soon para makasama si Richard.

 

60TH BIRTHDAY ni Nora Aunor bukas, May 21.

As as prime talent ng Kapatid Network, may inihahandang special show ang TV 5 sa kanya kahit ang katotohan ay semplang pa rin sa rating game ang mga show ni Ate Guy.

Happy Birthday, Mama! No choice ako kung mahal mo talaga siya. I want you to be happy.

Basta, I’m a Noranian by heart! Knows mo na ‘yun!

 

MAY PINAGDARAANAN ngayon ang Comedy Box-Office Queen na si Ai-Ai dela Alas.

Bago pa man nag-eleksyon last Monday, isyu na kumakalat sa showbiz na hiwalay na ang bagong kasal na si Ai-Ai at ang napangasawa niyang si Jed Salang.

Kung maalala pa, last April nagpakasal ang dalawa sa Las, Vegas (Nevada) kung saan ikinagulat ng marami. Walang kaabug-abog, nasa social media ang topic ng kasalan. Tila walang plano. Wala man lang pasabi na may pag-iisang dibdib.

Sa katunayan, ang personal naming kaibigan na si Nemi Rafanan na official make-up artist ni Lani Misalucha pa nga ang nag-make-up kay Ai-Ai.

Bago pa man nag-migrate si Nemi, nakakatrabaho niya ang komedyante rito sa Manila.

Anyway, sa kasalanang naganap sa Las Vegas, may balita na muntk-muntikan na ngang hindi natuloy ang kasal dahil nga sa isyung “pre-nuptial agreement” na dapat ay pirmahan ni Jed.

Marahil pumayag ang lalaki kaya natuloy ang kasal. Pero ang usapan nina Ai-Ai at ang panganay na anak na si Sancho, huwag sabihin sa media ang tungkol sa kasalang naganap.

Kaya nga habang nasa Amerika pa si Ai-Ai, naging instant topic ang tungkol sa “kasal” ng komedyante.

In fairness, in love si Ai-Ai at walang magagawa ang mga taong nakapaligid sa kanya kundi kunsintihin at pumayag sila sa kagustuhan niya.

Hindi naman naging maramot si Ai-Ai sa showiz lalo na sa mga press at nag-share nga siya ng ilang mga litrato ng naganap na kasal.

Sa katunayan, after ng Las Vegas wedding, nakatakda na rin ang church wedding ng dalawa sa Pilipinas na magaganap sa December.

But out of the blue, habang pinaplano ang engrandeng kasalan, pumutok ang balita na split na diumamo ang dalawa. Walang kasalang magaganap na ikinagulat ng mga kaibigan ng komedyante.

Last Friday, guest si Ai-Ai sa concert ni Vica Ganda sa Araneta Coliseum.Nakipaghalakhakan. Nakipagharutan na kung napanood mo siya, parang walang pinagdaraanan ito na napakabigat.

Right after ng concert umalis agad si Ai-Ai na naka-dark shade (gabing-gabi) na halatang may itinatago na namumugtong mga mata na idinaan lang sa make-up nang mag-perform ito on stage with Vice and Paulo Avelino.

 Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Kaya ‘di lumipat sa ibang network
Richard Gutierrez, kundisyon ang iatras ng GMA-7 ang demanda laban sa GF na si Sarah Lahbati?!

  1. Aww, may ganon conditiones? anong gender nung baby? baka twin! congrats na lang kay chard! Siya na lang ang hari ng gma! Lumayas na lahat, abangan na lang ang paglimlim ng career ni chard ng dahil sa pagibig!

Leave a Reply

Your email address will not be published.